Look for any podcast host, guest or anyone
Showing episodes and shows of

Myla Joy Cunanan

Shows

Kape at KAPITULO (Tagalog Bible Reading)Kape at KAPITULO (Tagalog Bible Reading)Psalm 31 (Awit 31)Dalangin ng Pagtitiwala 31 Panginoon, sa inyo ako humihingi ng kalinga. Huwag nʼyong hayaang mapahiya ako. Iligtas nʼyo ako dahil matuwid kayo. 2 Pakinggan nʼyo ako at agad na iligtas. Kayo ang aking batong kanlungan, at pader na tanggulan para sa aking kaligtasan. 3 Dahil kayo ang bato na matibay na kong kanlungan, pangunahan nʼyo ako at patnubayan nang kayo ay aking maparangalan. 4 Ilayo nʼyo ako sa bitag ng aking mga kaaway, dahil kayo ang aking matibay na tanggulan. 5 Ipinauubaya ko sa...2021-07-2608 minKape at KAPITULO (Tagalog Bible Reading)Kape at KAPITULO (Tagalog Bible Reading)Psalm 30 (Awit 30)Dalangin ng Pagpapasalamat 30 Panginoon, pupurihin ko kayo, dahil iniligtas nʼyo ako. Hindi nʼyo pinayagang insultuhin ako ng aking mga kaaway. 2 Panginoon kong Dios, humingi ako ng tulong sa inyo, at pinagaling nʼyo ako. 3 Iniligtas nʼyo ako sa kamatayan. Hindi nʼyo niloob na akoʼy mamatay. 4 Umawit kayo ng mga papuri sa Panginoon, kayong mga tapat sa kanya. Papurihan ninyo ang kanyang banal na pangalan. 5 Dahil ang kanyang galit ay hindi nagtatagal, ngunit ang kanyang kabutihan ay mag...2021-06-0903 minKape at KAPITULO (Tagalog Bible Reading)Kape at KAPITULO (Tagalog Bible Reading)Psalm 29 (Awit 29)Ang Makapangyarihang Tinig ng Panginoon 29 Purihin ang Panginoon, kayong mga anak ng makapangyarihang Dios.[a] Purihin siya sa kanyang kadakilaan at kapangyarihan. 2 Papurihan ang Panginoon ng mga papuring nararapat sa kanyang pangalan. Sambahin ninyo siya sa kanyang banal na presensya. 3 Ang tinig ng Panginoong Dios na makapangyarihan ay dumadagundong na parang kulog sa ibabaw ng malalakas na alon ng karagatan. 4 Ang tinig ng Panginoon ay makapangyarihan at kagalang-galang. 5 Ang tinig ng Panginoon ay makakabali at makakapagpira-piraso ng pinakamatibay na mga puno ng sedro...2021-06-0602 minKape at KAPITULO (Tagalog Bible Reading)Kape at KAPITULO (Tagalog Bible Reading)Psalm 28 (Awit 28)Panalangin ng Paghingi ng Tulong 28 Tumatawag ako sa inyo, Panginoon, ang aking Bato na kanlungan. Dinggin nʼyo ang aking dalangin! Dahil kung hindi, matutulad ako sa mga patay na nasa libingan. 2 Pakinggan nʼyo ang aking pagsusumamo! Humingi ako sa inyo ng tulong, habang itinataas ang aking mga kamay sa harap ng inyong banal na templo. 3 Huwag nʼyo akong parusahan kasama ng masasama. Nagkukunwari silang mga kaibigan, pero ang plano palaʼy pawang kasamaan. 4 Gantihan nʼyo sila ayon sa kanilang mga gawa...2021-06-0502 minKape at KAPITULO (Tagalog Bible Reading)Kape at KAPITULO (Tagalog Bible Reading)Psalm 27 (Awit 27)Panalangin ng Pagtitiwala 27 Ang Panginoon ang aking ilaw at Tagapagligtas. Sino ang aking katatakutan? Siya ang nagtatanggol sa akin kaya wala akong dapat katakutan. 2 Kapag sinasalakay ako ng masasamang tao o ng aking mga kaaway upang patayin, sila ang nabubuwal at natatalo! 