podcast
details
.com
Print
Share
Look for any podcast host, guest or anyone
Search
Showing episodes and shows of
Kolorum Klasrum
Shows
Kolorum Klasrum
Bakit da best ang Paskong Pinoy?
Para sa Christmas special at season ender ng Kolorum Klasrum, pag-uusapan namin kung bakit nga ba walang katulad ang Paskong Pinoy. Usapang office xmas parties, mga natatanging handa sa noche buena, MMFF favorites, at iba pang masarap na gawin at pasyalan tuwing pasko sa Pinas. Kung nagustuhan niyo ang aming podcast, please follow and leave us a rating on Spotify. Puwede niyo rin kaming makita sa FB at sa Instagram --- hanapin lang ang @kolorumklasrum or send us an email at kolorumklasrum@gmail.com. Kami po ay pansamatalang magpapahinga muna at magbabalik sa lal...
2021-12-22
51 min
Kolorum Klasrum
Ano ang naituro sa'yo ng pagtuturo?
Dahil marami ang nagre-request --- heto na ang aming teacher episode. Pag-uusapan ang mga di malilimutang karanasan namin sa pagtuturo. Bakit nga ba madalas manganib ang buhay ng mga lolo't lola ng mga estudyante 'pag exam time? Bakit mas masarap ang maling-silog pag kinakain sa school cafeteria? At anong klaseng superpower nga ba ang naibibigay sa isang guro once nakatayo na siya sa harap ng klase? Follow us on Spotify or kung sa'n man kayo nakikinig ng inyong podcasts! Kung gusto niyo ring makisali sa aming weekly huntahan, hanapin lang ang @kolorumklasrum sa FB at...
2021-12-14
44 min
Kolorum Klasrum
Magaling ka bang magbigay ng regalo?
Pasko na, sinta ko. Nakahanap ka na ba ng regalo para sa mga minamahal mo? Ano ang pinakamalupit o masagwang regalo na natanggap mo? Nanghihingi ka rin ba ng kahit na piso lang sa taong nagbigay sa'yo ng sapatos? Nakaka-appreciate ka rin ba ng mga corporate give-aways? Nireregaluhan mo rin ba ang sarili mo?Follow us on Spotify or kung sa'n man kayo nakikinig ng inyong podcasts.Kung gusto niyo ring makisali sa aming weekly kuwentuhan, hanapin lang ang @kolorumklasrum sa Facebook at Instagram or send us an email at kolorumklasrum@gmail.com. Matsala!...
2021-12-08
37 min
Kolorum Klasrum
Mailbag: Saan nga ba puwedeng makakuha ng "motivation" sa pang araw-araw? (With Carol Tan-Chua)
Sa episode na ito, sasamahan tayo ng veteran TV producer, director, and more importantly, supermom na si Carol Tan-Chua sa isa na namang mailbag session. Naging bahagi si Carol ng mga hit TV shows kagaya ng Survivor Philippines, Asia's Next Top Model, Amazing Race Philippines, at siyempre pa, siya ang showrunner at be-all and end-all ni Jerome at ng dalawa nilang anak. Tutulungan natin si Demi (di niya tunay na pangalan) sa mga issue niya tungkol sa "motivation", ang pakiramdam ng pagiging "lost in her twenties", at ang pag-abot ng mga mangarap kahit na maaga kang na...
2021-12-01
47 min
Kolorum Klasrum
Ano ang nagbibigay sa'yo ng pag-asa? (With Atty. Alex Lacson)
Matagal ka na bang nawalan ng pag-asa? Sumuko ka na ba sa Pilipinas? Naghahanap ka ba ng makakapitan? Samahan niyo kaming mangarap at manalig muli para sa sarili at sa Pilipinas nating mahal kasama si Atty. Alex Lacson, bestselling author of "12 Little Things Every Filipino Can Do to Help Our Country." Follow us on Spotify or kung sa'n man kayo nakikinig ng inyong podcasts. Kung gusto niyo ring makisali sa aming weekly kuwentuhan, hanapin lang ang @kolorumklasrum sa Facebook at Instagram or send us an email at kolorumklasrum@gmail.com. Kitakits!--- Sen...
