Look for any podcast host, guest or anyone
Showing episodes and shows of

JEFFREY FOSTANES

Shows

Unang MilyonUnang MilyonPaano Palaguin ang Iyong Ipon?Bata pa lang tayo, tinuturuan na tayo ng mga magulang natin kung ano at paano ang pag-iipon. Hindi na bago ang konsepto ng pag-iipon o pag-iimpok sa atin dahil sigurado ako na halos lahat tayo ay nagawa na ito.    Ayon sa Investopedia.com, ang ipon ay tumutukoy sa perang natitira mula sa ating sweldo o income matapos ibawas ang halaga ng mga gastusin natin. Sa madaling sabi, ang pag-iipon ay ang proseso ng pagtatabi o pag-iimpok ng pera para sa mga hinaharap na pangangailangan.   #UnangMilyon #Ipon #Negosyo  For business...2021-07-1014 minUnang MilyonUnang MilyonMga Negosyong Patok sa Maliit na PuhunanGusto mo bang magnegosyo ngunit medyo kapos sa puhunan? O baka naman isa ka sa iilan na matagal nang nagpa-planong magnegosyo ngunit nagdadalawang-isip na mag-risk ng malaking capital? Maraming Pilipino ang nangangarap na makapagsimula nang sariling negosyo at mapabuti ang buhay. Ilang kilalang negosyante rin ang nagsimula sa maliliit na negosyo na nag-boom bunga ng pagod at pagsisikap. Subscribe to us in Youtube: https://www.youtube.com/channel/UCKRoesigjIKzbekfSsjRlDQ Follow us on Facebook: https://www.facebook.com/UnangMilyonPH --- This episode is sponsored by · Anchor: The e...2021-07-0516 minUnang MilyonUnang MilyonPaano Mag-Simula at Palaguin ang Iyong Sari-Sari Store?Tayo’y nasa ilalim ng quarantine ngayon, ano nga bang pinagkakaabalahan mo habang nasa loob ng iyong tahanan? Madalas bang ikaw ay ma-bored dahil sa kawalan ng mga bagay na dapat gawin? O baka naman ay apektado ang iyong trabaho ng pandemya kung kaya’t naging isang taong bahay ka? Nangangailangan ka ba ng pagkakakitaan habang nananatili sa bahay? O baka naman ay nahihirapan kang kumita ng pera upang tustusan ang pangangailangan ng pamilya mo? May naitabi ka bang ipon at hindi mo alam kung saan iiinvest? O baka naman gusto mong palaguin ang pera mo sa pinakamadaling paraan? 2021-07-0114 minUnang MilyonUnang MilyonPaano Ka Kikita sa Ginto?Naghahanap ka ba ng bagong investment? Alam mo ba na ang pag-iinvest sa gold ay isa sa pinakasiguradong paraan kung saan maaari mong ma-secure ang iyong pera at kikita ka pa? Binansagan ng Forbes ang 2021 bilang Year of Gold dahil inaasahang aakyat pa ang value ng gold sa $2700 per ounce mula sa $1910, noong 2020. Kung ikukumpara sa pisikal na pera, ang gold ay isang currency na kilala na ang value simula pa noong sinaunang panahon. Napakaraming paraan kung papaano ka kikita sa ginto tulad ng: 1. Pagbili ng gold bullion gaya ng gold bars or gold coins2021-06-2913 minUnang MilyonUnang MilyonSide Hustles para sa mga Minimum Wage EarnerHindi ba sapat ang kinikita mo sa iyong trabaho para sa mga bayarin sa inyong tahanan? O baka naman gusto mo lang talagang magkaroon ng extra income upang may maipandagdag ka sa iyong ipon? Kung isa kang minimum wage earner, magandang ideya ang pagkakaroon ng side hustle. Bukod sa magkakaroon ka ng another source of income ay maiimprove mo rin ang sarili mo sa iba’t-ibang aspeto. ‘Di tulad ng karaniwang pangunahing trabaho ng mga Pilipino kung saan napipilitan silang isakripisyo ang kanilang dream job para sa mas praktikal na trabaho; sa mga side hustle, maaari mong maga...2021-06-2314 minUnang MilyonUnang MilyonPaano Maka-Ipon ng 50k Kahit Minimum ang