podcast
details
.com
Print
Share
Look for any podcast host, guest or anyone
Search
Showing episodes and shows of
PhilJobNet
Shows
Buhay at Hanapbuhay
Episode 82 | Tatlong paraan upang umangat ang Estado sa Trabaho
Ang iyong pag-angat sa estado ng pamumuhay ay hindi lamang inaasa sa swerte. Kinakailangan na mayroon kang ginagawang mga hakbang upang marating ang mas mataas na kalagayan sa iyong hanapbuhay. Tingnan din kung ano ano ba ang mga kakayahan na kinakailangan upang maging isang epektibong 'Copywriter'. Suriin natin ang iba't ibang kakayahan na kailangan paghandaan sa trabahong ito. Quote for the Week: "Books are uniquely portable magic." Talakayin natin ang mga ito sa episode na ito: 00:36 Tatlong paraan upang umangat ang estado sa Trabaho 03:41 Mga Tips para sa gusto maging Copywriter 07:25 Quote for the Week (Stephen King)
2018-11-09
08 min
Buhay at Hanapbuhay
Episode 81 | Maayos na pakikipag-usap sa mga Katrabaho
Ang pakikipag-usap sa mga kasama sa trabaho at mga kliyente ang isa sa pinakamahalagang bagay na hindi naituturo sa atin sa iskwelehan. Sapat na nga ba ang iyong kaalaman upang masabing maayos ang iyong pakikitungo sa mga katrabaho at mga kliyente ninyo? Ano nga ba ang trabaho ng isang Copywriter? Kung bago sa iyongpandinig ang trabahong ito, pakinggan ito upang malaman kung ano nga ba ang trabahong ito at kung bagay ba ito sa'yo. Ngayong Linggo, samahan niyo kami sa pagtalakay ng mga ito: Quote for the Week- "You can't have a million dollar dream with a minimum wage work...
2018-11-09
07 min
Buhay at Hanapbuhay
Episode 80 | Mga hakbang upang makasigurado sa paghahanap ng Trabaho
Hindi nagiging madali para sa ibang nakapagtapos ng pag-aaral ang paghahanap ng trabaho. May mga hakbang na dapat ginagawa upang maging mainam ang paghahanap ng trabaho. Sa ating ikalawang bahagi ng panayam sa isang Arkitekto, ibabahagi na niya ang mga katangian na kinakailangan upang maging matagumpay sa pag-aaral nito. Quote for the Week: "The speed of the boss is the speed of the team." 00:42 Mga hakbang upang makasigurado sa paghahanap ng Trabaho 05:51 Ikalawang bahagi ng panayam sa isang Arkitekto 16:02 Quote for the Week (Lea Iacocca)
2018-11-09
16 min
Buhay at Hanapbuhay
Episode 79 | Bakit kailangan ng Kusang-loob sa Trabaho
Ang pagkakaron ng kusang-loob sa ating trabaho ay laging magbubunga ng magandang bagay sa ating 'career'. Suriin natin kung bakit nga ba kailangan magkaroon nito lagi upang maging matagumpay tayo. Atin ng makakapanayam ang isang batang Arkitekto at kanyang ibabahagi sa atin kung ano ang kanyang pinagdaanan at kung ano ano ang mga 'skills' at kaalaman na kinakailangan upang maging katulad nila. Quote for the Week: "Take risks in your life. If you win, you may lead. If you lose, you may guide." Samahan niyo kami sa episode na ito: 00:51 Bakit mo kailangan ng 'Initiative' o Kusang-loob sa trabaho 08:04 Panayam...
2018-11-09
16 min
Buhay at Hanapbuhay
Episode 78 | Mga Dahilan kung bakit lumilipat ng trabaho
Hindi na bago ang makarinig tayo ng mga dating kasama sa trabaho na umalis bigla sa di malamang kadahilanan. Bakit nga ba umaalis ang mga tao sa kanilang mga trabaho? Siyasatin din natin ang mga magagandang dahilan kung bakit maigi ang propesyon ng pagiging Arkitekto. Quote for the Week: "Every line you draw, think of the beneficiaries and sufferers." Ito ang nilalaman ng episode na ito: 00:40 Mga Dahilan kung bakit lumilipat ng trabaho ang mga Empleyado 05:29 Dahilan kung bakit mainam ang pagiging Arkitekto 08:30 Quote for the Week (Felino Palafox Jr.)
