Ang Paghatol ay Tinakdâ ( The Judgement Has Set)
Translated by Zeres Vitto
Singer: @shiels3
Verse 1
Paghatol ay tinakdâ, mga libro'y binuksán
Paano tatayô sa araw na ‘yun
Kung bawat isip, salitâ, at gawâ
Ay titimbangín ni Kristong hukóm?
Refrain:
Paano tatayô sa araw na ‘yun?
Paano tatayô sa araw na ‘yun?
Matutuklasán bang tayo'y nagkulang,
O ang kasalana'y nahugasan?
Verse 2
Nagsimulang husgahán ang mga natutulog (namatáy)
At nalaán ang paghusgá sa buháy
Mulâ sa mga aklát ng talaan
Ang kanyang hatol ay súsundín
Verse 3
O, paano tatayô sa panahón ng pag-usisà
Pag hinayág ng libro ang sala
Pag ipinasyà ng hukuman na ang kaso
Ay ‘di bibigyán ng apela?