Listen

Description

May isang dalaga na nagngangalang Marjorie. Siya ang nagiisang anak nila Mario at Lena na nakatira sa tapat ng mansion. Isang araw habang siya ay kumukuha ng damit sa sampayan ay may sumitsit sa kanya. Lumilingon-lingon siya para hanapin ang taong tumawag sa kanya pero wala ni isa, ang nasa harapan lamang niya ay ang mansion. Tila may humila sa kanya papunta sa mansion mabuti na lamang at tinawag siya ng kanyang inay. Bigla siyang na "curious" sa mansion kaya nagtanong siya sa kanyang ina pero tila may tinatago ang kanyang ina na si Lena at ng kanyang tatay dahil nagagalit ito kapag pinag uusapan ang tungkol sa mansion. Habang sila ay nag-uusap magkapamilya ay nabanggit ng kanyang itay na may pagtitipon na mangyayari sa kanilang barangay. Hindi na siya nagbalak pa na sumama dahil may iba siyang plano sa araw na iyon habang wala ang kanyang mga magulang.
Nang umalis na ang kaniyang mga magulang ay dali-dali siyang nagpunta sa mansion. Nagtaka siya dahil may tsinelas na nakalagay sa harapan ng bahay. Di na sana niya itutuloy ang balak dahil baka may tao sa loob at pagagalitan lamang siya kaya tumalikod na siya. Aalis na sana siya ngunit biglang bumukas ang pinto. Pumasok siya sa bahay at naglibot-libot. Halos lahat ng gamit sa loob ay nakabalot ng puting tela. Kinilabutan siya sa kanyang nakita pero nagpatuloy pa rin siya hanggang sa maka akyat siya sa ikalawang palapag ng bahay. May isang kwarto at balkonahe ang nasa palapag. Pinuntahan niya ang balkonahe, nagtaka siya bakit ngayon lamang niya na pansin na may lubid palang nakasabit doon. Maraming tanong ang pumasok sa kanyang isipan sa mga oras na iyon. Naputol ang kanyang pagiisip ng may narinig siyang umiiyak. Sinundan niya ng iyak,sa loob ng kwarto nanggagaling at iyak ng bata na sobrang puti. Naawa siya kaya pumasok siya sa kwarto, lalapitan na sana niya ang bata para patahanin ng bigla itong tumayo at lumapit sa pwesto niya. Bigla siyang sinakal nito na naging dahilan ng paghirap ng kanyang hinga at sa kabutihang palad ay nakaalis siya mula sa kamay nito. Dali-dali siyang bumaba sa unang palapag. Isang hakbang nasa ay makakaalis na siya ng mansion pero bigla itong sumirado . Tumayo ang kanyang balahibo dahil sa takot dumagdag pa ang malamig na simoy ng hangin. Sumindi ang mga kandila, tumugtog ang piano at nabasag ang salamin. At doon siya nahimatay dahil may narinig siya na halakhak.
Sa kabilang banda ay nag-alala na ang kanyang ina sapagkat alas dose na ng gabi ay hindi pa nakauwi si Marjorie. Alipasang-alipasa na ito at hindi alam ng gagawin. Nagtanong-tanong siya sa kanilang kapitbahay tungkol kay Marjorie at may nakapagsabi na nakita niya ito pumasok sa bahay na kasama ang babaeng naka itim.
Dali-dali niyang pinuntahan ang anak sa mansion at nakita niya itong nag gapos ng lubid. Mabilis niya binadbad ang lubid pero bago sila nakalabas ay nagpakita sa kanila ang babaeng naka itim na si Victoria.
Doon din niya nalaman ang katotohanan na kabit pala ang kanyang ina at may anak ang kanyang itay. Namatay ang bata kaya naghihigante ang babae sa pamilya nila Marjorie.
Nagtagumpay ang babae na makapaghigante dahil napatay niya ang ina ni Marjorie
–Maxine Jabagat at Queenie Orbital