3 Kahit mapaligiran ako ng maraming kawal, hindi ako matatakot. Kahit salakayin nila ako, magtitiwala ako sa Dios. 4 Isang bagay ang hinihiling ko sa Panginoon, ito ang tanging ninanais ko: na akoʼy manirahan sa kanyang templo habang akoʼy nabubuhay, up...2021-06-0404 minKape at KAPITULO (Tagalog Bible Reading)Kape at KAPITULO (Tagalog Bible Reading)Psalm 26 (Awit 26)Ang Panalangin ng Taong Matuwid 26 Patunayan nʼyo, Panginoon, na akoʼy walang kasalanan, dahil akoʼy namumuhay nang matuwid, at nagtitiwala sa inyo ng walang pag-aalinlangan. 2 Siyasatin at subukin nʼyo ako, Panginoon. Suriin nʼyo ang aking pusoʼt isipan, 3 dahil lagi kong naaalala ang inyong pagmamahal, at namumuhay ako na pinanghahawakan ang inyong katapatan. 4 Hindi ako sumasama sa mga taong sinungaling at mapagpanggap. 5 Kinaiinisan ko ang mga pagsasama-sama ng masasamang tao, at hindi ako nakikisama sa kanila. 6-7 Naghuh...2021-06-0402 minKape at KAPITULO (Tagalog Bible Reading)Kape at KAPITULO (Tagalog Bible Reading)Psalm 25 (Awit 25)Dalangin para Ingatan at Patnubayan 25 1-2 Panginoon kong Dios, sa inyo ako nananalangin at nagtitiwala. Huwag nʼyo pong hayaan na mapahiya ako at pagtawanan ng aking mga kaaway dahil sa aking pagkatalo. 3 Ang sinumang nagtitiwala sa inyo ay hindi malalagay sa kahihiyan, ngunit mapapahiya ang mga traydor. 4 Ituro nʼyo sa akin, Panginoon, ang tamang pamamaraan, ang tuwid na daan na dapat kong lakaran. 5 Turuan nʼyo akong mamuhay ayon sa katotohanan, dahil kayo ang Dios na aking tagapagligtas. Kayo ang lag...2021-05-2504 minKape at KAPITULO (Tagalog Bible Reading)Kape at KAPITULO (Tagalog Bible Reading)Psalm 24 ( Awit 24)Ang Dios ang Dakilang Hari 24 Ang buong mundo at ang lahat ng naririto ay pag-aari ng Panginoon. 2 Itinayo niya ang pundasyon ng mundo sa kailaliman ng dagat. 3 Sino ang karapat-dapat umakyat sa bundok ng Panginoon? At sino ang maaaring tumungtong sa kanyang banal na templo? 4 Makatutungtong ang may matuwid na pamumuhay at malinis na puso, ang hindi sumasamba sa mga dios-diosan, at ang hindi sumusumpa ng kasinungalingan. 5 Pagpapalain siya at ipapawalang-sala ng Panginoon, ang Dios na kanyang Tagapagligtas. 6 Iyan ang mga taong makakalapit...2021-05-2402 minKape at KAPITULO (Tagalog Bible Reading)Kape at KAPITULO (Tagalog Bible Reading)Psalm 23 (Awit 23)Ang Panginoon ay Tulad ng Isang Pastol 23 Ang Panginoon ang aking pastol, hindi ako magkukulang ng anuman. 2 Tulad ng tupa, pinagpapahinga niya ako sa masaganang damuhan, patungo sa tahimik na batisan akoʼy kanyang inaakay. 3 Panibagong kalakasan akoʼy kanyang binibigyan. Pinapatnubayan niya ako sa tamang daan, upang siyaʼy aking maparangalan. 4 Kahit dumaan ako sa pinakamadilim na libis, hindi ako matatakot dahil kayo ay aking kasama. Ang dala nʼyong pamalo[a] ang sa akin ay nag-iingat; ang inyo namang tungkod ang...2021-05-2302 minKape at KAPITULO (Tagalog Bible Reading)Kape at KAPITULO (Tagalog Bible Reading)Psalm 22 (Awit 22)Panawagan sa Diyos para Tulungan --- Send in a voice message: https://anchor.fm/kape-at-kapitulo/message2021-05-2206 minKape at KAPITULO (Tagalog Bible Reading)Kape at KAPITULO (Tagalog Bible Reading)Psalm 20 (Awit 20)Dalangin para Magtagumpay ang Kaibigan 20 Sa oras ng kaguluhan, pakinggan sana ng Panginoon ang iyong mga daing.     At sanaʼy ingatan ka ng Dios ni Jacob. 