PART 9
IMPERIO ROMANO - JULIUS CAESAR (Sub episode 7B)
Continued: DIGMAAN SA GAUL
Walong taon magmula 58 BC hanggang taon 50 BC isinaganap ni Julius Caesar ang kampanyang panlupig sa mga katutubong tribu sa Gaul. Nasugpo ng pamunuang Romano ang mga katutubong Helvetii sa Arar at sa Bibract (58 BC), ang mga Suebi at mga Aedui SA BULUBUNDUKIN NG VOSGES, mga Nervii sa Sabis (57 BC),ang mga Belgae sa Axona (57BC), ang mga VENETI, Eburones, Aduatuci, Centrones, Grudii, Levaci, Pleumoxii, Geiduni at Carnuti.
Marami ang mga tribu sa Gaul at bawat tribu ay may kinikilalang pinuno at mayroon silang pnsariling pamahalaan. Habang nasasakop ni Caesar angmga ito sa sagupaan, marami ang nangangahas na sumalakay at lumaban sa mga lehiyong Romano.
Inilaan ni Caesar ang kanyang buong pagsumikap sa pagsakop sa buong teritoryo ng Gaul at dala ng kanyang napapamalitang pananagumpay ang kanyang kaibigan sa Roma na si Crassus ay nag-ambisyon na nagtuon ng pansin sa ibayong karagatan. Umayon si Caesar sa plano ni Crassus na sakupin nito ang Parthia dahil nakita niyang kaigihan nito ang paglawak ng kapangyarihan ng Roma. Naging kalunos-lunos ang kinahinatnan ng isinagawang kampanya ni Crassus sa taon na 53 BC dahil natalo ito ng mas maliit na puwersa ng mga taga Parthia.
Kagaya sa nakalipas na dalawang taon na noong namatay ang anak ni Caesar na si Julia na sinundan ng pagkamatay ng kanyang mahal na ina, si Caesar ay nasa kalagitnaan ng masinsinan at mabagsik na kampanyang militar noong nalaman niya ang pagkamatay ng kaibigan niyang si Crassus.
Sumunod na umalsa sa Gaul 53 BC at 52 BC) ang matatag at matapang na tribung Arveni. Ang nangyaring enkuwentro ng tribu at ng Romanong lehiyon ay naganap sa Gergovia. Ang Gergovia ay kabisera noon ng mga tribung Arverni sa lumang Gaul at ngayon ay lugar na itong kilala na pook ng Gergovie sa ituktok ng bundok sa bayan ng La Roche-Blanche malapit sa Clermont-Ferrand sa Auvergne-Rhone-Alpes sa Pransiya. Mabagsik ang nangyaring labanan at nakayanang paatrasin ng hukbong Gaul na mga Arveni at pinamunuan ni Vercingetorix ang mga Romanong mananakop.
-----------------------------
Ang tribung Arveni ay mga katutubong Gaul na nakatira sa lugar na sa ngayon ay kilala na sa pangalang Auvergne at naitalang isa sa pinakamakapangyarihang tribu ng sinaunang Gaul. Sa taong 52 BC ang pinuno ng tribung Arveni na naninirahan sa Oppidum o napatibay na kuta ng Gergovia ay ang ang mandirigmang si Vercingetorix . Hindi sang-ayon noon si Vercingetorix na ang dating kalayaang mamuhay ng mga tribu ay pakikialaman ng mga Romano.
Naakit niya ang paggalang ng mga ibang tribu sa kanya dahil sa kanyang magaling na pamumuno, lakas ng kanyang militar, tibay ng kanyang kalooban at katalinuhang taktikal sa militar. Malaki siyang lalaki at ang kanyang tayo ay naghahayag ng kapangyarihan at katapangan. Nagawa niyang magtatag ng alyansa ng mga iba-ibang tribu sa Gaul laban sa pamunuang Romano at ito ay kanyang pinamunuan.
Noong 53 BC umalis si Caesar na nagtungong Italya pagkatapos ng kampanya niya ng pagsupil sa mga tribu sa tag-araw. Ito ang tiyempong sinamantala ng mga umalsa na nag-alyansang mga tribu sa Gaul na pinamunuan ni Vercingetorix at umalma sila laban sa mga lehiyong Romano na nagpapalipas ng taglamig sa Gaul….
Listen to the podcast for the full episode