Listen

Description

Sa ating naratibo, ating kilalanin si Julius Caesar. Si Julius Caesar ay isa sa mga pinakamahalagang taong namuno sa kasaysayan ng Sibilisasyong Romano na nagbigay pondasyon sa Sibilisasyong Kanluranin. Ang kanyang ginampanang papel sa sibilisasyong Kanluraning ay nagbigay direksiyon sa Landas na pinagdaanan ng kasaysayan ng Yuropa at malaking bahagi ng Asia Minor.

At ang Sibilisasyong Kanluranin ay siyang balangkas ng estilo ng ating kasalukuyang pamumuhay at sibilisasyon. Makulay ang daigdig ng mga tao noon, kasingkulay ng daigdig na ating ginagalawan ngayon. Ang mga sentimientos ng mga tao noon ay kaparis ng mga sentimientos nating mga taong nabubuhay sa pangalawang milenya.

Si Julius Caesar ay maari nating ihambing sa pinuno ng gobyerno ngayon na malakas ang otoridad at diktdor. Ang pagkakaiba ay si Julius Caesar ay inangkin na ng kasaysayan at iniukit na siya sa panahong nagdaan.

KUNG ATING TATANUNGIN KUNG SI JULIUS CAESAR BA AY MAHALAGA SA KASAYSAYAN NGMUNDO AT MAGING SA PANAHON NGAYON? Ang kasagutan ay: OO

Si JULIUS CAESAR ay makapangyarihang Romanong Heneral at Estadista noon na namuno nang malawakan sa bahagi ng mundo na pinagmulan ng kanluraning sibilisasyong.

Ang pamunuan ni Julius Caesar ay nagbigay porma sa Republika Romano na naging Imperyo Romano. At ang Imperyo Romano ay siyang pundasyon ng ating kinabubuhayan ngayong panahon ng pangalawang milenya. Maging sa literatura klasiko, si Julius Caesar ay itinuring na mahalaga kaya siya ay bantog at tampok sa mga klasikong panulat, lalong-lalo na sa mga panulat ni Shakespeare ng Inglatera noong ikalabinlimang siglo(1500 AD).

Si Caesar ay ipinanganak na GAIUS JULIUS CAESAR sa buwan ng Hulyo, petsa adose o atrese (12 or 13) noong isang daang taon bago ng Kapanahunan ng Panginoon o 100 BCE. Siya ay galing sa pamilyang nobilidad at tinawag na patrician.

Sa mga kapanahunang ito ng kanyang kapanganakan, ang pinakamalaki at progresibing imperyo na pinamamahalaan ng isang makapangyarihang pamunuan ay binubuo ng mga iba-ibang lugar, magkakalapit at magkakalayo at ginawang mga probinsiya o kolonya. Marami sa mga ito ang ay inangkin at sinakop ng makapangyarihang hukbo ng mga mandirigma sa kanluraning bahagi ng mundo. Ang mga mandirigmang ito ay mga tubo na galing sa sinaunang lugar ng Roma. Iba-ibang mga tao at iba-ibang kultura ang pinamamahalaan ng mga pinili ng pamunuan na gobernador.

Ang mga alituntunin at kautusang sinusunod ng mga gobernador ay mula sa iisang otoridad na galing sa kabisera. Ang kabisera ng gobyerno ay siyang kinaroroonan ng pinakamataas na pinunong diktador o hari. Kinokolektahan ng mga nahirang na mga gobernador ng buwis ang mga tao sa kanikanilang distrito o probinsiya at ito ay ipinadadala sa kabiserang pamunuan. Ang katiwalian at kasakiman ay karaniwan din sa mga distrito. Ang pagiging gobernador sa mga probinsiyang nakakaangat at pregresibo ay siyang pinagriribalan ng mga aspirante sa posisyon dahil mas malaki ang kanilang nakukubra at nakukurakot. Ang pagiging gubernador noon ay isang hakbang sa posisyong pulitika na makakapagdala sa isang opisyal kapag tumagal, sa kabiserang Roma para doon naman siya ay manunuyong mahirang sa pang-kabiserang posisyon.

Kapag mayroon noong digmaan sa malayo na pagkakasangkotan ng pamunuan, palagi noong sabik ang mga opisyal ng militar na mahirang na mamuno ng hukbo….

Please listen to the podcast for the full length of this episode