Translated into Tagalog by Zeres Shiela Vitto
Singer: @shiels3
Verse 1
Tulad ng usang humihingal dahil sa uhaw
Gayón ako nanánabík sa 'yo
Ikáw lamang ang aking ninanais
At ako'y sabík na sumambá sa 'yo
Refrain:
Ikáw lang ang aking lakás at pananggâ
Ang tapang ko ay sa 'yo lamang susukò
Ikáw lamang ang aking ninanais
At ako'y sabík na sumambá sa 'yo
Verse 2
Ikáw ay aking kapatíd at kaibigan
Bagamán ikáw ay harì
Mahál kita higít sa iba
Mas higít pa sa anumán
Verse 3
Ninanais kita higit sa gintô o pilak
Ikáw ang nagbibigáy-kasiyahan
At tunay na tagapagbigáy-ligaya
At aninag ng pagsinta