2 Sanaʼy tulungan ka niya mula sa kanyang templo roon sa Zion. 3 Sanaʼy tanggapin niya ang iyong mga handog,     pati na ang iyong mga haing sinusunog. 4 Sanaʼy ibigay niya ang iyong kahilingan,     at ang iyong mga binabalak ay magtagumpay. 5 Sa pagtatagumpay mo kami ay sisigaw sa kagalakan,     at magdiriwang na nagpupuri sa ating Dios.     Ibigay nawa ng Panginoon ang lahat mong kahilingan. 6 Ngayon ay alam kong ang Dios ang nagbibigay ng tagumpay sa haring kanyang hinirang,     at...2021-05-2007 minKape at KAPITULO (Tagalog Bible Reading)Kape at KAPITULO (Tagalog Bible Reading)Psalm 19 (Awit 19)Ang Kadakilaan ng Salita ng Dios 19 Ipinapakita ng kalangitan ang kadakilaan ng Dios, ang gawa ng kanyang kamay. 2 Araw at gabi, ang kalangitan ay parang nagsasabi tungkol sa kanyang kapangyarihan. 3 Kahit na walang salita o tinig kang maririnig, 4 ang kanilang mensahe ay napapakinggan pa rin sa buong daigdig. Iginawa ng Dios ang araw ng tirahan sa kalangitan. 5 Tuwing umagaʼy sumisikat ang araw, na parang lalaking bagong kasal na lumalabas sa bahay nila nang may galak. O katulad din ng isang manlalarong kampeon s...2021-05-2004 minKape at KAPITULO (Tagalog Bible Reading)Kape at KAPITULO (Tagalog Bible Reading)Psalm 18 (Awit 18)Awit ng Tagumpay ni David --- Send in a voice message: https://anchor.fm/kape-at-kapitulo/message2021-05-1808 minKape at KAPITULO (Tagalog Bible Reading)Kape at KAPITULO (Tagalog Bible Reading)Psalm 17 ( Awit 17)Ang Dalangin ng Taong Matuwid 17 O Panginoon, pakinggan nʼyo ang taimtim kong dalangin. Dinggin nʼyo po ang hiling kong katarungan. 2 Alam nʼyo kung sino ang gumagawa ng matuwid, kaya sabihin nʼyo na wala akong kasalanan. 3 Siniyasat nʼyo ang puso ko, at kahit sa gabiʼy sinusubukan nʼyo ako, ngunit wala kayong nakitang anumang kasalanan sa akin. Napagpasyahan ko na hindi ako magsasalita ng masama 4 gaya ng ginagawa ng iba. Dahil sa inyong mga salita, iniiwasan ko ang paggawa ng masa...2021-05-1703 minKape at KAPITULO (Tagalog Bible Reading)Kape at KAPITULO (Tagalog Bible Reading)Psalm 16 (Awit 16)Panalangin ng Pagtitiwala sa Dios 1 O Dios, ingatan nʼyo po ako, dahil sa inyo ako nanganganlong. 2 Kayo ang aking Panginoon. Lahat ng kabutihang nakamtan ko ay mula sa inyo. 3 Tungkol sa inyong mga taong banal na nasa lupain ng Israel, lubos ko silang kinalulugdan. 4 Ngunit ang mga sumusunod sa mga dios-diosan ay lalong mahihirapan. Hindi ako sasama sa paghahandog nila ng dugo sa kanilang mga dios-diosan, at ayaw kong banggitin man lang ang pangalan ng mga ito. 5 Panginoon, kayo ang lahat s...2021-05-1603 minKape at KAPITULO (Tagalog Bible Reading)Kape at KAPITULO (Tagalog Bible Reading)Psalm 15 (Awit 15)Ang Nais ng Dios sa mga Sumasamba sa Kanya 1 Panginoon, sino ang maaaring tumira sa inyong templo? Sino ang karapat-dapat na tumira sa inyong Banal na Bundok? 2 Sumagot ang Panginoon, “Ang taong namumuhay ng tama, walang kapintasan at taos-pusong nagsasabi ng katotohanan, 3 hindi naninirang puri, at hindi nagsasalita at gumagawa ng masama laban sa kanyang kapwa. 4 Itinatakwil ang mga taong sobrang sama, ngunit pinararangalan ang mga taong may takot sa Dios. Tinutupad ang kanyang ipinangako kahit na mahirap gawin. 