SweldoMagkano ang laman ng savings account mo? Natatandaan mo pa ba kung kailan ka huling naglaan ng pera para mag-ipon? Kung hindi na, marahil ay panahon na para simulan mong gawin 'to. Ayon sa datos ng Philippine Statistics Authority (PSA) at base sa resulta ng Family Income and Expenditure Survey (FIES) noong 2018, ang isang pamilyang Pilipino ay tinatayang dapat nakakapag-ipon ng PhP 75 thousand sa loob ng isang taon. Kung kinokonsidera ang inflation at ang lugar kung saan naninirahan ang isang pamilya, tinatayang nasa Php 221 thousand ang average na kita ng isang pamilyang Pilipino sa isang taon at...2021-06-2114 minUnang MilyonUnang Milyon10 SIGNS NA IKAW AY NASA MIDDLE CLASSMadalas tayong nagpopokus sa mga mahihirap at mayayaman kaya’t nakakalimutan nating pagtuunan rin ng pansin ang mga nasa middle class. Ayon sa Family Income and Expenditure Survey (FIES) ng PSA ay tatlo sa bawat limang pamilyang Pilipino ang napapabilang sa middle class kung ibabase ito sa buwanang sahod. Marahil ang iba sa inyo ay nais mapabilang dito, ang iba naman ay marerealize na kasalukuyan pala silang nasa middle class, habang ang maliit na porsyento naman sa inyo ay dumaan na rito at parte na ito ng inyong buhay na ayaw niyo nang balikan. Alin ka kaya ri...2021-06-1916 minUnang MilyonUnang Milyon10 DAHILAN KUNG BAKIT DAPAT KANG MAG-INVEST SA CRYPTOIlang tao na ba ang yumaman dahil sa pag-iinvest sa cryto? Isa? Dalawa? Tatlo? Hindi, napakarami na. Katunayan, ayon sa cryptocurrency data-tracking firm BitInfoCharts ay tinatayang nasa 100,000 na tao na ang mayroong at least $1 million nang dahil lamang sa pag-iinvest sa Bitcoin. Ang Bitcoin, o ang pinakakilalang crypto, ay unang naging popular sa Pilipinas noong taong 2017. Ngunit bukod rito ay marami pang ibang cryptocurrencies tulad ng Ethereum, XRP, Cardano, Litecoin, at marami pang iba na maaaring magbigay ng napakalaking opportunities pagdating sa pagpapalago ng pera. Hanggang ngayon ay patuloy pang dumarami ang mga Pinoy na pumapasok rito...2021-06-1712 minUnang MilyonUnang MilyonBakit Hirap Maka-Ipon ang mga Pinoy?Pamilya ang ating katuwang sa pagkamit ng ating mga pangarap sa buhay. Sila ang tumutulong saten para magkaroon ng maayos na buhay at sinisigurado nilang magiging maganda ang ating kinabukasan. Pero paanong ang pamilyang ito, matapos kang buuin at ilagay sa ayos, ay siya ding hihila sayo papunta sa kahirapan? --- This episode is sponsored by · Anchor: The easiest way to make a podcast. https://anchor.fm/app2021-06-1517 minUnang MilyonUnang Milyon10 Paraan para Maabot ang Iyong Unang MilyonMilyon-milyong Pilipino ang nangangarap na maging milyonaryo. Noon pa man, marami na ang tumataya sa lotto at umaasa na sa isang iglap ay mababago nito ang takbo ng kanilang buhay. Ngunit hindi lahat ay swerte sa mga ganitong pagkakataon; iilan lamang ang pinapalad na maging instant millionaire. Pero isipin man ng iba na nangangarap ka nang gising, ‘wag kang magpapaapekto dahil ang pagiging milyonaryo ay hindi imposible. Sabi nila, ang Unang Milyon ang pinakamahirap kitain kumpara sa mga susunod. Kailangan mo ng commitment, courage, at tamang mindset. Pero hindi lang iyon, kailangan mo ring matuto na mag-take ng...2021-06-1321 minUnang MilyonUnang MilyonWelcome to Unang Milyon!Unang Milyon Traier --- This episode is sponsored by · Anchor: The easiest way to make a podcast. https://anchor.fm/app2021-06-1201 min