Under his wings tagalog
Translated by Zeres Vitto
Singer: @shiels3
Verse 1
Ako ay Ligtas sa kipkip ng pakpak N'ya
Bagaman gabi at marahas ang unos
Alam kong ako ay kanyang iingatan
Ako ay anak na kanyang tinubos
Refrain:
Sa kipkip ng kanyang pakpak
Sinong mahihiwalay sa pag-ibig nya
Kaluluwa ko'y mananatili roon
Na ligtas magpakailanman
Verse 2
Kanlungan sa lungkot ang kipkip ng pakpak N'ya
Puso ko'y sabik na dun ay mamahinga
Sa mundo'y walang lunas na makikita
Sa pakpak nya'y meron ang aliw at basbas
Verse 3
Tanging kasiyahan ang kipkip ng pakpak N'ya
Dun magtatago sa mga pagsubok
Walang masama na mananakit sa 'kin
Kay Jesus ako'y ligtas habang-buhay