Sa taong SAISENTA’Y UNO BAGO KAPANAHUNAN (61 BC) nabaon na si Caesar sa napakalaking pagka-utang dahil sa kanyang labis na kagagastos. Natiyempo namang siya’y nakaangat na noon sa mataas na posisyon at impluwensiya kaya’t napagwagian niyang maatasang mapapunta sa Malayong Espanya para pamahalaan ito.
Nahirang siyang maging gobernador ng Malayong Espanya – sa lugar ngayon ng Andalusia at Portugal.
Noong malaman na paalis siya, umalma ang kanyang mga pinagkautangan sa Roma kaya napilitan si Caesar na nakipag-usap muli kay Crassus, isang mayamang may malaking ambisyon sa pulitika.
Pumayag itong magbigay ng seguridad na pautang kay Caesar at ang pinag-usapang kabayaran nito ay gagamitin ni Caesar ang kanyang impluwensiyang pulitika na pabor kay Crassus.
Humayo si Caesar papuntang Malayong Espanya at dumaan siya sa Switzerland. Isang gabi, huminto siya sa isang pook doon, lugar sa bundok na may mga nagpapasto. Nagulat siya sa kanyang nakitang karukhaan sa maliit na pook na ito. Nag-isip ang mga kaibigan ni Caesar kung sa lugar ba na iyon, ang inggitan, selosan at ambisyon na naglipana saan mang bahagi ng mundo ay may lugar sa pook na iyon.
Sinabi ni Caesar sa kanila, na sa parteng kanya, nararapat niyang unang piliin ang manatili sa pook na ganyan atpangalawa lamang ang Roma.
Sa panahong ito na siya’y gobernador ng Malayong Espanya, isang katutubong tribung Kelta ng Lusitanya (na ngayon ay Portugal na) ay lumalaban sa pamunuan ng Roma.
Magmula sa kanyang kwartel sa Scallabis ( naSantarem
na ngayon, sa pampang ng Ilog Tagus sa Portugal), nagsagawa ng ekspedisyon militar si Caesar laban sa mga tribung katutubo sa pagitan ng mga ilog ng Tagus at Douro. Nagsagawa rin siya ng isang mahalagang ekspedisyon na hukbong-dagat laban sa mga katutubo sa Gallaecia. Ang labanang hukbong dagat ay naganap sa malapit sa Bigantium, lugar na Coruňa na ngayon sa malayong hilagang-kanlurang banda ng Espanya. Nakasamsam ang hukbo ni Caesar ng malaking kayamanan mula sa armadang Gallaecia atginamit niya itong pambayad sa kanyang mga utang.
Naging matagumpay ang administrasyon ni Caesar sa probinsiyang Malayong Espanya at noong bumalik siya sa Roma sa sumunod na taon, TAON SAISENTA BAGO KAPANAHUNAN (60 BC) mayroon na siyang sapat na pananagumpay sa militar at sapat na pera parapambayad sa lahat ng kanyang mga utang.
Sa puntong ito, naghanda siyang kumandidato bilang Konsul na siyang pinakamataas na opisyo sa estado ng Roma. Lubos na makapangyarihan ang opisyong ito. Noong may nangyaring nakitil ang dinastiyang linya ng hari na namuno sa Roma, ipinakamay ng mga Romano ang supremong mahistrado sa kamay ng dalawang konsul na hinihirang sa pamamagitan ng botohan.
Pakinggan ang buong kabuuan ng kabanata sa podcast.
Please listen to the podcast for the whole story.