2018-11-09
09 min
Buhay at Hanapbuhay
Episode 76 | Power Words para sa iyong Resume
Balikan natin ang ating mga resume at suriin natin kung tayo ba gumamit ng power words. Alamin kung ano ano ang maaring gamitin upang mapaganda at mapabilis ang paghahanap ng trabaho. Sa ikalawang bahagi ng ating panayam sa isang Chief Mechanic, ibabahagi niya ang mahahalagang kaalaman sa pagsisimula bilang mekaniko, limitasyon at iba pang mahahalagang dapat gawin upang tumagal sa ganitong uri ng trabaho. Quote for the Week: "There's no twilight zone of honesty in business. A thing is right or wrong. It's black or white." 00:33 'Power Words' para sa iyong Resume 03:12 Ikalawang Bahagi ng ating Panayam sa isang Chief...
2018-11-09
11 min
Buhay at Hanapbuhay
Episode 75 | Gusto mo ba mag-aral online ng LIBRE?
Libreng pag-aaral para sa dagdag kaalaman at 'skills' hatid sa inyo ng TESDA. Tingnan kung ano ano ang mga maari ninyong kunin na mga libreng kurso. Nakapanayam na din natin ang isang Chief Mechanic upang maibahagi niya ang kanyang kwento. Pakinggan natin kung paano siya nagsimula at kung ano ang kanyang payo sa mga nais din ng ganitong trabaho. Quote for the Week: "When you stop working. You start to die." 01:01 Para sa mga gusto mag-aral online ng LIBRE 06:53 Panayam sa isang Chief Mechanic 12:21 Quote for the Week (Ferucio Lamborghini)
2018-11-09
13 min
Buhay at Hanapbuhay
Episode 74 | Empowering your Employees to embrace Change in the Workplace
Kapag nagkaroon ng nalalapit na pagbabago o bagong proyektosa opisina, kadalasan ay nahihirapan ang mga kompanya isulong ito. Maaring ang kadahilanan ay dahil na rin mismo sa mga empleyadong ayaw tumanggap nito. Pag-usapan naman natin ang mga bagay na dapat ginagawa ng mga Mekaniko. Suriin mo mabuti kung nais mong pumasok sa larangang ito. Quote for the Week: "The major key for a better future is You." 00:44 Empowering your Employees to embrace Change in the Workplace 05:19 Ano ano ba ang dapat na ginagawa ng mga Mekaniko? 07:57 Quote for the Week (Jim Rohn)
2018-11-09
08 min
Buhay at Hanapbuhay
Episode 73 | Mga maaring gawin upang mabawasan ang labis na 'Stress' sa Trabaho
Normal ang 'stress' sa trabaho. Ngunit ang dapat iwasan ay ang labis na 'stress' lalo na kung ito ay hahantong sa ikasasama ng iyong kalusugan at kalagayan sa buhay. Suriin natin kung paano nga ba maging isang Mekaniko. Makakapanayam natin sa mga susunod na episode ang isang Chief Mechanic upang makapag bigay ng gabay kung paano maging matagumpay sa larangan na ito. Quote for the Week: "The challenge is not to manage time, but to manage ourselves." Pag-uusapan natin ang mga ito: 00:57 Mga maaring gawin upang mabawasan ang labis na 'Stress' sa Trabaho 07:43 Mga unang hakbang sa pagiging Mekaniko 11:56 Quote...
2018-11-09
12 min
Buhay at Hanapbuhay
Episode 72 | Paano tigilan ang paninisi sa sarili upang umunlad sa Trabaho
Ang unang hakbang sa pag-unlad sa trabaho ay ang pagtanggap sa sarili bilang isang tao na nangangailangan din ng tulong. Kung sa pagkakataon na ikaw ay nagkamali sa trabaho, hindi dapat panghinaan ng loob upang mas pagbutihin pa ang pagtatrabaho. Sa ikalawang bahagi ng ating panayam sa isang Graphic Artist, ibabahagi niya ang mga magandang panimulang skills na kailangan mong paghandaan upang maging isang ganap na digital artist. Quote for the Week: "If you get give. If you learn, teach." Talakayin natin ang mga sumusunod na mga bagay ngayon: 00:59 Paano tigilan ang paninisi sa sarili upang umunlad sa Trabaho 03:43 Huling...
