Listen

Description

"Si Emperador Constantius Chlorus, na ama ni Konstantino, ay namatay sa Eboracum (York na sa modernong panahon) habang nasa kampanya silang mag-ama laban sa tribung Pikta (Picts) ng Britanya. Bago nalagutan ng hininga si Emperador Constantius inihayag niya ang kanyang suporta kay Konstantino na siya ang hahalili sa kanya sa kanyang posisyon sa pamunuan. Naghabilin din siya kay Konstantino at ipinasakamay niya dito ang pag-aruga sa kanyang maiiwanang pamilya – mga kapatid ni Konstantino sa ama na noon ay mga musmos pa.

...Maging sa huling sandali noon ng kanyang buhay, naging istratehiko ang isip at pagplano ni Constantius Chlorus. Tanto niya noon na kailangang maisulong si Konstantino para maging opisyal siyang pinuno. Malaki ang pag-asa at paggalang ni Constantius sa natatanging abilidad ni Konstantino na maging kumandante ng militar at hindi lamang siya tanyag sa mga hukbong Romano, iginagalang siya ng mga lehiyong militar dahil sa kahusayan ng kanyang pamumuno at ang kanyang sariling disiplina. Nakakahigit din ang kanyang katinikang mamuno sa mga tao. Kaya upang hindi mapasakamay sa ibang pamilya ang hirarkiya ng bahagi ng Roma na pinamumunuan niya, pinaghabilinan ni Constantius Chlorus si Konstantino na umupo ito sa kanyang mababakantehang ranggo. Dahil sa kanyang pagtiwala sa kanyang anak, naging mapayapa ang kanyang pagpanaw sapagkat sa kanyang pagsuporta sa pag-angat ni Konstantino, ito ay magbibigay daan kay Konstantino para makuha niya ang puwestong emperador sa pamunuan ng imperyo.

Kabilang sa naging saksi sa paghirang ni Constantius Chlorus sa kanyang anak na siyang maging kanyang kahalili doon ay ang hari ng Alemanni na si Chrocus. Si Chrocus ay nanunungkulan noong heneral sa serbisyong Romano sa ilalim ni Constantius. Kasunod ng pagsabi ni Constantius ng hanyang habilin, at sa udyok ng mga hukbong militar iprinoklama ni Chrocus si Konstantino na Augustus o Emperador. Ang hukbong tapat kay Constantius ay kaagad sumunod kay Konstantino. "

"...Nagpadala si Konstantino kay Galerius ng opisyal na mensahe tungkol sa pagkamatay ng kanyang ama at tungkol sa kanyang pagkaka-atas na Augustus.

Nagpadala rin siya ng larawan niya na nakasuot ng kasuutang Augustus. Nanghiling siya ng pangilala at pagtanggap sa kanya bilang tagapagmana ng kanyang ama at itinanggi niyang mayroon siyang kinalaman sa desisyon na pagkakapa-angat sa kanya sa posisyon. Sinabi niya na ito ay pilit na ipinasakamay sa kanya at ang mga sundalo mismo ang nagpahayag na siya- si Konstantino ang kanilang Augustus.

Pagkatanggap ni Galerius sa mensahe ni Konstantino, naggalaiti ito sa galit. Kamuntik niyang pinasunog ang larawan na ipinadala sa kanya ni Konstantino at maging ang mga inatasang mensahero ni Konstantino ay pinag-initan niya. Si Galerius ay siya noong mas nakakatandang Augustus kay Constantius at alituntunin na ang mga pagpapataw ng opisyo ay nasa kamay niya kaya ang kanyang pakiramdam ay hindi lamang siya sinapawan kundi inagawan pa siya ng kanyang kagampanan. Tumanggi si Galerius na tanggapin ang habilin ni Constantius na si Konstantino ang papalit sa kanyang posisyon bilang pamunuan o caesar at sa halip ay idineklara niya ang kanyang sarili na siya ang Caesar o diputado emperador. "

"...Samantala, maging si Maxentius ay tumangging tumanggap sa bilin ng pumanaw na si Constantius na si Konstantino ang hahalili sa kanya. Subalit tinanggihan din niya ang pag-angkin ni Galerius ng pagiging emperador..."

Listen to the podcast for the full narrative