5 Hindi na...2021-05-1502 minKape at KAPITULO (Tagalog Bible Reading)Kape at KAPITULO (Tagalog Bible Reading)Psalm 14 (Awit 14)Ang Kasamaan ng Tao 1 “Walang Dios!” Iyan ang sinasabi ng mga hangal sa kanilang sarili. Masasama sila at kasuklam-suklam ang kanilang mga gawa. Ni isa sa kanila ay walang gumagawa ng mabuti. 2 Mula sa langit, tinitingnan ng Panginoon ang lahat ng tao, kung may nakakaunawa ng katotohanan at naghahanap sa kanya. 3 Ngunit ang lahat ay naligaw ng landas at pare-parehong nabulok ang pagkatao. Wala kahit isa man ang gumagawa ng mabuti. 4 Kailan kaya matututo ang masasamang tao? Sinasamantala nila ang aking mga kababayan para...2021-05-1402 minKape at KAPITULO (Tagalog Bible Reading)Kape at KAPITULO (Tagalog Bible Reading)Psalm 13 (Awit 13)Panalangin para Tulungan 1 Panginoon, hanggang kailan nʼyo ako kalilimutan? Kalilimutan nʼyo ba ako habang buhay? Hanggang kailan ba kayo magtatago sa akin? 2 Hanggang kailan ko dadalhin itong mga pangamba ko? Ang aking mga araw ay punong-puno ng kalungkutan. Hanggang kailan ba ako matatalo ng aking mga kaaway? 3 Panginoon kong Dios, bigyan nʼyo ako ng pansin; sagutin nʼyo ang aking dalangin. Ibalik nʼyo ang ningning sa aking mga mata, upang hindi ako mamatay 4 at upang hindi masabi ng aking...2021-05-1302 minKape at KAPITULO (Tagalog Bible Reading)Kape at KAPITULO (Tagalog Bible Reading)Psalm 12 (Awit 12)Panalangin para Tulungan ng Dios 1 Panginoon, tulungan nʼyo po kami, dahil wala nang makadios, at wala na ring may paninindigan. 2 Nagsisinungaling sila sa kanilang kapwa. Nambobola sila para makapandaya ng iba. 3 Panginoon, patigilin nʼyo na sana ang mga mayayabang at mambobola. 4 Sinasabi nila, “Sa pamamagitan ng aming pananalita ay magtatagumpay kami. Sasabihin namin ang gusto naming sabihin, at walang sinumang makakapigil sa amin.” 5 Sinabi ng Panginoon, “Kikilos ako! Nakikita ko ang kaapihan ng mga dukha, at naririnig ko ang i...2021-05-1202 minKape at KAPITULO (Tagalog Bible Reading)Kape at KAPITULO (Tagalog Bible Reading)Psalm 11 (Awit 11)Pagtitiwala sa Panginoon 1 Nagtitiwala ako sa Panginoon na aking kanlungan. O tao, bakit ninyo sinasabi sa akin, “Tumakas ka papuntang kabundukan, at lumipad tulad ng ibon.[a] 2  Inihanda na ng mga masama ang kanilang mga pana, para panain nang palihim ang mga matuwid. 3 Ano ang magagawa ng mga matuwid kung ang batas na pundasyon ng bayan ay wala nang halaga?” 4 Ang Panginoon ay nasa kanyang templo; at nasa langit ang kanyang trono. Tinitingnan niya at sinisiyasat ang lahat ng tao. 5 Sinisiyasat niya...2021-05-1102 minKape at KAPITULO (Tagalog Bible Reading)Kape at KAPITULO (Tagalog Bible Reading)Psalm 10 ( Awit 100Di kailanman pinababayaan ng Diyos ang mga nagpapakupkop at nagpapasakop sa Kanya. Panalangin upang Tulungan 1 Panginoon, bakit parang kay layo nʼyo sa akin? Bakit sa panahon ng kaguluhan kayo ay nagtatago sa amin? 2 Ang dukha ay pinahihirapan ng masasama at mayayabang. Sanaʼy mangyari rin sa kanila ang kanilang masasamang plano. 3 Ipinagmamalaki nila ang kanilang masasamang kagustuhan. Pinupuri nila ang mga sakim, ngunit kinukutya ang Panginoon. 