2018-11-09
12 min
Buhay at Hanapbuhay
Episode 71 | Mga Paraan upang makabenta
Madalas kapag nahihirapan tayo makapagbenta ay naiisipan na kaagad natin magbitiw sa posisyon. Hindi dapat ganito ang disposisyon natin sa pag-iisip. Sa halip na sisihin ang sarili, kailangan ay tingnan pa ng mabuti kung ano ang maari mong pang gawin. Nakapanayam din natin ang isa na ngayong Graphic Designer na nagmula din sa Jobstart na programa ng gobyerno. Dito, ibabahagi niya kung paano siya nakapagsimula dito at kung bakit din niyo nagustuhan ang ganitong klaseng trabaho. Lahat 'yan ay pag-uusapan natin ngayon: 01:03 Mga paraan upang makabenta 04:46 Panayam sa isang Graphic Artist/Designer na nagmula sa Jobstart Program 09:21 Quote for the...
2018-11-08
09 min
Buhay at Hanapbuhay
Episode 70 | Ano ang gusto mo para sa buhay at hanapbuhay?
Naging tradisyon na sa ibang mga Pilipino ang makinig na lamang sa sinasabi ng mga magulang at kamag-anak kung anong kurso o trabaho ang kanilang dapat kunin kahit hindi naman nila napupusuan ito. Mas maigi ang magiging takbo ng iyong hanapbuhay kung ikaw mismo ang pumili ng iyong trabaho. Sa ikalawang bahagi ng ating special feature para sa trabahong ' Graphic Designer', alamin natin kung ano ano pa ang mga kinakailangang katangian upang maging matagumpay sa larangan na ito. "Work like there's someone working 24hours a day to take it all away from you." Samahan niyo kami sa ating usapan...
2018-11-08
08 min
Buhay at Hanapbuhay
Episode 69 | Para sa mga gusto ng pagbabago sa kasulukuyang Trabaho
Hindi tama na lagi na lamang nakokontento sa kalagayan sa trabaho kahit na hirap na hirap ka na. Kaya kung ikaw ay may nais na gawing pagbabago sa iyong kondisyon sa trabaho, siguro panahon na para gawin mo ang mga ito. Nakilala natin ang mga Graphic Designer dahil sa pag-usbong ng advertising sa internet. Sino nga ba sila at ano ano ang kailangan gawin upang maging isang Graphic Designer din. Quote for the Week: "Ako naniniwala ako sa palad natin. Yung paniniwala. At yung ginagawa. Yan ang swerte mo. Pero kung hinihintay mo lang ang swerte na yan. Well, mahirap...
2018-11-08
06 min
Buhay at Hanapbuhay
Episode 68 | Envelope Banking para sa mga Manggagawa
Kahit may trabaho na tayo ay mahirap pa din gawin na makapag ipon dahil napapa gastos na lang tayo bigla. Kaya naman gawin ito basta may disiplina. Subukan niyo ang Envelope Banking. Sa ikalawa at huling panayam natin sa isang Web Developer ay malalamannatin ang mga tamang hakbang upang lalong gumanda ang takbo ng 'career' kung pipiliin mo ang landas na ito. Quote for the Week: "We need diversity of thought in the world to face new challenges." Ito ang ating mga pag uusapan ngayon: 00:48 Envelope Banking para sa mga Manggagawa 03:42 Ikalawang bahagi ng panayam sa isang Web Developer 15:50 Quote...
2018-11-08
16 min
Buhay at Hanapbuhay
Episode 67 | Gawin mo ito bago mag simula ng bagong project sa opisina
Tuwing magkakaroon ng bagong project sa opisina ay hindi nawawala ang takot upang masimulan ito. Ano nga ba ang kinakailangan upang mas mapadali ito at makasigurado na hindi natin maiiwanan ang kasulukuyang trabaho? Nakausap din natin ang isang Web Developer na may mahigit ng 10 years experience at dito ay ibabahagi niya ang kaniyang kaalaman kung paano maging matagumpay sa larangan na ito: Quote for the Week: "You don't have to be young to learn technology, you have to feel young." Ito ang ating mga tatalakayin ngayon: 00:39 Mga Kinakailangan bago simulan ang bagong 'Project' sa Trabaho 02:18 Unang Bahagi ng Panayam sa...
