Listen

Description

EIDUS MARTIAE 44 BC

(EIDES OF MARCH)

SALAGIMSIM NA MADILIM SA KALAGITNAAN NG MARSO

(ANG PAGTATAPOS)

Si Caesar ay ginawaran ng Senadong Romano ng sampung taong termino bilang diktador noong Setyembre ng taon 46 BC. Subalit noong dumating ang Pebrero ng taon 44 BC, siya ay hinirang na diktador nang panghabambuhay o dictator perpetuo.

Habang lumawak at lumakas ang kanyang kapangyarihan, naging kapansin-pansin noon sa mga ibang opisyal na Romano na hindi maipapabalik ni Caesar ang Roma sa dati nitong maluwalhating estado bilang isang republika na gaya ng naipangako. Nagdesisyon ang senado na bawiin ang ibang mga kapangyarihang iginawad nito kay Caesar. Malakas pa rin noon ang paniwala ng mga mayayaman at maimpluwensiyang mga nobilidad sa senado ng Roma na hindi tatanggi si Caesar sa kanilang pagbawi ng ibang mga kapangyarihan sa kanya.

Subalit ang katotohanan niyan, sa panahong iyon ay hindi na iniintindi ni Caesar ang kaisipan at mga mungkahi sa kanya ng senado. Habang marami sa mga senador ang gustong magbalik sa gobyernong may mga alituntuning batas, ang kay Caesar ay ang kanyang sariling kahusayan ang siya lamang ang mayroong kakayahang magbigay sa mga tao sa imperyo ng kapayapaan at kasaganaan.

Ayon sa isang mananaliksik sa kasaysayang Romano, nais ni Caesar na dominahan ang Roma dahil sa kanyang makasariling paniniwala na ipinagtatanggol niya ang mga kapangyarihan ng mga tribuno na sa kanyang panalig ay sila ang totoong kumakatawan sa mga pangkaraniwang mga mamamayan. At isa pa, mahalaga sa kanya ang kanyang personal na ranggo at karangalan.

Kahit noong pinalaki niya ang senado, ang tingin ni Caesar ay lalo lamng naharangan ang pagkakaroon ng mga kakailanganing reporma ang Roma. Ito ay hindi sinang-ayunan ng mga opisyal na kaisipang-Optimates ang panalig. Sa mga Optimates, ang senado ng Roma ang namaggawa sa Roma na mahusay at malaya. Bagaman ninanais ni Caesar ang mga kapangyarihan ng isang hari, ayaw naman niyang matawag na hari at bagaman ang titulong “panghabambuhay na diktador” o “dictator perpetuo” ay lumalabag sa saligang-batas ng Roma, naniniwala siya na nagsisilbi ito para sa kabutihang publiko.

Nag-umpisa siyang magpalakad ng maraming repormang sibiko at mga pagbabago sa lipunang Romano na kanyang ipinasimulan at lahat ito ay may malaking epekto sa lahat ng aspeto sa araw-araw na takbo ng buhay Romano. Bagaman ang mga repormang ito ay namagpabantog sa mga plebeyo o mga karaniwang mamamayan, nagsimulang mataranta at magnerbiyos ang karamihan sa kanyang mga kaaway at maging ang kanyang mga kaibigan.

“…Gitna ng Marso. Mayroong nakatakda noong sesyon ng senado at ang mga miyembro ng senado ay sabik na naghihintay sa pagdating ni Caesar. Dumating si Decimus sa bahay niya at hinimok siyang tumuloy sa senado. Napanagumpayan ni Decimus na baguhin ang isip ni Caesar at pumayag itong pumunta sa Senado kahit sabihin lamang na ipagpaliban ang pagpupulong. Walang kamalay-malay noon si Caesar na 60 senador ang sumali sa sabwatang patayin siya at sila ay naghihintay sa kanya doon. Lahat ay may nakahandang punyal. Sinamahan siya ni Decimus sa Senado at naiwasan nitong makatagpo si Mark Antony na kung nakatagpo niya ay maaring nagbunyag sa kanya ng planog pananaksak na naghihintay noon sa kanya.

Karaniwan noon na ang pagpupulong sa Tanghalang Romano o Forum Romano subalit ipinapagawa uli ni Caesar ang rostrum sa mga tiyempong iyon kaya ang mga kasabuwat ay nagkita-kita sa bahay ng Senado ni Pompey sa loob ng Teatro ni Pompey. Mayroon nong naisasaganap na mga palarong gladyador sa teatro…”