“…Tumangging makipagdigmaan si Gnaeus Pompeius laban sa hukbo ni Caesar sa lantad na kapatagan bilang pagsunod niya sa payo sa kanya ni Labienus kaya napilitang nagpatuloy ng kampanyang digmaan si Caesar sa taglamig.
Sa unang bahagi ng taon KUWARENTA’Y SINGKO BAGO KAPANAHUNAN NG PANGINOON (45 BC), ang partidong panig kay Caesar sa mga mamamayan sa Ategua ay nagmungkahi na isuko na lamang nila ang siyudade kay Caesar subalit noong nalaman ng mga sundalo sa garison ng mga Pompeyano, binitay nila ang mga pinuno ng mga mamamayang Ategua na maka-Caesar. Pagkatapos ng insidenteng ito, nagtangkang lumabas ang garisong Pompeyano at tagusin nila ang depensang itinayo ni Caesar sa paligid ng bayan subalt sila ay napa-urong na napabalik. Hindi naglaon ay sumuko ang siyudad kay Caesar habang ang garisong Pompeyano ay nakulob sa loob ng bayan. Ilan sa mga katutubong kaalyado ng mga Pompeyano ay bumaliktad at tumakas na nagpunta kay Caesar. Sumakop doon si Caesar at pagkatapos ay nagpatayo siya ng kampo nang malapit sa kampo ng mga Pompeyano pagtawid ng Ilog Salsum. Mabilis na sumalakay si Gnaeus Pompeius at nagitla si Caesar. Umatras si Caesar sa lugar ng Sorecaria at doon, binarahan niya ang isa sa mga linyang daanan ng suplay ng mga Pompeyano. Nagkaroon ng mga maraming mga sagupaan at sa kung anong kadahilanan noong ika pito ng Marso na nagwagi ang hukbong Caesar, marami sa mga dating Pompeyano ang biglang nag-alisan sa kanilang hukbo at pumunta kay Caesar. Dahil dito, napuwersa si Ganeus Pompeius na bitawan ang kanyang taktika ng pag-antala at nanghamon siya ng labanan. Pinakalas niya ang kampo niya doon at dinala niya ang kanyang hukbo sa bayan ng Munda.”
“…At habang nagaganap ang labanan, nakitaan ng paghina ang hukbo ni Caesar. Subalit kagaya ng isa ringpangyayari sa isang digmaan sa nakalipas sa Gaul, kagyat na isinubo ni Caesar sa kanyang sarili sa harapan habang nagsusumigaw siya sa kanyang mga sundalo. “Nasaan ang kahihiyan ninyong dadalhin ninyo ako para lamang ialay sa mga lalaking ito!” Sa suot niya noong pula, kitang kita siya ng kaaway at itinuon sa kanya ang mga misil na apoy. Sa tanang buhay niya, ito ang saglit na ang pagkasalba ng kanyang buhay ay ga-iglap lamang subalit kay Caesar ang kanyang dignitas ay mas mahalaga kaysa kanyang buhay kaya wala siyang pag-alinlangan na isinubo niya ang lahat sa kanya dahil ang kagawaran sa kanya ay ang Roma.”
Please listen to the podcast for the full narrative of this chapter.