2021-11-24
49 min
Kolorum Klasrum
Kanino ka pinakana-"starstruck"?
Minsan, nabibigyan tayo ng pagkakataong makasalamuha ang ilan sa mga sikat na tao at personalidad ng ating panahon. Bakit nga ba super lakas ng dating ni "Bossing"? Anong klaseng "healing powers" ang mayroon si Lucy Torres- Gomez? At posible nga bang bumili ng screen protector si Kim Jong-un sa Greenhills? Huwag magpahuli! Follow us on Spotify or kung sa'n man kayo nakikinig ng inyong podcasts. Kung gusto niyo ring makisali sa aming weekly huntahan, hanapin lang ang @kolorumklasrum sa Facebook at Instagram or send us an email at kolorumklasrum@gmail.com...
2021-11-17
39 min
Kolorum Klasrum
Ano-anong unwritten social etiquette rules ang dapat mong sundin?
Nilbre si Jerome ng kaniyang kaibigan sa isang restaurant.Inorder ni Jerome ng pinakamahal na pagkain doon worth 6k (Para lang sa kaniya yun).Kung ikaw ang nanlibreng kaibigan ni Jerome, ano ang mararamdaman mo?a. Matinding pagnanais na sumabog at magsabi ng masasamang words.b. Mahahabag na lamang sa sarili dahil magdidildil na naman kayo ng asin ng iyong pamilya sa mga susunod na linggo.c. Masidhing pagnanais na mabawi ang nagastos mo kung kaya't mapapaisip kang isumbong siya kay Tulfo.Paano nga ba dapat umorder...
2021-11-10
38 min
Kolorum Klasrum
Ano ang 'best piece of advice' na natanggap mo? + Bonus Mailbag!
Susubukan naming sagutin ang tanong ng isa nating letter-sender tungkol sa pagsunod sa "passion" at mga realidad ng buhay. Pag-uusapan din natin ang ilan sa pinakatumatak na payo na ibinigay sa amin. Ikukuwento ni Jerome ang isang di-malilimutang heart-to-heart talk kasama ang kaniyang dating boss habang nagshoo-shoot sila sa isang disyerto sa Qatar. Ibabahagi naman ng HR expert na si Jimmy ang importansiya ng pagiging isang "obsolete" na lider. Si Rian naman, babalikan ang isang email exchange with a former teacher, na nagbigay sa kaniya ng isandaang porsiyentong kumpiyansa sa sarili. Kung...
2021-11-02
35 min
Kolorum Klasrum
Saan ka pinakatakot?
Pag-uusapan natin lahat ng mga nakakatakot na bagay na 'yan. Mga nakakikilabot na dagang-pusa, mga palakang dina-dissect sa biology lab, ang pagtanda nang nag-iisa, maging ang pagkakakulong nang wala ka naman talagang pagkakasala...at siyempre special guest si Kamatayan (sino pa ba?)! Welcome sa aming Halloween Special with a twist!--- Send in a voice message: https://anchor.fm/kolorum-klasrum/message
2021-10-27
38 min
Kolorum Klasrum
Fact or Fiction: May sense pang bumalik sa office pagkatapos ng pandemic na ito.
Talpakan na naman ng mga ideya at sentimiyento tungkol sa pagbabalik opisina ng ilan sa atin. That's it. That's the tweet. --- Send in a voice message: https://anchor.fm/kolorum-klasrum/message
2021-10-20
23 min
Kolorum Klasrum
Fact or Fiction: Masamang tumangging maging ninong/ninang.
