Listen

Description

Kung tayo ang papipiliin o kung tayo ang magpaplano, o kung tayo ang susulat ng script ng kwento ng buhay natin, gusto nating burahin ang mga eksenang masasakit. Kung tayo ang masusunod, we want our sufferings to end now. Sino ba naman ang may ayaw na matapos na itong coronavirus? Natural yun. Kaso ang problema natin, we think our sufferings now are inconsistent with our being children of God. Tagapagmana tayo ng kaharian ng Diyos, tapos ganito ang mararanasan natin? Wala bang exemption for the children of God? Tingnan natin itong Romans 8:18-21 at ano ang itinuturo sa atin dito tungkol sa maganda at malaking disenyo ng Diyos sa mga sufferings natin ngayon na kung paniniwalaan natin at panghahawakan natin ay makakatulong sa atin na patuloy na magtiis--at magtiwala at umasa at manabik sa araw na we will "be glorified with him" (8:17).