podcast
details
.com
Print
Share
Look for any podcast host, guest or anyone
Search
Showing episodes and shows of
Cris Lanzaderas
Shows
Panitikan at Pagsulat
JHS: "Ako ang Daigdig" ni Alejandro Abadilla
Ngayong patuloy pa rin ang krisis dulot ng pandemya, nararamdaman mo ba na kapag nagbibigay ka ng oras para sa iyong sarili ay para bang ang tamad-tamad mo na? Na para bang may mali kapag nagpahinga ka? Sa tula na Ako ang Daigdig, sinasabi nito na kinakailangan talaga ng panahon para balikan ang sarili. Sa episode na ito, ipinaliwanag ang itinuturing na isa sa mga kontrobersyal na tula ni Alejandro G. Abadilla, ang "Ama ng Modernistang Pagtula sa Tagalog."
2021-05-11
16 min
Panitikan at Pagsulat
JHS: "Pag-ibig sa Tinubuang Lupa" ni Andres Bonifacio
Andres Bonifacio, atapang-atao! Pero maliban sa pagiging palaban at rebolusyonaryo, wagas ding umibig si Bonifacio lalong-lalo na sa kanyang bayan. Sa tulang Pag-ibig sa Tinubuang Lupa, pinatunayan ng Ama ng Katipunan na ang pag-ibig o pagmamahal sa bayan ang pinakadakilang uri ng pag-ibig.
2021-05-09
23 min
Panitikan at Pagsulat
JHS: Sintesis sa "Florante at Laura"
Ano nga ba ang itinuturo ng akdang "Florante at Laura"? Sumasalamin lang ba ito sa paghihirap ng mg Pilipino noong panahon ng mga Kastila? Sa episode na ito, isang sintesis ang mapapakinggan hinggil sa pinakadakilang akda ng "Prinsipe ng Panulaang Tagalog" na si Francisco Balagtas.
2021-04-18
13 min
Panitikan at Pagsulat
SHS-Creative Nonfiction: Structure in Creative Nonfiction (Part 2)
Featuring pa rin ang dogs ng kapitbahay combo with mga batang naglalaro sa background, sinuri natin ang sample texts na Body Ritual Among the Nacirema (Horace Miner) at Death of the Moth (Virginia Woolf) gamit ang mga concepts sa "structure in creative nonfiction."
2021-04-06
22 min
Panitikan at Pagsulat
SHS-Creative Nonfiction: Structure in Creative Nonfiction (Part 1)
What is "structure" in creative nonfiction? At bakit paboritong sumabay ng aso ng kapitbahay namin kapag nagre-record ako ng lesson? Sa episode na ito, your teacher tried to make sense of structure at ano-ano ba ang mga common types nito na ginagamit sa pagsulat ng CNF.
2021-04-06
16 min
[P] Live Briefly
Usapang Elbi (March 13, 2021)
Samahan muli ang tambalang Ja Fuentes at Lora Noreen Domingo upang talakayin ang misconceptions ng pagiging student leader. Kasama sina Hazel Grace Ann QueaƱo, Mackie Valenzuela, at Cris Lanzaderas.
2021-03-27
1h 20
Panitikan at Pagsulat
SHS-Creative Nonfiction: Point-of-View in Creative Nonfiction
Familiar ka na sa POV pero may something different sa usapin ng POV sa creative nonfiction. In this episode, sinubukang linawin ni Teacher ang usaping ito sa gitna pa rin ng huni ng mga maya at ng galit na galit na mga kahol ng aso ng kapitbahay.
2021-03-14
13 min
Panitikan at Pagsulat
SHS-Creative Nonfiction: Approach in Creative Nonfiction
How to start? Sa episode na ito, may pagtatangka si Teacher na ipaliwanag ang (sa palagay niya) pinakapraktikal na step sa pagsisimula ng pagsusulat ng isang CNF piece - ang approach. [feat. morning maya songs at napakagulong aso ng kapitbahay]
2021-03-14
20 min
Panitikan at Pagsulat
JHS: Ang Florante at Laura sa Kasalukuyan
Ano nga ba ang ugnayan ng panitikan at lipunan? Gamit ang mga saknong mula mismo sa Florante at Laura (na binigkas para sa atin ni Bb. Angelica Joy Camacho), susubukan nating sagutin ang tanong na ito.