4 Dahil sa kahambugan ng mga taong masama, binabalewala nila ang Dios, at ay...2021-05-1103 minKape at KAPITULO (Tagalog Bible Reading)Kape at KAPITULO (Tagalog Bible Reading)Psalm 9 ( Awit 9 )Ang Makatarungang Paghatol ng Dios 9 Panginoon, buong puso kitang pasasalamatan. Ikukuwento ko ang lahat ng inyong ginawang kahanga-hanga. 2 Magpapakasaya ako dahil sa inyo, Kataas-taasang Dios. Aawit ako ng mga papuri para sa inyo. 3 Kapag nagpapakita kayo sa aking mga kaaway, natatakot sila: tumatakas sila, nadadapa, at sa inyong harapan silaʼy namamatay. 4 Nakaupo kayo sa inyong trono bilang matuwid na hukom. Noong hinatulan nʼyo ako, napatunayan nʼyong wala akong kasalanan. 5 Hinatulan nʼyo at nilipol ang mga bansang masasama, kaya hindi na s...2021-05-0604 minKape at KAPITULO (Tagalog Bible Reading)Kape at KAPITULO (Tagalog Bible Reading)Psalm 8 ( Awit 8)Ang Kadakilaan ng Dios ay Makikita sa Buong Sanlibutan 1 O Panginoon, aming Panginoon, ang kadakilaan ng inyong pangalan ay makikita sa buong mundo, at ipinakita nʼyo ang inyong kaluwalhatian hanggang sa kalangitan. 2 Kahit mga bata at sanggol ay nagpupuri sa inyo, kaya napapahiya at tumatahimik ang inyong mga kaaway. 3 Kapag tumitingala ako sa langit na inyong nilikha, at aking pinagmamasdan ang buwan at mga bituin sa kanilang kinalalagyan, 4 akoʼy nagtatanong, ano ba ang tao upang inyong alalahanin? Sino nga ba siya upang inyong kalingain? 5 Ginawa nʼyo kaming mababa ng kaunti sa mga anghel. Ngunit pinarangalan nʼyo kami na p...2021-05-0502 minKape at KAPITULO (Tagalog Bible Reading)Kape at KAPITULO (Tagalog Bible Reading)Psalm 7 (Awit 7)Palaging Tama ang Ginagawa ng Dios 1 Panginoon kong Dios, nanganganlong ako sa inyo. Iligtas nʼyo ako sa mga umuusig sa akin. 2 Baka patayin nila ako, katulad ng pagluray ng leon sa kanyang mga biktima, kung walang magliligtas sa akin. 3 Panginoon kong Dios, kung talagang ginawa ko ang mga kasalanang ito – 4 kung ginantihan ko nga ng masama ang ginawang mabuti ng aking kaibigan, o kung sinamsam ko ang mga ari-arian ng aking mga kaaway nang walang dahilan, 5 hayaan nʼyong usigin ako ng aking mga ka...2021-05-0403 minKape at KAPITULO (Tagalog Bible Reading)Kape at KAPITULO (Tagalog Bible Reading)Psalm 6 (Awit 6)Panalangin para Tulungan ng Dios 1 O Panginoon, huwag nʼyo akong parusahan kahit na kayo ay nagagalit sa akin. 2 Maawa po kayo sa akin at akoʼy pagalingin, dahil akoʼy nanghihina na. 3 O Panginoon, akoʼy labis na nababagabag. Kailan nʼyo po ako pagagalingin? 4 Dinggin nʼyo ako Panginoon at akoʼy palayain. Iligtas nʼyo ako sa kamatayan alang-alang sa pag-ibig nʼyo sa akin. 5 Dahil kung akoʼy patay na ay hindi na kita maaalala, sa lugar ng mga patay ay hindi n...2021-05-0402 minKape at KAPITULO (Tagalog Bible Reading)Kape at KAPITULO (Tagalog Bible Reading)Psalm 5 (Awit 5)Panalangin para Ingatan ng Panginoon 1 O Panginoon, pakinggan nʼyo po ang aking mga hinaing at iyak. 2 Pakinggan nʼyo ang paghingi ko ng tulong, O Dios ko at aking Hari, dahil sa inyo lamang ako lumalapit. 3 Sa umaga, O Panginoon naririnig nʼyo ang aking panalangin, habang sinasabi ko sa inyo ang aking mga kahilingan at hinihintay ko ang inyong kasagutan. 