2018-11-08
13 min
Buhay at Hanapbuhay
Episode 66 | Tatlong Bagay na maaring gawin kapag may Job Opportunity
Dapat maging positibo lagi kapag may dumarating na Job Opportunity. Huwag hayaan na pangunahan ng takot upang hindi masayang ang oportunidad. Narito ang mga gabay upang maging handa ka sa susunod na dumating ulit ang isang opportunity para sa'yo. Pagkatapos natin pag usapan ang responsibildad ng mga Front End Developers, tingnan naman natin kung ano ano ang mga responsibilidad ng isang Back End Developer. Hindi na bago sa atin lahat ang kahalagahan ng websites kaya naman lalong nagiging mahalaga ang pagkakaron ng ganitong uri ng mga eksperto. "Success is no accident. It is hard work, perseverance, learning, studying, sacrifice and...
2018-11-08
06 min
Buhay at Hanapbuhay
Episode 65 | Para sa mga gusto maging HTML Developer
Ang pagiging matagumpay sa kahit anong larangan ng trabaho ay nangangailangan ng maayos na experience. Makakakuha ka din nito sa mabilis na pamamaraan sa pamamagitan ng pangongopya ng mga tamang modelo. Sa larangan naman ng IT, tingnan natin ang isa sa pinaka mahalagang aspeto ng trabaho nila- ang mga Web Developer. Alamin natin kung ano ano nga ba ang mga tungkulin at kung paano din nga ba masasabing handa ka na maging isang katulad nila. "There's no such thing as overnight success or easy money. If you fail, do not be discouraged; try again. When you do well, do not...
2018-11-08
09 min
Buhay at Hanapbuhay
Episode 64 | Payo para sa mga nagtratrabaho bilang Merchandisers
Hindi na bago sa atin ang mga Merchandisers. Kalimitan natin silang nakakausap bago tayo bumili ng mga damit at gamit. Kung ikaw ay nagtratrabaho bilang isang Merchandiser, pakinggan ang ating mahahalagang paalala upang mas mapabuti pa ang iyong pagsasagawa ng trabahong ito. Sa ikalawang bahagi ng ating panayam kay Chef Joseph ay ibabahagi na niya ang mahahalagang kaugalian at katangian na dapat sikapin magkaroon upang maging isang ganap na Chef. Quote for the Week: "I've had a lot of success. I've had failures. So I learned from the failures." Ito ang nilalaman ng ating episode na ito: 00:42 Payo para sa...
2018-11-08
18 min
Buhay at Hanapbuhay
Episode 63 | Apat na hakbang upang umangat sa Trabaho
Ang pag angat sa trabaho ay hindi lamang inaasa sa tadhana. Ito ay pinag hahandaan at pinagsisikapan ng kahit sino man. May mga hakbang na dapat sundan kung gusto mo din tumaas ang antas ng uri ng iyong trabaho at responsibilidad. Sa ating panayam sa isang ganap na Chef ay mapapakinggan natin ang unang bahagi ng kaniyang mga payo kung nais mo din maging isang culinar Chef balang araw. Quote for the Week- "It is our duty to give meaning to the life of future generations by sharing our knowledge and experience; by teaching an appreciation of work well done...
2018-11-08
13 min
Buhay at Hanapbuhay
Episode 62 | Telephone Skills that Employees should have
Kahit hindi kasama sa 'job description' ang pagsagot ng telepono sa opisina, kailangan alam natin ang tamang pamamaraan sa pagsagot nito. Nakakalimutan ng iba ang kahalagahan nito. Tingnan natin kung ano ano nga ba ang mga tamang pamamaraan sa pagsagot ng telepono sa opisina. Pakinggan din natin ang mga katangian na mayroon dapat ang isang culinary Chef. Maaring wala ka pa nito pero natututunan din naman ang karamihan na mga ito. Quote for the Week- "The future is coming so fast. We can't possibly predict it. We can only learn to respond quickly. " Ito ang nilalaman ng ating episode ngayon: 01:01...
2018-11-05
08 min
Buhay at Hanapbuhay
Episode 61 | Paano ba maging Culinar Chef?
