Listen

Description

Part 10 - Uxellodunum

“Si Caesar ay nanatiling abala sa teritoryong Gaul na kanya noong hinati ng tatlong bahagi - Gallia Celtica, Gallia Belgica at Galla Aquitania. Noong dumating ang tagsibol sa taong 51 BC, sumuko na sa mga Romano ang mga katutubong Belgae. Ang pagkawasak ng. tribung ito ay nasa puntong malayo nang mangyari na maghimagsik silang muli.

Subalit mayroon noong dalawang pinuno ng tribu sa Timog-Kanluran ng Gaul – sinaDrappes ng tribung Senones at Lucterius na pinuno ng mga Cadurci na patuloy noong umaalsa at naglalakbay na nanghihimok ng mga taong sumali sa kanya. Si Lucterius ay dating kasama ni Vercingetorix na nagpatuloy sa pagpalaganap ng resistansiya kahit noong nsumuko si Vercingetorix. Siya ay may katangi-tanging lakas ng loob. Nakapagtipon noon ni Drappes ng mga patapon at mga desperadong lumaban na katutubo na napulot niya kahit saan kasama na ang mga tulisan. Nanatili silang mailap at noong inokupahan nila ang bayan ng Uxellodunum sa taas ng Ilog Dordogne, malapit sa pook na Vayrac sa Pransiya, kanilang lalong

pinatatag ito.

Ang bayan ay pag-aari ng tribung Cadurci, mga katutubo ng rehiyon

ng Quercy sa lugar na sa ngayon ay tinatawag nang Cahors sa Pransiya.

Matibay ang oppidum na ito, at bawat bahagi ng bayan na ito ay nakasanggalang sa pinakamapanganib at matataas na mga bato. Kahit ito ay hindi maguwardiyahan,

mahirap akyatin ito ng sino mang manlupig. Magpagayunman, ang mga tao ay may saganang mga probisyon.

Matibay ang proteksiyon ng opidum ng Uxellodunum dahil halos buong kabuuan ng burol na kinalugaran nito ay napaligiran ng ilog. Isa pa,

ang mga pader na itinayo ng mga Cadurci ay lubos na napakatibay.

Isang bahagi ng kutang-bayan na ito ay protektado ng bundok na nanghahadlang sa anumang pagpasok ng anumang kaaway mula doon.

Ipinasa-kamay noon ni Caesar kay Legatus Gaius Caninius Rebilus kasama ng dalawang lehiyon ng sundalong Romano ang mga umaalsang senones at Cadurci.

Ang mga sundalong Romano ay sabik noong magsimulang sumabak muli sa aksiyon dahil sa pagnasa nilang maulit ang nangyaring pananagumpay nila sanakaraang bakbakan sa Alesia. Sinundan ni Caninius Rebilus sina Drappes at Lucterius sa Uxellodunum.

Pagdating doon ni Rebilus, nagkampo sila sa mataas na lugar sa may gilid ng oppidum upang makapaneguro sila na ano mang pagtatangkang pag-eskapo ng mga tribu mula sa kutang bayan ay masusugpo nila. Sa paraang ito, ang layunin ay ang lubusang masarhang makulob ang bayan.

Ang pinuno ng mga Senones na si Lucterius ay beterano na sa labanan at isa siya sa mga nakatakas sa nakaraang digmaan sa Alesia kaya alam niya ang epekto ng kagutuman sa loob ng kinubkob na lugar.

Kaya nagpasya siyang mag-organisa ng pansamantalang pagpuslit na kasama si Drappes at hukbong tribu mula sa kampo para mangolekta sila ng pagkain at probisyon. Pansamantala silang nag-iwan ng dalawang libong mandirigmang tribu. Pumuslit sila sa kadiliman ng gabi. Ang mga katutubong Carduci na nakatira sa mga karatig na pook ay nagbigay ng mga pagkain at probisyon sa mga rebeldeng sundalong tribu. Ginawa nila ang pangolekta ng ilang gabi hanggang nakaipon sila ng malaking kantidad ng mais. Pagkatapos silang makalikom ng probisyon para sa mga tao sa bayan, nagkampo sina Drappes at Lucterius sa puwestong mga sampung milya ang layo mula sa bayan dahil ang balak ay mula doon, dadalhin nila ang suplay na mais sa loob ng bayan nang unti-unti.

Pinaghatian nina Drappes at Lucterius ang trabaho: ang pangkat ni Drappes ang nagbantay sa kampo, si Lucterius ang nagdala ng komboy ng hayup na nagkarga ng bagaheng mais tungo sa bayan. Pagkatapos na nag-atas si Lucterius ng toka ….”