IMPERYO ROMANO – JULIUS CAESAR
PART 5
59 BC
Sa taong 59 bago Kapanahunan (59 BC) ang Republica Romano ay nagkaroon ng kanyang “rebolusyon,” simula ng panahon ng karahasan at digmaang sibil na siyang mamagbago sa pamahalaan mula sa pagiging republika tungo sa pagiging monarkiya.
Sa pagsama nina Julius Caesar at ni Marcus Calpurnius Bibulus na konsul sa pamunuang Romano ay siyang nagpanimula ng malaking pagpanibago ng kasaysayan ng Republika Roman. Hindi nakayanan ni Bibulus ang makisama sa pamunuan kay Caesar kaya nagbitiw siya sa tungkulin. Kaya sa halip na dalawa ang konsul na mamuno sa gobyerno na siyang nakagawian, nagsolo si Caesar na nagpalakad ng opisyong ito.
Naporma ang unang Tatpuno na pinagsamahan nina Caesar, Pompey at Crassus – tatlong pinakamakapangyarihang katauhan sa Roma. Sa kanyang pagiging konsul, ito ang naging tulay na siya ay nahirang na maging gobernador sa malayong Espanya. Ito ang nagbigay pagkakataon sa kanya upang mapalawak niya ang teritoryong Romano sa pamamagitan ng panlulusob sa mga katutubong mga naninirahan sa mga lugar.
Sinimulan ni Caesar ang kanyang termino bilang konsul sa pamamagitan ng pagsumite niya ng proposisyong batas – at ito ay ang pagbili ng lupa upang mapatiwalag at mabayaran ang mga sundalo ni Pompey na nanggaling sa kampanya sa Silangan sa kakaraang taon.
Ang ibang panig sa senado ay mga konserbatibong mga Optimates o mga tinawag na BONI. Ang grupong ito aypinamunuan ni Marcus Porcius Cato na bantog sa pagiging orador at tagapalakad ng matibay na pagkamapagpigil at masidhing katapatan. Masugid itong tagasunod ng tradisyon at iginagalang siya sa kanyang paniniwala.
Ang ginawa ng grupo ni Cato noong isinumite ni Caesar ang kanyang proposisyon ay – umalis sila sa senado upang hindi mapagpasyahan ang isinumite ni Caesar. Dinala ni Caesar ngayon ang proposisyong batas (bill) sa Kapulungan ng “comitia centuriata” na siyang naghihirang ng mga konsul, praetor at mga mahistrado (censors).
Ang kapulunang ito ay halos dating-sundalo lahat ang bumubuo. Nagdatingan ang maraming mga beteranong sundalo sa ilalim ni Pompey at noong ang pakitungo ni Bibulus sa kanila ay arogante at mapangbaba, nawalan ng gana ang mga ito sa kanya. Bagaman may nakuhang kapanalig si Bibulus na tatlong tribunong plebeyo o tagapagtanggol ng masang mamamayan para harangan ang pagkakapasa ng proposisyon ni Caesar, sina Pompey at Crassus naman ay nagsuporta kay Caesar ng lantaran.
Dahil sa laki ng suporta sa proposisyong batas, nag-atubili ang mga tribunong plebeyo na kapanalig ni Bibulus na maghadlang. Kaagad, bago sa botohan sinuspindi ni Bibulus ang botohan dahil sa rason na may kinalaman sa relihiyon.
Dahil si Caesar ang Pontifex Maximus na siyang pinakamataas na opisyo sa relihiyon sa Roma, hindi niya pinansin ito at ipinagpatuloy nila ang botohan.
Umakyat si Bibulus at dalawang tribunong pleberyo sa hagdan ng templo ni Kastor at Pollux upang tuligsain ang proposisyong batas. Nagalit ang mga taong nagpulutong at galit siyang dinumog at binasag ang kanyang suot na simbolo ng kanyang pagka-konsul. Itinulak siya sa lupa at binuhusan siya ng dumi. Bumangon siya at nilinis niya ang kanyang mukha at sinigawan niya ang mga nasa pulutong na patayin na lamang siya para tapusin ang pagpapahiya sa kanya.
Kinumbinse siya ng ibang mga senador na umalis at magpulong silang muli sa ibang templo habang nagpatuloy ang pagpupulong na nagpasa sa nasabing batas…..
Please listen to PODCAST for the full narrative