Sa pagbalik ni Caesar sa Roma pagkatapos na namatay si Sulla, siya’y sumuporta sa nananaig na partido ng mga tao. Ang una niyang isinaganap na gawang pampubliko ay isinakdal niya ang gobernador sa makapangyarihang probinsiya ng Masedonya para maalis ito. Dinaanan niya ang lugar ng Masedonya noong nagpunta niya sa Bithynia.
Ang gobernador na ito ay nagngalang Dolabella at malakas siyang kapanaig ng namatay na si Sulla. Sa paglilitis na nangyari, nagsalita si Caesar sa Forum at binatikos niya si Donatella. Sa puwersa at husay ng kanyang pangusap siya’y pinuri ng mga tao at dumagsa ang kanyang mga taga-suporta.
Bagaman napawalang-sala si Donatella dahil nadepensahan siya ng mahusay ng kanyang mga abogado, nakita na ng mga tao ang katangi-tanging husay ni Caesar sa pananalumpati at lumaki ang kanyang mga tagahanga. Lumakas ang loob ni Caesar at naging madalas siya sa forum na nananalumpati at nakikipagpaligsahan sa kahusayan sa pangausap at oratorio. Dumagsa ang mga taong nagsimulang magturing sa kanya bilang kampeon ng ordinaryong mga tao, ang masa. Siya’y inangking kampeon ng nakararaming plebeyo.
Naging tuso si Caesar na subukan kung hanggang saan ang pagtangkilik sa kanya ng mga tao. Noong namatay ang kanyang tiyahin na biyuda ng namatay na pinunong Marius, na dating kalaban ni Sulla, pinag-alayan ni Caesar ito ng isang papuring talumpati. Ang kanyang elokusyon o elohiyo na tinawag nila noon na panegyric ay isinagawa ni Caesar ito sa rostrum ng forum sa publiko. Sa kanyang talumpati, pinangahasan niya ang nagpalabas ng mga bagay na nagtaglay ng imahe at ala-ala ni Marius– mga bagay na ipinagtatago at ikinubli nang matagal dahil ito’y dating bawal at mapanganib sa ilalim ng pamamahala ni Sulla. Sa paraang ito, mawawari niya kung hanggang saan talaga ang pagtangkilik sa kanya ng masa. Ang kanyang talumpati at taktikang subukang ipaalaala ang dati nang itinakwil ng publiko na si Marius ay naging matagumpay. Napakalakas ang sigaw ng suporta at ang sumabog na masigabong palakpakan ng mga tao para sa kanya. Siya- si Caesar ay mahal nga ng mga taong masa!
Sa taong ANIMNAPU’t SIYAM BAGO KAPANAHUNAN (69 BC)
Sa kabilang dako, ating silipin ang personal na bahagi ng kanyang buhay – dalawin natin ang kanyang buhay pamilya. Sa mga panahon ng mga pangyayaring naisalaysay na, nakaranas ng malalim na kalungkutan si Caesar. Pagkatapos ng halos labing-tatlong pagsasama nila ng kanyang asawang si Cornelia Minor, namatay si Cornelia noong taon ANIMNAPU’T SIYAM BAGO KAPANAHUNAN NI KRISTO (69 BC).
Bagaman ang kanilang pag-asawa ni Cornelia ay maaga dahil pareho silang kabataan noon, naging matagumpay ang kanilang pagsasama. Pinakasalan ni Caesar si Cornelia noong siya’y labimpitung taon lamang at ito ay sa kadahilanang pulitika. Ang ama ni Cornelia na si Lucius Cornelius Cinna ay isang iginagalang na pulitiko. Siya ay naging pinakamataas na pamunuan ng Roma ng apat na beses. Nagkaroon sina Caesar at Cornelia ng matibay na pagsasama at pag-uugnayan. Noong nangyari na nagkaroon ng pagdidiin mula kay Sulla na diborsiyuhin ni Caesar si Cornelia dahil sa kaugnayan nito sa partido ni Marius na kalaban ni Sulla, sinuway siya ni Caesar.
Pakinggan ang buong podcast sa kabanatang ito para sa kabuuan ng kuwento