Listen

Description

PART 8

(Sub episode 7A)

IMPERIO ROMANO JULIUS CAESAR

DIGMAAN SA CARRHAE

Habang abala si Caesar sa pagresolba ng mga pag-aalsa ng mga tribu sa Gaul noong TAON 53 BC, nagkaroon ng labanan sa pagitan ng mga Romano at ng Imperyo ng Partha o Arsacid na lugar na ngayon ng Iran.

Ang nangyaring digmaan ay naganap sa sinaunang bayan ng CARRHAE, na lugar na ngayon ng Harran sa Turkiya. Ang nananakop na hukbong Romano ay pinamunuan ng kaibigan ni Caesar na si Marcus Licinius Crassus. Ang anak ni Crassus na si Publius ay sumali sa kanya na ang dala niya ay mga sundalong galing sa mga hukbo sa Gaul.

Ang digmaang inilunsad laban sa PARTHIA ay bunga ng usapang politika ng samahang triyumbirado sa Roma namatagal nang binuo noon ng mga magkaka-alyado na sina Marcus Licinius Crassus, Pompeius Magnus at Julius Caesar. Batay sa pag-uusap at impluwensiay ng tatlo, naipasa ang batas na Lex Trebonia sa Roma noong taon na 55BC at ito ang nagbigay ng pahintulot kay Caesar na maging gobernador sa Gaul at sa kanyang pagsakop doon. Naibigay kay Pompey ang mga probinsiya ng Hispania

o Pensinsula ng Iberia at nakuha ni Crassus ang probinsiya ng Syria. Sa pagkatanggap ni Crassus sa probinsiya ng Syria, matindi ang naging paghangad niya na masakop din niya ang Parthia, rehiyon noon na ngayon ay lugar ng Hilagang-Silangan ng Modernong Iran, rehiyon ng Khorasan, bahagi ng Iraq, Armenia at Afghanistan. Ang Parthia ay unang pinamuhayan ng sinaunang tribung Parni na kaugnay ng mga ninunong Persiano na galing sa Imperyo ng Persiya na winasak ni Alehandro ng Masedonya at kanyang hukbo sa matagal nang 331 BC.

Sampung taon bago ng paglayag ni Crassus patungong Parthis para mangsakop, ang Parthia ay nakipag-alyado sa Roma laban sa Armenia. Natalo ang Armenia subalit ang kumander noong Romano na si Ganeus Pompeius (Pompey) ay binawi niya ang kanyang pangako na ibabalik niya sa Parthia ang mga lupa ng Messopotamia na inokupahan noon ng Armenia. Mula noon, nagkaroon na pag-aalinlangan ang relasyon ng Roma at Parthia.

Habang nagbabalak noon si Crassus, ang kanyang pinupuntiryang sakupin na lugar – ang Parthia ay magulo at batbat ng kataksilan, katiwalian, kasakiman, pandaraya at salungatan. Ang dating hari doon noon na si Haring Pangatlong Phraates (III) ay pinatay ng kanyang dalawang anak na lalaki noong tano – 57 BC. Ang mga suwail na anak ay sina Pangalawang Orodes (II) at si Pang-apat na Mithridates (IV) ay nag-agawang pumalit sa trono. Sa unang labanan ng dalawang magkapatid, nanalo si Orodes at inatasan niya ang kapatid niya na maging de-facto na hari ng Media. Subalit nagkaroon muli ang bakbakan ang magkapatid na Orodes at Mithridates at napuwersa si Mithridates na tumakbo at magpatulong kay Aulus Gabinus na siya noon ang Romanong gobernador o prokonsul sa Syria. Tinangka ni Gabinus na mamagitan sa alitan ng dalawang magkapatid na ang pakay niya ay gawin siya ng Roma na haring kinatawan ng Roma doon habang aagawin niya ang kontrol sa Parthia.

Subalit, inabandonar ni Gabinius ang plano niyang ito at sa halip ay pinili niya ang mamagitan sa mga Ehipto na noon ay nasa pamumuno ni Unang Ptolemy Soter. Nagsarili ngayon si Mithridates na nagpatuloy na nagtangkang sumakop sa Babylonia. Bagaman nagkaroon siya ng mga maliliit na pag-wawagi noong una, sa bandang huli, siya’y nilupig ng kumandante ng Parthia na si Surena. Pumalit si Crassus kay Gabinus bilang gobernador ng Syria at kina-alyado niya si Mithridates. Sinakop nila ang lugar ng Osroene na nasa kamay noon ng Parthia.

Sa nangyaring labanan, nasugpo ni Surena si Mithridates at pinaslang niya ito…..

Listen to the full podcast for the whole episode.