podcast
details
.com
Print
Share
Look for any podcast host, guest or anyone
Search
Showing episodes and shows of
BookTalakayan
Shows
Book Talakayan: Bardagulan ng Pinoy Readers
Permutasyon ng Teknolohiya't Pagkakasala sa 'Charged'
Mula nang maging viral hanggang malathala, isang kakaibang thriller ang 'Charged' ni Siege Malvar dahil ito'y ikinuwento sa serye ng text messages. Ngunit higit sa isang kuwento that will put you at the edge of your s(h)it, marami ring gusto ibahagi ang nobela tungkol sa mga panganib ng teknolohiya at ang salimuot ng ating mga aksyon na minsa'y di natin inaakala ang magiging hantungan. Ito at iba pa ang tinalakay ng ating mga ka-rambol sa episode na 'to, kaya listen na peeps!
2021-07-16
42 min
Book Talakayan: Bardagulan ng Pinoy Readers
Paglaki, Pamayanan, at Pananakop sa Bone Talk ni Candy Gourlay
Ang ikatlong nobela na ‘Bone Talk’ ni Candy Gourlay ay tungkol sa paglaki ni Samkad mula sa isa mga tribo sa Bontoc. Sa pagitan ng pagpapakita ng mayamang kultura’t gawi ng mga katutubo mula sa kabundukan ng Cordillera, nilahad din ni Gourlay ang marahas nilang pamumuhay noong 1899 nang ang bansa ay nasa bingit ng pananakop at imperyalismo ng Amerika. Pakinggan ang intense na talakayan ng ating mga ka-rambol sa kanilang paghihimay ng nobela ni Gourlay, pati na rin kung paanong ang historical fiction ay magandang daluyan upang pag-usapan pa ang representasyon at malalim na pag-unawa ng kasaysayan ng ating...
2021-07-02
51 min
Book Talakayan: Bardagulan ng Pinoy Readers
Mga Batang Booksale
Hindi maitatangging malaking bahagi ng buhay ng Pinoy readers ang Book Sale. Makisali sa usapan ng ating mga karambol tungkol sa samu’t saring kuwento mula sa kanilang unang pagtapak at unang nabiling libro, hanggang sa usapang yabangan ng pinakasulit na librong kanilang nakuha mula sa paboritong bargain book store ng bayan. Isama pa rito ang pagbabahagi ng mga teknik sa paghahanap at tamang timing para makuha ang best selling books of your dreams. At alamin ang nakakaintrigang misteryo ng isang kilalang author na kahit kailan ay di namataan ang kanyang libro (ever!) sa Book Sale. Makipagtalakayan na!
2021-06-25
55 min
Book Talakayan: Bardagulan ng Pinoy Readers
Nang Hubdan ni Ambeth Ocampo si Rizal
Mula noong high school hanggang kolehiyo, required tayong pag-aralan si Jose Rizal. Pero tunay nga ba nating nakikilala si Rizal? Samahan ang ating mga ka-rambol sa kanilang pagtalakay sa ‘Rizal Without the Overcoat” ni Dr. Ambeth Ocampo, at ating kalkalin ang mga natatagong chismis tungkol sa ating pangunahing bayani na di natatalakay sa classroom o history books. Sama-sama tayong hubarin ang kanyang overcoat at alamin ang tunay na personahe sa likod ng mito sa special episode na ‘to para sa 160th birth anniversary ni Pepe. Listen na, peeps!
2021-06-18
1h 01
Book Talakayan: Bardagulan ng Pinoy Readers
Misteryo at Machismo sa Nobela ni Benjamin P. Pascual
Sumpa. Chismis. Bahay na kinatatakutan. Libog. Pag-ibig. Paninibugho. Ito ang mga sangkap na bumubuo sa nobelang ‘Babaeng Misteryosa’ ni Benjamin P. Pascual. Pag-uusapan din ng ang ating ka-rambol kung paano ipinakikita ng may-akda ang uri ng pamumuhay noong dekada ‘70, mga tuntunin ng pakikipagrelasyon ng lalaki sa babae, at ng indibidwal sa kanyang pamayanan. Kaakibat ang isyu ng akdang nalalahad sa pananaw ng lalaking tauhan, sa lente ng machismo.
