Listen

Description

Ito ay hango sa naipahayag na kahanga-hangang salaysay tungkol sa isang sundalong Gurkha sa Internet. Ang pangyayaring ito ay naganap sa bandang Kanluran na bahagi ng Bengal sa India noong ika a-DOS (2)ng Setyembre DALAWAMPUNG SIGLO AT SAMPU (2010).

Katatapos lamang noong magretiro si Naik Bishnu Shresta bilang kasapi ng Pampitong Batalyon ng pang -walong Gurkha sa Riple (7th Battalion 8th Gurkha Rifles) magmula sa armi ng India at siya ay nasa edad ng tatlumpu’t lima (35). Nakasakay siya noon sa tren na Maurya Express biyaheng galing Ranchi na distrito ng Jharkhan sa silangang bahagi ng India. Ang biyaheng iyon ay patungong siyudad ng Gorakhpur sa Uttar Pradesh sa bandang norte.

Noong magkalagitnaan ng gabi, biglang may mga sumakay na apat na bandido na may mga sandatang baril at mga machete. Marami na noon silang mga kasama na nakasakay sa tren na nagpanggap na mga pasahero. Pagkaakyat ng apat, kaagad silang nagkumpiska at nagsamsam ng mga pitaka, mga supot, maleta, alahas, laptop, relos at mga kargamento ng mga pasahero. Hindi nakakibo at nakakilos ang mga lehitimong mga pasahero samantalang nagsisigaw at nagbanta ang mga tulisan na nagtataas ng mga kampilan. May nakaabot kay Bishnu na nanghingi ng kanyang hawak na mahalaga. Bagamat napupuot na si Bishnu noon, tahimik niyang ini-abot ang kanyang pitaka. Sa mga sandaling iyon, ang sa isip niya ay hindi niya laban iyon. Kung ilang daang pera lang naman ang mawawala, hindi iyan kasing halaga ng buhay na mawawala na kung sakali.

Biglang sinunggaban ng lider ang isang dalagita na mukhang labing walong taong gulang at sinimulang pinagtangkaang halayin ito sa harap ng mga magulang ng dalaga. Nakaupo ito sa tabi ni Shresta. Pinunit ng bandido ang blusa ng dalaga at sumigaw ang dalaga na nanghingi ng saklolo sa mga pasahero.

Hindi nakatiis is Bishnu. Hinugot niya ang khukri na dala niya

at nakatago at sinalakay niya ang nagulat na bandido.

Sinunggaban niya ang leeg ng tulisan at parang walang anuman

niya itong binuhat at ginawa niya itong kalasag habang sinalakay

niyang hinatawan ang bandidong nagtataas at nagwawagayway ng

kampilan. Umikot nang pabagsak ang natamaang tulisan at

bumulwak na nagtilamsik ang dujgo sa paligid. Tinangka ng isang bandido na taga-in ang leeg ng dalaga na siyang nakagasgasan ng leeg nito noong parang kidlat na gumalaw si Shresta at bigla na lamang bumagsak ang tulisan.

Noong naubos na ang mga nasa malapit sa kanya, hiniwa niya ang lalamunan ng tulisang ipinanangsangga niya at hinabol niya ang mga kasamang nagtakbuhang palayo sa kanya. Natamaan ng machete ang kamay ni Shresta at isang ugat ang naputol. Subalit hindi niya inintindi ito. Sa mga tulisang hinarap niya na umabot ng apatnapu ang bilang, tatlo ang kanyang pinatay at walo ang nasugatan ng malubha. Sa nasilayan ng mga mandarambong na kabagsik niya, ipinaglalaglag at binitawan nila ang kanilang mga ninakaw at nagtakbuhan silang nagtalonan mula sa tren para tumakas. Nagtagal ang pangyayaring iyan ng dalawampung minuto. Noong huminto ang tren sa sumunod na estasyon, naroon na ang mga pulisya at mga kasapi sa emergency.

Isinalaysay ng dalaga ang pangyayari at dinala ng mga pulisya si Shresta sa ospital. Nagtagal siya doon ng dalawang buwan na nagpagaling ng kanyang kamay na nahiwaan ng ugat. Noong sinaliksik ng mga pulis ang mga namatay na bandido at ang mga sugatan nilang mga kasama, nakuha nila ang APATNAPUNG (40) kuwintas na ginto, TATLUMPU’T TATLO (33) na selpon, APATNAPUNG (40) laptop, pera na nagkakahalaga ng mahigit sa APAT NA RAANG LIBONG (400,000) rupiya (rupees), LABING APAT (14) na relos at iba pang mga bagay-bagay na ninakaw.

Listen to the podcast or the audio YouTube for the full story in tagalog.