2021-03-14
21 min
Panitikan at Pagsulat
JHS: Apat na Himagsik ni Balagtas (Ikalawang Bahagi)
Sa ikalawang bahagi ng pagtalakay sa Apat na Himagsik ni Balagtas, tinutukan naman natin ang huling dalawang "himagsik" ni Balagtas: ang himagsik laban sa maling pag-uugali at himagsik laban sa mababang uri ng panitikan. Buong-pusong pasasalamat pa rin ang ipinaaabot ng klase sa ating espesyal na katuwang sa episode na ito! Muli, maraming salamat kay Bb. Angelica Joy Camacho!
2021-03-14
16 min
Panitikan at Pagsulat
JHS: Apat na Himagsik ni Balagtas (Unang Bahagi)
Para kay Lope K. Santos, ang Florante at Laura ni Francisco Balagtas ay hindi lamang tungkol sa pag-ibig. Si Balagtas at ang kanyang Florante ay nanawagan din for social change! Sa unang bahagi ng talakayang ito, hihimayin natin ang unang dalawang "himagsik" ni Balagtas: ang himagsik laban sa masamang pamamalakad ng mga Kastila at himagsik laban sa hidwaang pananampalataya. Buong-pusong pasasalamat sa ating espesyal na katuwang sa episode na ito na si Bb. Angelica Joy Camacho! Siya ang bumigkas ng mga piling saknong na ating ginamit sa talakayan!
2021-03-14
19 min
Panitikan at Pagsulat
SHS-Creative Nonfiction: Elements and Forms of Creative Nonfiction
Very quick discussion ng mga dapat tandaan sa pagsulat ng creative nonfiction (aka Five R's ng CNF) at ilang common forms nito (according kay Cristina Pantoja Hidalgo).
2021-03-08
15 min
Panitikan at Pagsulat
SHS-Creative Nonfiction: Introduction to Creative Nonfiction (Part 2)
How chrue is chrue? Why is there a need to write CNF sa gitna ng mga dinaranas natin ngayon? Sa ikalawa sa 2-part introduction extravaganza bonanzang pagpapakilala sa CNF, susubukang sagutin ang mga tanong na ito using articles written by some well-known writers ng genre tulad nina Nick Joaquin, Cristina Pantoja Hidalgo, at Bebang Siy.
2021-03-08
17 min
Panitikan at Pagsulat
SHS-Creative Nonfiction: Introduction to Creative Nonfiction (Part 1)
Ano ba ang nature ng creative nonfiction? And ano ba exactly ang sinasabing fourth genre ng literature? Sa una sa 2-part introduction extravaganza bonanzang pagpapakilala sa CNF, tatangkaing maipaliwanag ang definition and nature nito using articles written by some well-known writers ng genre tulad nina Nick Joaquin, Cristina Pantoja Hidalgo, at Bebang Siy.
2021-03-08
21 min
Panitikan at Pagsulat
JHS: Kaligirang Pangkasaysayan ng "Florante at Laura"
Ilang mga dagdag na kaalaman sa Florante at Laura. Medyo trivial pero worth knowing!
2021-02-28
14 min
Panitikan at Pagsulat
JHS: Talambuhay ni Francisco Balagtas
Bakit ba natin kailangang pag-aralan ang Florante at Laura? At sino ba ang nagsulat nito? Sa episode na ito ng Panitikan at Pagsulat, tinalakay ang ilan sa dahilan kung bakit kinikilalang mahusay ang FnL gayundin ang mga mahahalagang bahagi ng buhay ng kinikilalang "Ama ng Panulaang Tagalog."
2021-02-28
30 min
Panitikan at Pagsulat
JHS: Pagsulat ng Editoryal (Ikalawang Bahagi)
Sa ikalawang bahagi ng ating huling episode, tatalakayin ang iba't ibang uri ng editoryal at mga tips sa pagsulat nito.
2021-01-24
18 min
Panitikan at Pagsulat
JHS: Pagsulat ng Editoryal (Unang Bahagi)
Sa ating huling episode na may kinalaman sa pagsulat ng iba't ibang teksto, tatalakayin natin ang editoryal at ang kahalagahan nito sa isang pahayagan. Ilalatag din ang mga katangiang dapat asahan sa pagbabasa at pagsusulat ng isang editoryal.
2021-01-24
27 min
Panitikan at Pagsulat
SHS-Malikhaing Pagsulat: Searching for Setting (Part 1)
Gamit ang pelikulang Milan (2004) at iba pang akda., tinalakay ang kahalagahan ng setting o tagpuan sa paggulong ng naratibo ng isang maikling kuwento.