Para sa episode na ito, ibibida natin ang KK Fact or Fiction. Dahil ilang kembot na lang at pasko na naman, pag-uusapan natin ang sikat na paniniwalang pinoy na ito upang matukoy kung ito nga ba ay mas nalilinya bilang "fact" or "fiction". Bakit nga ba masamang tumanggi sa imbitasyong mag-ninong/ninang? Kailan mo huling kinamusta ang iyong inaanak? Kapag binibigyan ka ba ng aguinaldo ng ninong/ninang mo tuwing pasko, ang sinasabi mo ay "kulang" at hindi "salamat po"? Ambabait ninyo, tenkyu! --- Send in a voice message: https://anchor.fm/kolo...
2021-10-13
28 min
Kolorum Klasrum
Saan ang iyong "Happy Place"?
Masayang kuwentuhan lang tungkol sa mga lugar at karanasan na nagbibigay sa atin ng ligayang walang katulad. :)Kung gusto niyo ring makisali sa aming weekly huntahan, hanapin lang ang @kolorumklasrum sa Facebook at Instagram or send us an email at kolorumklasrum@gmail.com. Takits!--- Send in a voice message: https://anchor.fm/kolorum-klasrum/message
2021-10-06
45 min
Kolorum Klasrum
Paanong nababago ng pera ang buhay mo?
Nag-feeling Francis Kong at Chinkee Tan kami sa episode na ito. Panay kaperahan ang pinag-usapan namin, mula sa mga unang naging sahod namin, mga novena sessions sa harap ng ATM, hanggang sa mga mumunting kaligayahan ng pag-upsize ng drink sa value meal. Bakit nga ba kape ang iniinom ni Jerome nung bata siya? Anong hiwaga ang mayroon sa Chowking Lauriat na kinain ni Rian halos dalawang dekada na ang nakararaan? Ilan lang yan sa mga ibabahagi naming kuwento sa pagtatrabaho sa makulay na mundo ng media. --- Send in a voice message: https://anchor.fm/kolorum-klasrum/mes...
2021-09-29
1h 04
Kolorum Klasrum
Mas okey ba kung lagi kang nauuna?
Uunahan na namin kayo. Tungkol ito sa iba't ibang pagtatangka nating makipag-unahan sa laro ng buhay. Bakit nga ba mas mainam na nauuna ka sa pila kapag may nilalakad kang papeles sa kahit na anong ahensiya ng gobyerno? Ramdam mo bang pinagpraktisan ka lang ng unang taong minahal mo? Kumusta na kaya yung mga nahuli sa biyahe sa "Final Destination"? Kung gusto niyo ring makisali sa aming weekly kuwentuhan, hanapin lang ang @kolorumklasrum sa Facebook at Instagram or send us an email at kolorumklasrum@gmail.com.--- Send in a voice message: https://anchor.fm/kolorum-klasrum/message
2021-09-22
40 min
Kolorum Klasrum
Ano-anong mga bagay ang nagsisilbing misteryo para sa’yo?
Nagbatuhan kami ng mga tanong na matagal nang bumabagabag sa amin kagaya ng “Paano ba ipinapasok ang mga display na kotse sa loob ng mall?”, “May driving school ba para sa mga LRT/MRT drivers?” at kung “Bakit hindi puwedeng magkatuluyan sina Beauty Gonzales at Paolo Contis?” (Joke lang! Clickbait lang ito!) Kung meron din kayong mga ganyang tanong or kung gusto niyo lang makisali sa aming weekly kuwentuhan, hanapin lang ang @kolorumklasrum sa Facebook at Instagram or send us an email at kolorumklasrum@gmail.com.--- Send in a voice message: https://anchor.fm/kolorum-klasrum/message
2021-09-15
57 min
Kolorum Klasrum
Ano-anong mga nauso ang sinakyan mo?
