podcast
details
.com
Print
Share
Look for any podcast host, guest or anyone
Search
Showing episodes and shows of
Angel Daylo
Shows
Mga Kwentong Pambata
Alamat ng Mangga
Kinalulugdan ng marami ang taong may isang salita at ang pagtupad sa pangako ay isang magandang halimbawa na dapat tularan. Hindi masama ang pagkakaroon ng mahigpit na pinuno kung ito naman ay makatutulong sa pag-unlad ng pamayanan at walang nasisikil na karapatan ng taumbayan. --- Send in a voice message: https://anchor.fm/angel-daylo/message
2021-10-10
05 min
Mga Kwentong Pambata
Alamat ng Butiki
Ang batang mabait ay pinagpapalang sulit, ngunit ang sutil at pinipilipit. Sa mga bata, ugaliing maging mabait sa kapwa tao, maging magalang sa matatanda, at mapagmahal sa mga hayop. Dahil pinaparuhasan ang mga batang salbahe. Gusto mo ba maging butiki gaya ni Kiko? --- Send in a voice message: https://anchor.fm/angel-daylo/message
2021-10-09
04 min
Mga Kwentong Pambata
Alamat ng Kuwago
Ang kalikasan natin ay unti-unting nasisira, maraming mga hayop at mga halama't mga puno na rin ang namatay. Huwag sana natin hayaan na tuluyan nang magunaw ang mundo dahil sa ating kapabayaan. Tulad ng bida sa kwento, bantayan natin ang kapaligiran. Di naman kailangan na bundok o kagubatan lamang ang ating titignan, magsimula tayong magmatyag at mglinis ng pinakamalapit na kalsada, at turuan ang ibang tao kung saan ang pinakamalapit na basurahan. --- Send in a voice message: https://anchor.fm/angel-daylo/message
2021-10-08
02 min
Mga Kwentong Pambata
Alamat ng Langaw
Huwag ugaliin na maging palaasa sa kamag-anak o kapitbahay para tayo ay mabuhay. Bagkus, magsumikap na itaguyod ang sarili o ang pamilya para maging maganda at maayos ang pamumuhay. --- Send in a voice message: https://anchor.fm/angel-daylo/message
2021-10-07
03 min
Mga Kwentong Pambata
Alamat ng Durian
Iwasan natin na maging masungit upang di layuan o di magkaroon ng di magandang pagkakaintindihan sa kapwa tao. Sa mga magulang naman, huwag tayong gagawa ng maling kwento para lang ipanakot sa mga malilikot at makukulit na bata. Matutunan sana ng mga bata ang pagrespeto sa mga nakakatanda --- Send in a voice message: https://anchor.fm/angel-daylo/message
2021-10-06
03 min
Mga Kwentong Pambata
Alamat ng Rosas
Karamihan sa mga alamat ay larawan ng tunay na pagmamahal at nagbubunga ang kanilang pagmamahalan ng pinagmulan ng maraming bagay. Layunin din kasi ng mga alamat na magpakalat at magpalaganap ng pagmamahal sa mga bumabasa nito. Isa sa mga klasikong kuwento o alamat ang tumalakay sa tunay na pagmamahal ay ang Alamat ng Rosas. Wala itong tiyak na manunulat at nagpasalin-salin na lang sa bawat lahi at henerasyon katulad ng ibang mga alamat. --- Send in a voice message: https://anchor.fm/angel-daylo/message
2021-10-06
02 min
Mga Kwentong Pambata
Alamat ng Mais
Ang batang marunong sumunod sa magulang, ay pinagpapala. Ngunit ang batang inuuna ang kanyang sarili ay maaring maparusahan. Ang kwento sa alamat ngayon ay ngpapakita ng kahalagahan ng pagsunod natin sa ating mga magulang at nakakatanda. Tinuturuan din ang mga bata na huwag maging makasarili, at bagkus, unahin ang pangangailangan ng ating kapamilya o kaibigan. --- Send in a voice message: https://anchor.fm/angel-daylo/message
2021-10-05
06 min
Mga Kwentong Pambata
Alamat ng Alitaptap
Huwag mawalan ng pag-asa sapagkat dadating din ang panahon na masosolusyonan ang problema. Huwag hayaang manitili ang takot sapagakat ito ang nagiging dahilan upang ikaw ay makaramdam di na malaya. Gaya sa kwento, matutunan nating labanan ang problema sa papamagitan ng pag-iisip kung ano kahinaan ng kaaway. Pero huwag gamitin ang kahinaan nila para gawing dahas sa paglaban sa kanila. Ang mabuting gawin natin ay palakasin natin ang ating mga sarili, gamit ang taglay nilang kahinaan, upang huwag na tayo masupil ng mga problema o mga kalaban. --- Send in a voice message: https...
2021-10-04
04 min
Mga Kwentong Pambata
Alamat ng Langgam
Ang pagiging masipag ay isa sa mga katangian na makakatulong upang umunlad. At gaya ng mag-anak sa kwento, mas lalo sila nagsisipag pag maganda ang ani. Dahil nga sa knilang pagiging masipag, nakapag-ipon sila ng mga pagkain na nagamit nila noong panahon ng kagipitan. Subalit kahit marami silang pagkain, hindi nila ito pinagdamot sa mga kapitbahay, kakilala at mga tao na nangangailangan. --- Send in a voice message: https://anchor.fm/angel-daylo/message
2021-09-27
03 min
Mga Kwentong Pambata
Alamat ni Maria Makiling
May mga taong hindi marunong makuntento. Kadalasan sila’y naghahangad pa ng higit sa kung ano ang natanggap nila at umaabuso na. Suklian natin ang lahat ng kabutihang natatanggap natin mula sa ating kapwa. Hindi rin naman material na bagay lamang ang maaaring ibahagi sa ating kapwa. Ang mga talento at bukal na pagtulong ay ilan lamang sa mga ito. Matuto tayong magpasalamat at matuto rin tayong makuntento at huwag maghangad ng labis. --- Send in a voice message: https://anchor.fm/angel-daylo/message
2021-09-26
03 min