2021-06-04
1h 01
Book Talakayan: Bardagulan ng Pinoy Readers
A Talakayan Turns for the Weird: Usapang Trese
Dear patrons of the Diabolical, Hype na hype ka rin ba sa Trese, lalo na’t malapit na itong ipalabas na Netflix Anime Series? Kami rin mga ka-rambol! Sa episode na ito tinalakay namin kung paano namin unang nadiskubre ang Trese komiks series, ang halaga nito sa Pinoy culture, kasama na rin ang ilan naming spekulasyon sa screen adaptation nito. Listen na, peeps!
2021-05-28
54 min
Book Talakayan: Bardagulan ng Pinoy Readers
Si Ricky Lee at Bakit May Quota Ang Pag-ibig
Sa pag-ibig, may sinuswerte, may minamalas, kaya dapat nga bang may quota para rito? Makigulo at makihugot sa ating mga ka-rambol sa kanilang pagtalakay ng ‘Para kay B’ ni Ricky Lee. Anong kakaiba pa nga ba ang maikukuwento ng batikang scriptwriter ukol sa pag-ibig sa kanyang unang nobela? Nabibilang ka ba sa isa mula sa lima na magiging maligaya sa pag-ibig o baka sa huli’y isa ka naman sa mga na-devastate nito? Listen up peeps!
2021-05-21
1h 04
Book Talakayan: Bardagulan ng Pinoy Readers
Online Book Shopping Budol
Binudol ka man ng kaibigan mo o ang sarili mo, hindi maitatatanging lahat tayo’y may kanya-kanyang masasaya at nakayayamot na online book buying experience一lalo na ngayong pandemya kung kailan mas naging madali ang pagbili ng libro sa social media man o sa mga e-commmerce platform. Sa episode na ito, magbabahagi ang ating mga karambol ng kanilang mga karanasan at mga ipinagbabawal na teknik kung paano pa kayo magiging mas magaling na book shopper online. Makinig at paniguradong makaka-relate kayo rito mga ‘tol!
2021-05-14
55 min
Book Talakayan: Bardagulan ng Pinoy Readers
Lualhati B and Her New Fiction
Akala natin ay nasabi na ni Lualhati B. ang lahat tungkol sa pamilya, panitikan, at kasarian sa kanyang mga naunang akda. Mas magiging maigting pa ito sa paglabas ng kanyang new fiction simula sa "In Sisterhood". Mga ka-rambol, sa talakayan episode na ito, malalaman natin kung bakit dapat pa rin nating basahin si Lualhati B lalo ngayong kaliluhan ang siyang naghahari.
2021-05-07
51 min
Book Talakayan: Bardagulan ng Pinoy Readers
Si Lualhati B — Ang Tunay na Super B
Anong kuwentong Lualhati B. mo? Tunghayan kung bakit katangi-tangi ang karanasan ng ating mga ka-rambol sa pagbabasa ng mga unang akda ni Lualhati B. at kung paano binuhay ng mga ito ang kahalagahan ng pagpapakatao at damdaming makabansa. Bakit nga ba siya isang tunay na Super B sa mata ng kanyang mga mambabasa?
2021-04-30
47 min
Book Talakayan: Bardagulan ng Pinoy Readers
Si Bob Ong — ABNKKBSNPL Q 2 56
Sino nga ba si Bob Ong? At sino nga ba siya sa mata ng mga Pinoy Reader? Makipagbardagulan na kina Ella, Jayson, Ingga at Tricia sa unang episode na ito, at himaymayin natin ang mga akda ni Bob Ong at maki-chismis sa mga conspiracy theories tungkol sa identity niya.
2021-04-23
59 min
Book Talakayan: Bardagulan ng Pinoy Readers
BookTalakayan Bardagulan
2021-04-18
00 min