2021-01-23
30 min
Panitikan at Pagsulat
SHS-Malikhaing Pagsulat: Searching for Setting (Part 2)
Ano-ano ba ang mga maaaring i-consider sa pagpili ng setting ng iyong short story? Bakit naging epektibo ang Milan bilang tagpuan ng...Milan? Sa ikalawang bahagi ng Searching for Setting, tinangkang sagutin ang mga tanong na ito.
2021-01-23
17 min
Panitikan at Pagsulat
SHS-Malikhaing Pagsulat: Banghay (Part 2)
Sa ikalawang bahagi ng pagtalakay sa banghay, papasadahan natin ang iba pang bahagi ng Freytag's Triangle at ano-ano nga ba ang Top 10 Plot Problems na dapat mong iwasan sa pagsulat ng maikling kuwento.
2021-01-23
18 min
Panitikan at Pagsulat
SHS-Malikhaing Pagsulat: Banghay (Part 1)
Sa unang bahagi ng huling episode na nakatuon sa mga elemento ng maikling kuwento, tatalakayin natin ang banghay at ang mga uri nito. Hihimayin din ang halaga ng exposition bilang bahagi ng banghay at mga paraan sa pagsisimula ng isang maikling kuwento.
2021-01-23
29 min
Panitikan at Pagsulat
SHS-Malikhaing Pagsulat: Ilang Notes sa Pagsulat ng Dialogue
Madalas ay na-o-overlook natin ang dialogue bilang esensyal na elemento ng pagsulat ng maikling kuwento. Ano-ano nga ba ang mga dapat alalahanin sa pagsulat ng dialogue? May mga technical ba itong kahingian? Susubukang sagutin ito sa ating bagong podcast episode.
2021-01-16
15 min
Panitikan at Pagsulat
SHS-Malikhaing Pagsulat: Point-of-View
Sino o ano ang nagsasalaysay ng iyong kuwento? Tinatawag natin itong pananaw o point-of-view. Sa podcast episode na ito, inisa-isa ang mga uri ng POV na maaari mong magamit sa pagsusulat ng short story.
2021-01-16
36 min
Panitikan at Pagsulat
JHS: Pagsulat ng Balita (Ikalawang Bahagi)
Sa episode na ito, tutuklasin natin ang pagsusulat ng balita at ang halaga nito para sa isang well-informed Filipino lalo na ngayong panahon na may krisis at may pandemya. Sa ikalawang bahagi, tinalakay natin ang pamatnubay o lead at ang mga uri nito.
2021-01-16
25 min
Panitikan at Pagsulat
JHS: Pagsulat ng Balita (Unang Bahagi)
Sa episode na ito, tutuklasin natin ang pagsusulat ng balita at ang halaga nito para sa isang well-informed Filipino lalo na ngayong panahon na may krisis at may pandemya. Binigyang-kahulugan ang balita at inisa-isa ang mga uri nito ayon sa nilalaman at ayon sa pinagbatayan.
2021-01-16
23 min
Panitikan at Pagsulat
SHS-Malikhaing Pagsulat: Conflict
Sa episode na ito, tinalakay kung ano ang conflict o tunggalian at ang mga uri nito partikular na sa classical types. May mga tips din kung papaano maiiwasan ang pagiging author-driven ng isang maikling kuwento.
2021-01-09
26 min
Panitikan at Pagsulat
SHS-Malikhaing Pagsulat: Character and Characterization (Part 2)
Ano nga ba ang ambag ng character dimensions sa pagtakbo ng naratibo ng isang maikling kuwento? Sa ikalawang bahagi ng talakayan sa character at characterization, hinimay ang tatlong character dimensions ni Aling Marta, ang pangunahing tauhan ng maikling kuwentong Ang Kalupi. Inilatag dito ang pagbuo ng mga dimensyon ng isang tauhan at ang halaga nito sa kuwenta ng kuwento.
2021-01-09
21 min
Panitikan at Pagsulat
SHS-Malikhaing Pagsulat: Character and Characterization (Part 1)
Saan natin huhugutin ang inspirasyon sa paglikha sa kanila? Gamit ang mga hulwarang maikling kuwentong Kara's Place (Luis Katigbak) at Ang Kalupi (Benjamin Pascual), tinalakay sa unang bahagi ng 2-part episode na ito ang mga dapat tandaan sa pagbuo ng isang "buong tauhan."
2021-01-09
20 min
Panitikan at Pagsulat
JHS: Tekstong Argumentatibo sa "Dugo at Lagim sa Likod ng Fast Fashion"
Sa ikalawang bahagi ng paghimay ng hulwarang tekstong "Dugo at Lagim sa Likod ng Fast Fashion", sinipat naman ang mga katangian nito bilang isang tekstong argumentatibo.
