podcast
details
.com
Print
Share
Look for any podcast host, guest or anyone
Search
Showing episodes and shows of
Lee Feng Nunez
Shows
Letra ‘to
EPISODE 18: Happy Tatay's Day
Sa bawat araw na dumarating Ginagampanan mo ang dalawang tungkulin Ang pagiging ama At pagiging ina sa amin Hindi madaling gawin Pero nakakaya mo pa rin Ramdam ko ang bigat na nararamdaman mo pagkatapos ng maligalig na maghapon Pinapagod ka ng araw Nilamon ka ng mga papel na palagi mong kaharap Niliguan ka ng pawis sa palagi mong pagtahak sa masusukal na daan Para lamang ang trabaho mo ay magampanan Minsan mo nang pinatunayan ang hirap Pero hindi ka sumusuko para sa pangarap Dahil patuloy kang lumaban at lumalaban Nanganganib man ang buhay Patuloy ka pa rin sa pagsugal sa...
2021-06-20
04 min
Letra ‘to
EPISODE 17: Turon!!!
TURON nasilayan mo na ba ang bukas? marahil hindi pa pero handa ka bang harapin? o baka naman nandiyan ka pa din sa kahapong paulit-ulit kang inaalipin pinaghandaan mo ba? o baka naman tinatangay ka pa ng agos ng sarili mong mga luha magdabog man ang langit kumulog at kumidlat hanggang sa maramdaman ang galit hayaan mo na kasama sa paglago ang paglagas ng mga dahon magiging marupok ang mga sanga pero mas patitibayin ka ng panahon magiging magulo ang lahat pero mamumunga lahat ng pagod konting tiis lang makikita mo din kung bakit ka nasa baba malalaman mo din...
2021-06-15
04 min
Letra ‘to
EPISODE 16: Huño a Dose
Huño a Doze ni Lee Feng Nuñez Matagal na. Matagal na matagal na. Ilang taon na ang nakalipas Ilang dekada na ang lumagpas Matagal na. Matagal na matagal na. Tatlong banyaga ang nagsamantala Sa isang babaeng walang palag na Pumayag at pumayag sa paghubad sa kanya Pero ang mga anak nito Sila at ako Kami at tayo Kaming mga anak niyang Pilipino Kahit na sakit ang dinaranas ay lumaban kami sa mga ito Sa mga banyagang mapagsamantala Mga banyagang bandido At ngayon nakamit ko na, nila, naming mga Pilipino Ang tagumpay at tropeyo Ang magsalita, makinig, tumawa, umimik, ma...
2021-06-11
04 min
Letra ‘to
EPISODE 15: Iniibig na Alaala
I.N.A (Iniibig Na Alaala) Ni Lee Feng T. Nunez Kapag nakakita ng masayang ina Aking naaalala mahal kong ina Ang ngiti sa mukha at pag-aalaga Ay walang katumbas anumang halaga Pumanaw man siya ay nandito pa rin Nasa aking puso at pati damdamin 'Di man makita kanyang katauhan Ay palagi naman nandiyan sa tabihan Kanyang alaala ang saki'y naiwan Palaging masaya walang kalungkutan Palaging kasama sa 'king kadramahan Sa 'king kasiyahan at sa kalokohan Habang sinusulat itong aking tula Ay nararamdaman ko ang pangungulila Ngunit sa kabila ako'y natutuwa Habang tumutulo aking mga luha Aking naalala aking pagkabata ...
2021-05-09
04 min
Letra ‘to
EPISODE 14: Tanghali at ang Hari
minamahal niyo lang ako sa simula at sa wakas... hindi naman ako palaging kasing ganda ng buwan hindi rin ako palaging kasing rikit ng mga bituin hindi rin ako kaakit-akit gaya ng ulap at lalong hindi ako kasing lawak ng kalawakan at dagat isa pa, hindi lang ako maganda sa umpisa, hindi ko hangad na pahalagahan lang sa simula, sa pasasalamat kasi dumating, sa pagmulat pagkatapos ng gabing madilim, hindi ko hanggad na mahalin mo ako sa tuwing makikita mo akong umaakyat sa mga pagitan ng bundok, hindi ko rin hinangad na ngitian mo lang ako sandali bago magsimula ang...
2021-05-03
02 min
Letra ‘to
EPISODE 13: Ang Pangarap Kong Love Story
“ANG PANGARAP KONG LOVE STORY” Namulat ako sa KathNiel, sa mga teleseryeng tinangkilik ng kilig, mga pelikula sa pinilakang tabing ng tili, mga eksenang sa puso’t isip namumutawi at ng mga kuhang larawan na itinago’t ikinubli Kinalakhan ko ang LizQuen, mga pagsasamang binuo ng tampuhan, mga sandaling binalot ng tawanan, mga panaghoy na naging katotohanan, dramang pinalawig ng masalimuot na karanasan at mga komedyang niyakap ng karangalan Napukaw ako ng Jadine, sa kanilang mga titig at yakap, sa mainit na halik at hawak, sinundan ko ang riles ng relasyon hangang sa huling istasyon, na nagbigay sa akin ng inspiras...