4 Kayo ay Dios na hindi natutuwa sa kasamaan, at hindi nʼyo tinatanggap ang taong namumuhay sa kasalanan. 5 Ang mga mapagmataas ay hindi makalalapit sa i...2021-04-3003 minKape at KAPITULO (Tagalog Bible Reading)Kape at KAPITULO (Tagalog Bible Reading)Psalm 4 (Awit 4)Panalangin sa Gabi 1 O Dios na aking Tagapagtanggol, sagutin nʼyo po ako kapag akoʼy tumatawag sa inyo. Hindi ba noon tinulungan nʼyo ako nang akoʼy nasa kagipitan? Kaya ngayon, maawa kayo sa akin at pakinggan ang dalangin ko. 2 Kayong mga kumakalaban sa akin, kailan kayo titigil sa inyong paninirang puri sa akin? Hanggang kailan ninyo iibigin ang mga bagay na walang kabuluhan at magpapatuloy sa kasinungalingan?[a] 3 Dapat ninyong malaman na ibinukod ng Panginoon ang mga banal para sa kanyang sarili. Kaya kung...2021-04-3002 minKape at KAPITULO (Tagalog Bible Reading)Kape at KAPITULO (Tagalog Bible Reading)Psalm 3 (Awit 3)(Awit 3) Panalangin sa Oras ng Panganib  1 Panginoon, kay dami kong kaaway; kay daming kumakalaban sa akin! 2 Sinasabi nilang hindi nʼyo raw ako ililigtas. 3 Ngunit kayo ang aking kalasag. Pinalalakas nʼyo ako at pinagtatagumpay sa aking mga kaaway. 4 Tumawag ako sa inyo Panginoon at sinagot nʼyo ako mula sa inyong banal[a] na bundok. 5 At dahil iniingatan nʼyo ako, nakakatulog ako at nagigising pa. 6 Hindi ako matatakot kahit ilang libo pang kaaway ang nakapalibot sa akin. 7 Pumarito kayo, Pang...2021-04-2801 minKape at KAPITULO (Tagalog Bible Reading)Kape at KAPITULO (Tagalog Bible Reading)Psalm 2 (Awit 2)Ang Haring Hinirang ng Panginoon 1 Bakit nagsipagtipon ang mga bansa sa pagpaplano ng masama? Bakit sila nagpaplano ng wala namang patutunguhan? 2 Ang mga hari at mga pinuno sa mundo ay nagsama-sama, at nagsipaghanda sa pakikipaglaban sa Panginoon, at sa hari na kanyang hinirang. 3 Sinabi nila, “Huwag tayong pasakop o sumunod man sa kanilang pamamahala!” 4 Ngunit siyang nakaupo sa kanyang trono sa langit ay natatawa lang, at kumukutya sa kanila. 5 Sa galit ng Dios, silaʼy binigyang babala, at sa tindi ng kanyang poot silaʼ...2021-04-2702 minKape at KAPITULO (Tagalog Bible Reading)Kape at KAPITULO (Tagalog Bible Reading)Kape at Kapitulo-The TrailerHi friends! Welcome to our virtual tambayan, coffee and Bible lovers! I'm Myla and join me as I read God's Scriptures to start your day with Him. 2021-04-2700 minKape at KAPITULO (Tagalog Bible Reading)Kape at KAPITULO (Tagalog Bible Reading)Psalm 1 (Awit 1)Mapalad ang Taong Matuwid 1 Mapalad ang taong hindi namumuhay ayon sa payo ng masasama, o sumusunod sa mali nilang halimbawa, at hindi nakikisama sa mgataong nangungutya. 2 Sa halip ay nagagalak siyang sumunod sa mga aral na mula sa Panginoon, at araw-gabi ito ay kanyang pinagbubulay-bulayan. 3 Ang katulad niyaʼy isang punongkahoy na itinanim sa tabi ng sapa, na namumunga sa takdang panahon at hindi nalalanta ang mga dahon. Magtatagumpay siya sa anumang kanyang ginagawa. 4 Ngunit iba ang mga taong masama; silaʼy parang ipa na...2021-04-2601 minKape at KAPITULO (Tagalog Bible Reading)Kape at KAPITULO (Tagalog Bible Reading)Psalm 77 (Awit 77)Kaaliwan sa Panahon ng Bagabag Awit na katha ni Asaf upang awitin ng Mang-aawit na si Jeduthun.2021-04-2603 min