Team Zagu ka ba o Team Orbitz? Parte ka ba ng 1% ng population na di pa nakakapanood ng Game of Thrones? Buhay pa ba yung ipinundar mong air fryer? Nage-gets mo ba yung mga taong gumagamit ng salitang "Scoobs?" Maglagay ka na ng reminder sa Starbucks planner mong mint-condition pa rin hanggang ngayon para di mo makalimutang makinig sa amin. China oil! Kung hindi naku, awit! Flex din lang pala namin na nasa Fresh Finds na kami sa Spotify. O-ha! Char. Ang dami naming sinabi, orb! Sali na sa aming weekly kuwentuhan! Hanapin lang ang @kolorumk...
2021-09-08
1h 00
Kolorum Klasrum
Kailan mo naramdamang matanda ka na?
Sumasakit na rin ba ang mga kasukasuan mo? Mas trip mo na bang mag-wine kaysa mag-Red Horse or gin pomelo? Nabibigkas mo na rin ba ang mga katagang "eh, kako," "antimano," at "nung araw"?Kung "oo" ang sagot mo sa mga tanong na iyan, eh ano pa ang hinihintay mo? Mag-asawa ka na! Joke! Makinig ka na sa episode na ito!Sali na sa aming weekly kuwentuhan! Hanapin lang ang @kolorumklasrum sa Instagram at @kklasrum sa Twitter or send us an email at kolorumklasrum@gmail.com.--- Send in a voice message: https://anchor.f...
2021-09-01
49 min
Kolorum Klasrum
Love din bang maituturing ang "puppy love"?
Nabudol ka na rin ba ng mga tula ni Pablo Neruda? Naging spirit animal mo rin ba si Ogie Alcasid? Ano ang pinakanakadidiring bagay na nagawa mo para sa una mong pag-ibig? At kami na lang ba ang gumagamit ng salitang "puppy love"? Kilig na! Este, 'kinig na! Sali na sa aming weekly kuwentuhan! Hanapin lang ang @kolorumklasrum sa Instagram at @kklasrum sa Twitter or send us an email at kolorumklasrum@gmail.com.--- Send in a voice message: https://anchor.fm/kolorum-klasrum/message
2021-08-31
1h 06
Kolorum Klasrum
Excited ka pa bang manood ng PBA?
Magbabalik-tanaw tayo sa mga panahong sikat pa ang PBA --- mula sa miracle shot ni Rudy Distrito kontra Shell noong Game 7 ng 1991 PBA 1st Conference Finals, freethrow shooting form ni "Captain Lionheart" Alvin Patrimonio, at kung bakit masama ang loob namin kapag natatalo ang Ginebra noong dekada nobenta. Bakit di na masyadong nanonood ang mga Pinoy ng PBA? Ano nga ba ang puwede pang gawin ng liga para muling bumalik ang mga fans nito? PS: Shout-out pala kay Tata Jawo ng AHS! Miss ka na namin! Kung meron kayong mga tanong na gusto niyong talakayin namin, or...
2021-08-24
1h 08
Kolorum Klasrum
Obligado ka bang mag-reply sa bawat taong bumati sa'yo ng "happy birthday" sa Facebook?
Basehan nga ba ng tunay na pagkakaibigan ang yearly batian natin sa FB? Tamad lang ba ang mga bumabati ng "HBD"? Nakapag-congratulate ka na ba sa mga kaibigan mong naturukan na ng two doses of Pfizer? Nag-condolence ka na ba sa isang FB friend mo kahit di mo talaga alam kung sino ang namayapa na sa side niya? Kung meron kayong mga tanong na gusto niyong talakayin namin, or kung gusto ninyong makisali sa aming weekly kuwentuhan, hanapin lang ang @kolorumklasrum sa Instagram at @kklasrum sa Twitter or send us an email at kolorumklasrum@gmail.com. ...
2021-08-24
46 min
Kolorum Klasrum
Welcome to Kolorum Klasrum!
101 Questions For The Eternally Kurious!--- Send in a voice message: https://anchor.fm/kolorum-klasrum/message
2021-08-21
02 min