Listen

Description

Sa nakaraan, nasubaybayan natin si Julius Caesar mula sa kanyang pagkabata at sa mga dumaang mga tao. Galing siya sa angkang maharlika na matutuntong maiugnay sa mga naunang mga hari sa Roma at maging sa mga diyosa sa mitolohiya na sina Venus at Aeneas. Ipinanganak siya noong taon na ISANG SIGLO BAGO NG KAPANAHUNAn o 100 BC. Namatay ang kanyang ama na si Gaius Caesar noong siya’y labing anim na taong gulang lamang. Ang kanyang ina ay galing din sa maharlikang pamilya. Simula’t simula pa, politika na ang pinatunguhan ng kinabukasan ni Julius Caesar. Inasawa niya si Cornelia na anak ng isang nobilidad na pamilya rin kaugnay ng kanyang ambisyon sa politika. Nasangkot si Caesar sa hidwaan ng dalawang malalakas na partido; ito ay ang pamunuan ni Marius at pamunuan ni Sulla. Noong nanalong namuno si Sulla pinag-initan siya nito at napilitan siyang umiwas at umalis sa Roma. Namatay si Sulla at bumalik si Caesar sa Roma. Doon sinimulan niyang isulong ang kanyang interes sa politiko. Noong namatay ang kanyang asawang si Cornelia, nag-asawa uli ng pangalawa si Caesar – ito si Pompeia na kanyang diniborsiyo pagkaraan ng ilang taon.

Bagaman sa TAONG SAISENTA’Y TRES BAGO KAPANAHUNAN (63 BC), palakas na nang palakas ang puwersa at impluwensiya ni Caesar, dumarating pa rin ang mga pagkakataon na si Caesar ay minamalas pagdating sa kanyang pinansiyal na estado dahil sa estilo ng kanyang pamumuhay na tinawag na “bon vivant,” o taong mahiligin sa luho at kasayahang sosyal.

Sa katunayan siya’y nakabaon sa utang at kahiya-hiya ang mga nangyayari sa kanyang estado. Magpakagayunman siya’y kumandidato sa napakataas na posisyon – ang pagiging Pontifex Maximus o Supremong Ama ng Pangsansinukob na Relihiyon. Sa kanyang edad noon na TATLUMPU’T ANIM, marami ang nagulat sa kanyang lakas ng loob na kumandidato para sa posisyong ito dahil bagama’s siya’y umaangat na sa linyang pulitiko hindi pa rin siya ganoong kabantog. Naglakas loob siya dahil ang opisyo noon ng Pontifex sa panahon ni Caesar ay kapuri-puri at napakahalaga. Ito ang pinakamahalagang posisyon sa sinaunang relihiyon sa Roma na bukas lamang para sa mga galing sa lahing patrisyano. Dalawang siglo pa ang dadaan sa Roma bago ang unang plebeyo o mamamayan na galing sa masa ay humawak sa posisyong ito.

Ang pagiging Pontifex Maximus ni Caesar aymahalagang hakbang tungo sa kanyang pagkaroon ng malakas na impluwensiya sa sosyedad at sa politika. Ang may katungkulan nito ay itinuring na “tulay o tagapamagitan ng tao sa diyos.” Kabilang sa mga katungkulan nito ay ang mamahala sa pagpapatayo at pagmamanehar sa mga tulay sa siyudad, mga templo at paggawa ng mga regulasyon at kontrol sa mga seremonya kaugnay sa relihiyon.

Kaya naging masigasig noong nangampanya si Caesar. Hindi rin siya nagpang-iba sa mga politiko na gumamit ng suhulan hanggang sa napagastos siya ng sobra-sobra na kapag matalo siya, siya ay magiging lubusang mapapabagsak na sa kanyang estado.

Nakatanggap siya ng mahalagang suportang pinansiyal mula sa mga malalakas na mga tao, lalung-lalo na mula kay Licinius Crassus na siya ring tumulong sa kanya ng pinansial sa nakalipas na taong SAISENTA’Y SINGKO noong si Caesar ay naging aedile.

Sa awa noon ng kanyang ina sa kanya, noong si Caesar ay lumabas sa bahay sa araw ng eleksiyon, hindi napigilan ng kanyang ina ang umiyak. Nabagbag ang damdamin ni Caesar. Alam niya ang malalim na debosyon nito sa kanya; ang kanyang ina na nagpalaki sa kanya at nagpasok sa kanyang isipan ng lubos napagmamalaki sa kanyang mga ninuno. Iginalang ito ni Caesar. Marangal ang kanilang angkan…

Pakinggan ang buong podcast para sa kabuuan ng kabanatang ito.

Please listen to the podcast for the full story.