Listen

Description

MacArthur, was one of the few individuals to achieve a five-star rank, notably served in World War I, World War II, and the Korean War. A recipient of the Medal of Honor and 17 other medals, he distinguished himself as a talented, brave, and able military commander.

In World War II, MacArthur commanded allied forces in the Asia Pacific, a role that earned him the prestigious Medal of Honor. But his heroism didn't end with WWII nor was it limited strictly to acts of war.

Although he had been their enemy during World War II, his administration of Japan during the Occupation earned him the admiration of many Japanese. They referred to him as the “Gentle Conqueror,” and were fascinated by his persona.

Listen to the podcast in TAGALOG for the full story.

SI HENERAL DOUGLAS MAC-ARTHUR - NAGLAAN NG BUHAY PARA SA

TUNGKULIN, DANGAL AT BAYAN

Isa sa siyam na pinakamataas na heneral ng Estados Unidos na nakatanggap ng limang bituin (five-star) sa kasaysayan ng militar-Amerikano si Heneral Douglas MacArthur. Siya rin ang pinakabantog na heneral na Amerikano na hinahangaan at dinadakila sa buong mundo. Nanilbihan itong komander sa Timog-Kanluran ng Pasipika (Southwest Pacific) noong ikalawang Digmaang Pangsandaigdigan (1939-1945) MIL NUEBE SIYENTOS TRENTA’Y NUEBE hanggang MIL NUEBE SIYENTOS KUWARENTA’Y SINGKO. Naparangalan ito sa kanyang serbisyo sa kampanya ng digmaan sa Pilipinas at nabubukod-tangi siyang nagawaran ng tungkulin bilang ‘Field Marshal’ sa Puwersa Militar ng Komonwelt ng Pilipinas (Pagsasamang-Yaman ng Pilipinas).

Si Heneral MacArthur ay nasa pinakamataas na tungkuling militar sa rehiyon ng Pasipika noon nagtagumpay ang Alyansa na pinamunuan ng Estados Unidos na umukupa sa Hapon pagkatapos ng Pangalawang Digmaang Pangsandaigdigan.

Sa kanyang ginampanang tungkulin noon, sari-sari ang mga kaisipang naihayag tungkol sa kanya. Walang duda ang pagkadakila ng kanyang buhay. At bagaman marami ang gumagalang sa kanya na magsasabi na siya ang pinakadakilang heneral na Amerikano sa kasaysayan, marami din ang nagsasabi na isa siya sa pinakamumuhian ng iba na heneral na nanilbihan sa puwersang Amerikano.

Ang negatibong kaisipang naiuugnay sa kanya ay maaring sanhi ng kanyang ginampanang papel sa digmaan sa Korea. Gusto niya noon na ‘palakihin’ ang digmaang laban sa Tsina na nangsusuporta sa Hilagang Korea (North Korea) sa kanilang pagsalakay sa Timog Korea. Dumaing noon si MacArthur laban kay Presidente Truman ng Estados Unidos dahil hindi nito pinayagan ang pambobomba sanang isagawa ng Estados Unidos sa Tsina. Tinanggihan noon ni Truman na palakihin ang digmaan sa Asya dahil pahihinain nito ang posisyon ng Amerika sa Yuropa. Sa kaisipan ni Truman noon, Yuropa at hindi Asya ang kinaroroonan ng “Cold War” na siyang mas mahalagang asikasuhin at pananagumpayan ng Amerika. (Ang ‘cold war’ na tinatawag ay alitan ng dalawa o mas marami pang nasyon na hindi gagamit ng mga amunisyon o armas militar. Sa halip ang alitan ay naisasagawa sa kanilang paggamit ng puwersang politika at ekonomiya para mahikayat ng isang nasyon ang kanyang ‘kaalitan’ na nasyon na aayon sa kanyang kagustuhang alituntunin.

Karaniwan na, sa tiyempo ng ‘cold war’ na nagdadagsaang lumalaganap ang propaganda ng bawat isang nasyon at naisasaganap ang pang-eespiya sa mga lihim na lakas o kahinaan ng bawat isa.

Sa kaisipan ng mga otoridad ng gobyerno ni Truman noon, ang pagkakasali ng Amerika sa digmaan sa Korea ay digmaang hindi nararapat na pakiki-alaman nila. Ipinasya nila na hindi nararapat ang digmaang iyon sa lugar at sa tiyempong iyon dahil hindi nararapat na taguriang kalaban ang Tsina….