Sa isang bakbakan na nangyari noong Ikalawang Digmaang Pang-sandaigdigan, isang sundalo ng Alyansa ang napahiwalay sa kanyang batalyon habang sila’y nadestino sa isang isla sa Pasipika. Mabagsik at matindi ang nangyayaring bakbakan na namamagitan sa mga magkalabang sundalong Alyansa at mga sundalong Hapon.Matindi ang lumaganap na usok na bumalot sa kapaligiran. Galing ito sa walang humpay na barilan at pagputok ng mga dinamita at tangkeng pandigmaan sa magkabilang panig. Dahil sa tila wala nang makitang malinaw sa paligid at dahil sa mga nagliliparang bala sa ibabaw ng mga hinukay na taguan ng mga sundalo, hindi napansin ng sundalo na siya’y napahiwalay na salupon ng kanyang mga kasama.Napagtanto niya na nag-iisa siyang napadpad sa masukal na kakahuyan at naririnig niya ang mga sundalong kalaban na patungo sa direksiyon na kanyang kinaroroonan. Kaagad siyang naghanap ng mapagtataguan. Umakyat siya sa isang burol na bato na nagdagsaan ng mga maliliit na mga butas at mga kuweba at dali- dali siyang gumapang na pumasok sa isa sa mga maliliit na kuweba. Bagaman pansamantala siyang nakaiwas sa panganib sa mga sandaling iyon, alam niya na hindi maglalaon ay maaring umakyat ang mga kalaban na maghanap ng mga kalabang kagaya niya. Makikita nila ang mga maliliit na mga kuweba at tiyak na uusisain nila lahat ang mga ito.Nanginig siya noong napagtanto niya na siguradong makikitasiya at sigurado na siyang mamamatay siya sa pagkakataong iyon sa kamay ng mga kalaban.Kumubli siya ng walang kaingay-ingay habang naghintay siya kunga no ang mangyayari. Hindi siya huminto sa kanyang taimtim na pagdarasal “Mahal na DIyos, kung siya pong inyong kalooban, nagmamakaawa po akong kanlungin Ninyo ago. Gayunpaman, anuman ang Inyong kalooban, mahal na Diyos, nasa kamay ninyo po ang palad ko, Amen.”Pagkatapos ng taimtim niyang pagdasal, nanatili siyang hindi gumalaw at nanatili ang katahimikan habang pinakinggan niya lahat ng kaluskos at anumang huni sa kanyang kapaligiran dahil alam niyang palapit na nang palapit sa kinaroroonan niya ang mga kalaban. Napagtanto rin niya na ang sulok na kanyang kinalalagyan ay wang iba siyang lalabasan . “Palagay ko, maaring hindi mapakinggan ang aking dasal,” naisip niya.Sa sandali ring iyon, napuna niya ang isang gagamba na nagsimulang naghabi ng kanyang sapot sa bukana ng kuweba. Habang minatyagan niya ang gagamba, nanatiling matalas siyang nakiramdam at nakinig sa mga galaw ng mga kalaban na, batay sa huni ng mga yabag nila ay mayroon nang palapit nang palapit sa kanyang kinaroroonan. Naramdaman niyang nagsimulang namuo ang malamig na pawis sa kanyang likud at noo. Samantala, pursigido ang gagambang naghabi ng mabilis ng bahay niya. Masipag ito at mabilis na nambuo ng bahay niya na nangtakip sa bukana ng kuwebang pinagtaguan ng sundalo. Hindi nagtagal at buo nang natakpan ng sapot ang bukana.Listen to the podcast for the full story.