Listen

Description

Sumabog ang digmaan ng nasyong Korea magmula 1950 hanggang 1953. Ang digmaan ay sa pagitan ng Norteng Korea at ang Timog Korea. Nangyari ang labanan na ito dahil sa magkasalungat na sistema ng kanilang gobyerno at sosyedad. Komunista ang Norteng Korea at demokratiko ang Timog.Nagsimula ang digmaan sa pagitan nila noong nilusob ng hukbo ng Norteng Korea sa ilalim ni Kim Il Sung ang Timog na bahagi ng bansa.

Dahil sa pangyayaring ito, namunong maghikayat ang Estados Unidos na lider ng demokrasia sa mundo ng tulong at suporta para sa Timog Korea. Isa ang Pilipinas sa DALAWAMPU’T DALAWANG (22) nasyong demokratiko na nagpadala ng tulong at suportang militar sa Timog Korea. Ang Norteng Korea ay siunportahan din ng Rusya at Tsina na kapwa komunista ang sistema ng kanilang gobyerno at pamumuhay.

Ang Pilipinas ang siyang pinaka-unang nasyon ng Asya at ikatlong nasyon sa buong mundo na nagpadala ng tulong na militar sa Timog Korea. Sumunod na nagpadala dito ang Estados Unidos at Britania.Nagpadala din ang iba-ibang mga nasyon ng Timog-silangan (Southeast) ng Asya ng kanilang mga sundalo sa Timog Korea magmula 1950 hanggang 1955.

Dumating ang unang tropa ng mga sundalo sa bayan ng Busan noong ika 19) ng Setyembre,1950. Mayroon na noong karanasan ang mga Pilipino dahil hindi pa noon naglalaon na nagtapos ang Ikalawang Digmaang Pangsandaigdigan. . Marami sa mga sundalong Pilipino ang mga kabataan noong sila’y ipinadala sa Timog Korea. Bumilang ng 7,420 ang mga sundalong Pilipino na nambuo ng limang batalyon na nagsilbi sa digmaan na iyon. 112 ang mga sundalong Pilipino na napatay a hindi na nakuha ang bangkay o nahana (missing in action); 288 ang nasugatan o nasugatan ng malubha, 16 ang hindi na nahanap at naibalik at 41 ang nahuli at naging bihag sa digmaan.

Sa digmaang ito, may sumibol na mga sundalong Pilipino na nakilalang bayani at pinarangalan ng Estados Unidos ng pinakamataas na gawad na maaring maibigay ng gobyerno ng Estados Unidos sa isang sundalong hindi Amerikano subalit kaalyansa. Ito ang Krus ng Ulirang Serbisyo (Distinguished Service Cross). Sa digmaang ito, 794 ang medalyang iginawad ng Estados Unidos na Distinguished Service Cross. Labing tatlo lamang ang nagawaran nito na hindi Amerikano.Ang parangal na ito ay pangilala sa kakaibang kagitingan at kadakilaan na sakripisyo sa serbisyong militar sa digmaan.

Dalawang Pilipinong sundalo ang naparangalan nito. Ito ay sina Kapitan Konrado Yap at Tenyente Jose Artiaga, Jr. Namatay ang dalawang bayaning ito habang sila ay nasa serbisyo bilang sundalo ng bayan dahil sa ang Pilipinas ay miyembro sa Napag-isang Liga ng mga Nasyon (United Nations Organisation).

Naigawad sa kanilang mga naulilang pamilya ang kanilang mga medalya ng parangal at pasasalamat sa kanilang serbisyo.Kasapi si Kapitan Conrado Yap bilang komander ng Pang- sampung Batalyon ng Hukbong Mandirigma (10th BCT Combat Team). Nagsilbi din siyang pinuno ng platun na nasa pangangasiwa noon ni Tenyente Jose Artiaga, Jr.

Nakalahad sa dokumento ang pangilala sa mga nagawa ni Kapitan Yap ang mga sumusunod na naisulat noong ika14ng Disyembre, 1951):“…Ang Presidente ng Estados Unidos ng America, sa ilalim ng mga probiso ng “Act of Congress” na naaprobahan noong ika 9 ng HULYO, 1918, ay buong pagmamapuring maggagawad ng Bantog na Krus ng Serbisyo (Distinguished Service Cross) (Posthumously-sa ala-ala)kay Kapitan Conrado D. Yap, ng Hukbong Militar ng Pilipinas, para sa kanyang kakaibang kabayanihan sa mga operasyong militar laban sa mga armadong kaaway ng Liga ng mga Nasyon habang siya’y naninilbihan sa Ika-sampung Batalyon ng Hukbo ng mga Mandirigma, ng Puwersang Ekspedisyonarya ng Pilipinas (Philippine Expeditionary Force) sa Korea, sa bakbakan laban sa mga kaaway sa Yuctong, Korea noong ika 22 at 23 ng Abril, 1951…