Listen

Description

Unang Kabanata

May isang tulay na bato sa Ilog ng Tiber sa hilagang bahagi ng Roma sa Italya na tinawag na Ponte Milvio o sa Latin ay Pons Milvius. Sa panahong Imperyo Romano, ang tulay na ito ay mahalaga sa Roma hindi lamang sa pang-ekonomiya kundi gamit ito ng militar sa mga estratehiko nitong operasyon at kampanya. Dito naganap ang tinatawag sa kasaysayan na “Labanan sa Milvia” na nangyari noong ika 312 AD.

Ang tulay na batong ito ay itinayo ni Consul Gaius Claudius Nero noong taon 206 BC noong pinagwagi-an niyang sinupil ang armi ng Carthaginia sa Digmaan sa Metaurus. Sa sumunod na siglo, sa taon na 109 BC, nagpatayo ng panibagong tulay na gawa sa bato si Censor Marcus Aemilus Scaurus para palitan ang luma na kanyang pinagiba. Noong dumating ang taon na 63 BC, dito nahuli ang ang komunikasyon tungkol sa pag-alsa ng Sabwatang Catilino na pinamunuan ni Lucius Sergius Catilina para pabagsakin ang ang Senadong Romano. At muli, sa pagkakataong ito, gaganap ang makasaysayang tulay na ito ng mahalagang bahagi sa patutunguhang direksiyon ng kasaysayan ng sibilisasyong kanluranin.

Takipsilim na at ang araw ay dahan-dahan nang lumulubog sa likud ng malayong bundok. Pahaba nang pahaba ang anino ng mga burol sa pinagkampohan nilang liblib na Romanong pook, habang ang sinag ng araw ay kumukulimlim na nang kumukulimlim.

Ika beynte siyete ng Oktubre, sa taong (312) at si Konstantino ay nagkukunot noo sa pagkabalisa habang siya’y nakatayo sa dulo ng kanyang kampo militar. Malayo ang kanyang tingin, nakatuon ito sa bahagi ng teritoryo ng Imperyo. Malalim ang kanyang isip. Kailangan siyang managumpay sa parating na pagsubok na kanyang susuutin kung mapanatiling buo ang imperyo. Ang kanyang bahaging pinamumunuan sa Imperyo ay ang York (sa bahaging Inglatera ngayon).

Ang Roma ay nasa pamumuno ni Maxentius na sa kanyang pakiwari ay kuntento sa makalumang estilo ng pamunuan. Isa pang nakakapagpakunot-noo kay Konstantino tungkol sa wagas ni Maxentius ay ang napamalitang lumalalang pagiging mabagsik na tirano nito sa mga mamamayan. Subalit ang katotohanan, ang hindi naipapakitang lihim niyang kinimkim na katwiran ay ang kanyang tahimik subalit malwalhating ambisyon – na kung masugpo niya si Maxentius, mapapalawak ang kanyang otoridad. Kaya marami ang mga nakataya sa kanyang pakikipagkumpronta kay Maxentius. Karagdagan pa niyan, naniniwala si Konstantino sa pagkakaroon ng makabagong estilo ng pamumuno ang imperyo.

...Taimtim siyang nananalangin, nagsusumamo na tulungan siya sa kasalukuyang pagsubok na naipaharap sa kanya sa mga sandaling iyon.

Sa malayo, may sinag na lumitaw sa kanyang paningin at kumurap siya sa kanyang pag-aakalang siya’y namamalikmata. Subalit luminaw ang kanyang pagtingin sa pangitain, isang krus ang lumalagablab sa itaas ng lumulubog nang araw at may kasamang animo anino ng pigurang nasisinag na nambuo ng krus. Ang mga letra lumitaw ay Chi-Rho o Chrismon - pinagsamang Letra na Ekis at Pa at ang Ekis (X) ay pinang-ibabawan ng letrang Pa. Kumurap siya at nagkunot -noo. Pinag-lalaruan yata siya ng kanyang isip. Letra nga ba ang mga iyon o kanyang guni-guni lamang iyon. Tumingin siya muli at ang ulap na nagpormang mga letra ay unti-unti nang nagkupas.

Namangha siya at napatahimik. Nagulat din nang husto ang mga sundalo militar na kasama niya dahil nasaksihan din nila ito. Ayon sa ibang mga mananaliksik sa kasaysayan, ang pangitain ni Konstantino na pormang krus ay tinaguriang ‘Pangitaing Krus’....

Please listen to the podcast for the full narrative of this chapter