2021-04-08
04 min
Letra ‘to
EPISODE 12: Ang Kasinungalingan ay Mabagsik na Kalaban
Ang Kasinungalingan Ay Isang Mabagsik Na Kalaban Ni Pedro Ang kasinungalingan ay isang mabagsik na kalaban Pilit itong makikipagsiksikan sa ating kapaligiran Tinatakpan nito ang ating tenga upang hindi natin marinig ang katotohanan Hihilahin ka nito mula sa iyong pagbangon upang muling mahimbing sa kasalanan Unan niya ang takot Sarili nating pagpili sa mali ang nagsisilbi niyang kumot Patuloy tayo nitong binabalot Kasama niya ang mga kuliglig sa iyong dibdib Patuloy siyang manliligalig Wala kang ibang maririnig kundi ang kataksilan nito at himig Ang kasinungalingan ay isang mabagsik na kalaban Alam niya ang mga araw na mahina ka Mga panahong...
2021-03-29
04 min
Letra ‘to
EPISODE 11: Bago matulog
BAGO MAG GOOD NIGHT Pagkatapos ng magandang gabi At bago mo simulang sabihing naging mabuti ang gabi Bumalik ka sa kung ano ang mga nangyari Sa kani-kanina lang Sa kanina pa Sa bago pa sumapit ang umaga At ang haring araw ay magpakita Simula sa unang haplos ng init sayong mga balat Sinundan ng mga sinag ng liwanag na di mapaliwanag na naaaninag ng iyong mga matang nakamulat Sumulat ang pluma sa kwadernong matagal mo nang hindi binubuklat Sumiwalat ang mga itinuro at ginamit ang aklat Umalat ang pawis Tumagaktak hanggang sa pumatak Umalab ang singaw ng sumisigaw na tanghaling...
2021-03-28
03 min
Letra ‘to
EPISODE 10: Open Letter For Everyone
BASTA LAST EPISODE NA TO NG SEASON 1 YEEEYYY 🤸🤸🤸🥳
2021-03-24
13 min
Letra ‘to
EPISODE 9: Just Love Everyone
Syempre nag update lang ako sa sarili ko tsaka nagkwentong mga bagay na hindi ka makakarelate hahahaha puro ubo pa rin tong episode na to haha but atleast nakatapos na naman ng isang episode hahahahaa so ayon wag natin ipakalat ang HATE but let's just spread LOVE!!! Wiiieee 🤸
2021-03-23
22 min
Letra ‘to
EPISODE 8: Tunay na Ligaya
At dahil alam kong hindi ako makakatulog pag hindi nagrecord eto na ang episode na medyo maganda ganda ang kwento kahit puro ubo. Feel ko naman may sense mga sinabi ko hahahaha
2021-03-22
17 min
Letra ‘to
EPISODE 7: Watsda feeling
Ala ay pag-usapan natin dine kung paano mainlab si Pedro at paano kiligin. Ang mga babae ay hindi pa rin masiguro kahit nagtaning na tayo sa isang babae rin (hindi ko sure kung babae nga are)
2021-03-20
35 min
Letra ‘to
EPISODE 6: Batang may laban
"Para sa mga taong may mga inilalabang laban na siya lang ang nakakaalam, maging matatag ka"
2021-03-18
16 min
Letra ‘to
EPISODE 5: Para kay kras
hahahaa abay kras pakinggan mo ire hahaha para sayo are
2021-03-17
11 min
Letra ‘to
EPISODE 4: PORNSTAR
Gusto mo malaman ang story ng PAGLAKI KO GUSTO KO MAGING PORNSTAR? Edi pakinggan mo to. Dito mo rin malalaman na bihira ako maligo.
2021-03-11
42 min
Letra ‘to
EPISODE 3: 3-in-1 Palawan
Payag ka ba hatiin ang Palawan sa tatlo? Edi magiging PalaThree na? Kumusta rin ang Coron? Pwede na ba tayo don magala? Alamin!!!
2021-03-11
19 min
Letra ‘to
EPISODE 2: Manipulative Sadboi
If you want to gain respect, give respect. Lahat ng tao may limitasyon. Lahat ng tao napapagod din. Lahat may hangganan. Lahat.
2021-03-11
22 min
Letra ‘to
EPISODE 1: Hindi ako makatulog
Gusto ko lang naman ng makikinig, mula sa umpisa hanggang dulo. Para atleast alam mo kung bakit may podcast ako. 😌 (NAPAKARAMING SINGHOT HAHAHAHAHAHAHA)
2021-03-06
20 min