Ang isang kumpanya ay hindi magtagtagal kung wala itong Recruiter na patuloy na maghahanap ng empleyado upang maipagpatuloy ang operasyon nito. Alamin natin kung ano ano pa ba ang naitutulong ng magagaling na mga Recruiter. Mahilig ka ba magluto ng pagkain at naisip mo din na maging isang Chef? Sa unang bahagi ng ating episodes tungkol sa pagiging Chef, tingnan muna natin unang hakbang kung paano makakapagsimula sa larangan na ito. Quote for the Week (David Beckham) "Don't be like most people. Most people give up on their dreams. To most people losing is acceptable." Ito ang nilalaman ng ating...
2018-11-05
08 min
Buhay at Hanapbuhay
Episode 60 | Mataas na sweldo lang ba ang batayan sa pagpili ng trabaho
Napapaisip ka ba lumipat ng trabaho? May mga karagdagang kadahilanan na dapat tingnan kung ikaw lilipat ng trabaho. Higit sa sweldo, may lima pang mga bagay na dapat tinitingnan upang masabi nating tama ang ating desisyon kunin ang trabahong ito. Sa huling bahagi ng ating panayam sa isang Recruiter ay malalaman natin kung ano ano nga ba ang mga bagay na kinakailangan upang maging Recruiter. Kailangan ba na maging isang Liberal Arts graduate? Ano ano din nga ba ang mga kinakailangang soft at hard skills ng isang Recruiter? Quote for the Week: "Just don't give up trying to do what...
2018-11-05
20 min
Buhay at Hanapbuhay
Episode 59 | Mga paalala sa mga gustong lumipat ng Trabaho
Dumadating tayo lahat sa punto na kailangan ng lumipat ng trabaho. Nguni't bago ka tuluyang umalis sa iyong kasulukuyang trabaho, balikan mo muna ang ilang mahalagang paalalang ito. Sa unang bahagi ng ating Panayam sa isang Recruiter, malalaman natin kung paano sila nakapag simula sa trabahong ito at kung ano ano ba ang mga karaniwang trabaho na kanilang ginagawa. "Don't be afraid to give up the good, for the great." - J.D. Rockefeller Ito ang mga nilalaman ng episode ngayon: 00:37 Mga paalala sa mga gustong lumipat ng Trabaho 04:01 Unang bahagi ng panayam sa isang Recruiter 22:17 Quote for the Week
2018-11-05
22 min
Buhay at Hanapbuhay
Episode 58 | Bakit mahalaga ang Training para sa mga empleyado?
Sa pagsasagawa ng training para sa mga Empleyado, kinakailangan na maayos at malinaw ang pananaw ng Employers upang mas maging makabuluhan ang pagpapatuloy nito. Alamin kung ano ano ba ang mga mahahalagang bagay na dapat gawin ng isang Employer upang maging epektibo ang kanilang Training programs. Sa pagpapatuloy ng ating gabay para sa career sa Recruitment, tingnan natin ang mga mga katangian ng isang mahusay na Recruiter. Ito ang mga nilalaman ng episode ngayon: 00:38 Bakit mahalaga ang training para sa mga empleyado 05:12 Ano ano ang mga katangian ng isang mahusay na Recruiter 11:21 Quote for the Week (Lebron James)
2018-11-05
11 min
Buhay at Hanapbuhay
Episode 57 | Paano mapapanatili ang magandang trabaho sa kumpanya
Bilang isang Boss or Employer, hindi madali ang magkaron ng produktibong opisina na kung saan ay lahat ng Empleyado ay patuloy na ginagawa ang trabaho na higit pa sa kanilang kakayahan. Tingnan natin kung ano ano ba ang gawin upang maibsan ang magandang daloy ng trabaho sa opisina. Kung nais mong malaman kung maari ka bang maging isang Recruiter, pakinggan ang unang bahagi ng ating special episode na ito na kung saan ay ipapakita natin ang tamang landas upang magkaron ng career sa Recruitment. Ito ang nilalaman ng ating episode ngayon: 00:40 Paano mapapanatili ang magandang trabaho sa Kumpanya 03:32 Panimulang gabay...
