IMPERYO ROMANO – JULIUS CAESAR
PART 6 (Digmaan sa Gaul at sa Britanya)
“Sa nakaraan, nasubaybayan natin si Julius Caesar mula sa kanyang pagkabata at sa mga dumaang mga taon. …”
“…Namatay ang kanyang ama na si Gaius Caesar noong siya’y labing anim na taong gulang lamang. Ang kanyang ina ay galing din sa maharlikang pamilya at siya ang nagpalaki sa kanyang tatlong anak na si Caersar at kanyang dalawang kapatid na babe. Simula’t simula pa, politika na ang pinatunguhan ng kinabukasan ni Julius Caesar….”
Noong nanalong namuno si Sulla pinag-initan siya nito at napilitan siyang umiwas at umalis sa Roma. Namatay si Sulla at bumalik si Caesar sa Roma. …”
“…Naglakbay siya sa Rhodes at naranasan niyang nabihag at pinatubos ng mga pirata. Nahirang siyang Pontifex o pinuno ng relihiyon.
Pagkatapos nahirang siyang quaestor, opisyong pamamahala ng administrasyong pinansiyal at pagsagawa ng pagkuwenta tungkol sa mga perang pinapalabas ng tesorerya. Naatasan siyang mahistrado o “curule aedile”/ aedilis curulis na ang tungkulin ay ang mamahala sa mga trabahong publiko.
Nagkandidato siyang maging Pontifex Maximus - ito ay posisyong pinakamataas na pinuno sa relihiyon at bagaman nagkautang-utang siya para sa kanyang pangampanya napagtagumpayanniyang makamit ang posisyong ito.
At pagkatapos siya’y naipataas mula sa pagiging “curule aedile” sa posisyong praetorat siya’y naging mahistrado na ang kanyang kapangyarihang ay kaugnay sa pambabatas at ehekutibong panungkulan……”
“… noong taon na (59 BC) nahirang siyang konsul. Ito na ang posisyon na pinakamataas sa pamahalaang Roma. Noong natapos ang kanyang termino na isang taon, siya’y naatasang gobernador sa teritoryo ng mga Gaul kung saan nabigyan siya ng kapangyarihang mamahala sa napakalawak na lugar at may hawak na maraming lehiyon ng hukbong militar….”
“Nagkaroon ng mga paghihimagsik ng mga katutubo laban sa pamunuang Romano at dito nag-umpisa ang mga nangyaring labanan sa Gaul na nagtagal ng walong taon magmula 58 BC hanggang 50 (BC).
PAGSALAKAY SA BRITANIA
“….Sa taon pa ring 57 BC, sa nangyaring labanan sa Bibracte bagaman nagtakbuhan nang bumalik sa kanilang mga teritoryo ang mga nakaligtas sa labanan, may apat na sumali doong mga tribu na tumangging sumurender kay Caesar. Ito ang mga Nervii, Atrebates, Aduatuci at Viromandui. Sinabihan ng mga tribung Ambiani si Caesar na ang mga Nervii sa lahat ng mga tribung Belgae ay silang suklam na suklam ng labis sa pamunuang Romano. Ang tribung ito ay napakabangis at napakatapang.
Hindi nila pinapayagan ang pagpasok ng mga maluluhong mga bagay sa kanilang sosyedad dahil naniniwala sila na ang mga ito ay mayroong epektong nakakasira sa katangiang tao at may takot sila sa impluwensiya ng mga taong Romano. Wala silang balak na makipag-usap ng pakikiayos kay Caesar na noon ay patungo sa kanilang teritoryo.
Tatlong araw na noong naglalakbay si Caesar at kanyang hukbo sa teritoryo ng mga Nervii na ang tinatahak na daanan ay isang lumang daan. Napag-alaman ni Caesar mula sa mga bihag na mga lupong Belgae ay nagtitipun-tipon sa kabilang pampang ng Ilog Sabis na noon ay may sampung milya pa ang layo mula sa kinaroroonan nila. Nakumbinsi noon ng mga Nervii ang mga tribung Atrebates at Veromandui na suportahan sila laban sa Hukbong Romano ni Caesar. Patungo rin noon doon ang tribung Aduatuci para sumali subalit naantala sila. Nakahanda na noon ang mga tribu at hinihintay nila ang pagdating ni Caesar. Sa kabilang dako, si Caesar ay nag-utos ng mga bihasang iskaut para maghanap na para sa susunod na pagkakampusan ng hukbo ni Caesar…..”
listen to the podcast for the complete and full episode.