2021-01-03
15 min
Panitikan at Pagsulat
JHS: Tekstong Impormatibo sa "Dugo at Lagim sa Likod ng Fast Fashion"
Gamit ang hulwarang teksto na "Dugo at Lagim sa Likod ng Fast Fashion" ni Silay Lumbera, narito ang isang pagtalakay sa mga katangian ng isang tekstong impormatibo.
2021-01-03
21 min
Panitikan at Pagsulat
SHS-Malikhaing Pagsulat: Ang Maikling Kuwento at ang mga Uri Nito
Sa episode na ito, binigyang-kahulugan at katuturan ang maikling kuwento mula sa punto de bista ng mga manunulat na sina Eugene Evasco, Wil Ortiz, at Butch Dalisay. Inisa-isa rin ang iba't ibang uri ng maikling kuwento batay sa nilalaman/pamamaraan, sa layunin, at sa bilang ng mga salita.
2021-01-03
24 min
Panitikan at Pagsulat
JHS: Tekstong Naratibo sa "Canal dela Reina"
Isang pagtalakay sa mga elemento ng tekstong naratibo gamit ang "Kabanata 7 - Daigdig ng Pagdarahop" ng nobelang Canal dela Reina.
2020-11-24
16 min
Panitikan at Pagsulat
JHS: Tekstong Deskriptibo sa "Canal dela Reina"
Isang pagtalakay sa mga katangian ng tekstong deskriptibo gamit ang "Kabanata 7 - Daigdig ng Pagdarahop" ng nobelang "Canal dela Reina."
2020-11-24
20 min
Panitikan at Pagsulat
SHS-Malikhaing Pagsulat: Mga Tradisyonal na Anyong Pampanulaan sa Pilipinas
Sa edisyong ito ng SHS-Malikhaing Pagsulat, ipinapakilala ang ilang piling anyo ng tradisyonal na pagtula sa Pilipinas (na may tuon sa Tagalog). Tinalakay rin ang mga batayang konsepto tulad ng taludtod at saknong na dapat bitbitin sa pagbabasa ng tulang tradisyonal.
2020-11-09
26 min
Panitikan at Pagsulat
SHS-Malikhaing Pagsulat: Mga Tradisyonal na Anyo ng Pagtula mula sa Ibang Bansa
Karugtong ng pagtalakay sa tradisyonal na anyo ng pagtula sa Pilipinas, mahalagang magkaroon din ng pagsipat sa mga piling anyo mula naman sa ibang bansa. Sa episode na ito, tinalakay ang ghazal, villanelle, at haiku gayundin ang tanka, list, at acrostic. Mayroon ding pagbabalik-aral sa korido at awit na mga tulang Filipino subalit may impluwensya ng Kastilang pagtula.
2020-11-09
31 min
Panitikan at Pagsulat
JHS: Pagtatalata at Katangian ng Mabuting Talata
Isang balik-aral sa talata at pagtatalata. Tinalakay sa podcast episode na ito ang kahulugan ng talata at ang mga katangian at dapat asahan sa isang masinop at mahusay na talata. (para sa Junior High School)
2020-10-10
20 min
Panitikan at Pagsulat
SHS-Malikhaing Pagsulat: Kasaysayan ng Panulaan sa Pilipinas (Part 2)
Isang pagtatangkang matalakay ang kasaysayan ng pagtula sa Pilipinas. Mayroon ding pagpapaliwanag sa ilang piling tula na kumakatawan sa kalagayang panlipunan ng bansa sa panahong isinulat ang mga ito. Nakatuon ang ikalawang bahagi sa pagtalakay sa pagtula sa Pilipinas mula panahon ng pagsasarili hanggang kasalukuyan. (para sa Senior High School)
2020-10-10
21 min
Panitikan at Pagsulat
SHS-Malikhaing Pagsulat: Kasaysayan ng Panulaan sa Pilipinas (Part 1)
Isang pagtatangkang matalakay ang kasaysayan ng pagtula sa Pilipinas. Mayroon ding pagpapaliwanag sa ilang piling tula na kumakatawan sa kalagayang panlipunan ng bansa sa panahong isinulat ang mga ito. Nakatuon ang unang bahagi sa pagtula noong panahong pre-kolonyal hanggang sa pagdating ng modernismo ni Alejandro Abadilla. (para sa Senior High School)
2020-10-10
24 min