2018-10-11
07 min
Buhay at Hanapbuhay
Episode 56 | Ang kahalagahan ng Telemarketing sa Negosyo
Isa sa pinaka epektibong pamamaraan ng pagbebenta ay ang Telemarketing. Maaring hindi na bago ito pero hindi maikakaila ang pagiging praktikal nito para sa isang kompanya. Kilatisin din natin ang mga magagandang katangian ng isang epektibong Telemarketer. Sa ikalawang bahagi ng ating panayam sa propesyon ng pagiging isang Social Media Marketer ay malalaman natin kung ano ang kailangan gawin para makapasok at magtagumpay sa ganitong uri ng trabaho. Pag-usapan natin ang mga ito sa episode ngayon: 00:43 Bakit kailangang kumuha ng Telemarketers sa isang Negosyo 02:43 Ikalawang Bahagi ng Panayam sa isang Social Media Marketer 17:27 Quote for the Week (Drew Gilpin Faust)
2018-10-11
18 min
Buhay at Hanapbuhay
Episode 55 | Paano maging isang Customer Service Representative
Kung nais mong subukan ang mag trabaho bilang Customer Service Representative, kinakailangan mo ang tamang ‘skill set’ tulad ng kakayahan sa paglutas ng problema, tamang pakikinig at iba pa. Sa unang bahagi ng ating panayam sa isang Social Media Marketer ay makakakuha tayo ng impormasyon kung ano mga ang kaakibat ng propesyon na ito. Sa episode na ito: 00:48 Paano maging isang Customer Service Representative 02:20 Unang Bahagi ng Panayam sa isang Social Media Marketer 15:13 Quote for the Week (Emma Watson)
2018-10-11
16 min
Buhay at Hanapbuhay
Episode 54 | Bakit nga ba mahalaga na ang 21st Century Skills?
Narinig mo na ba ang 21st Century Skills? Sa panahon ngayon, hindi sapat na alam mo lang kung paano gawin ang iyong trabaho. May mga bagay tulad ng tamang pakikisama sa katrabaho at ‘creative thinking’ na kinakailangan upang mas maging maigi ang ating buhay sa opisina. Alamin naman natin ang pagkakaiba ng Social Media Marketing at Traditional Marketing. Saang aspeto ba nagiging magkaiba ang dalawa upang mas malinawan kayo kung para sa inyo nga ba ito. Ating pag-usapan ito sa episode ngayon: 00:40 Bakit mahalaga ang 21st Century Skills 04:13 Ano ang kaibahan ng Social Media Marketing at Traditional Marketing 10:20 Quote for the...
2018-10-11
10 min
Buhay at Hanapbuhay
Episode 53 | Mga Katangian na hanap ng Employers
Higit sa work experience at kakayahan mo, may mga iba pang bagay na tinitingan ang mga Employer tuwing ikaw ay mag aaply sa trabaho. Alamin kung ano ano ang mga ito. Nais mo bang makapag trabaho bilang Social Media Marketer? Sa itong special segment na ito ay sisimulan natin pag usapan ang mga kakayahan na dapat mong simulan na pag aralan upang makita mo kung maari ka ba sa trabahong ito. Pag-usapan ang mga ito sa episode ngayon: 00:38 Mga Katangian na hinahanap ng Employers 03:25 Ano ang ilang kailangang ‘skills’ kung gusto mong maging Social Media Marketer 06:10 Quote for the Week (Wins...
2018-10-11
06 min
Buhay at Hanapbuhay
Episode 52 | Paano mapapabilis ang paghahanap ng Trabaho
Kapag ang paghahanap mo ng trabaho ay natatagalan, mahalagang balikan mo ang mga mahahalagang bagay tulad ng paghahanda sa Interview, isip, pagsasaliksik at iba pa. Nabigyan din tayo ng pagkakataon makapanayam ang isang Career Coach tungkol sa kanyang propesyon at kung paano nga ba siya napunta sa ganitong larangan ng trabaho. Lahat ito ay tatalakayin natin sa episode na ito: 00:25 Paano mapapabilis ang paghahanap ng Trabaho 02:53 Panayam sa isang Career Coach 31:15 Quote for the Week (Benjamin Franklin)
2018-10-11
18 min
Buhay at Hanapbuhay
Episode 51 | Mga Bagay na hindi mo kailangan ilagay sa iyong Resume
Kung nakasanayan mo ng maglagay ng picture sa Resume, alam mo ba na hindi naman talaga kailangan nito? Alamin kung ano ano pa ang mga ibang bagay na hindi dapat inilalagay sa iyong Resume. May nakausap din tayo na isang Call Center agent at ibinahagi niya ang kanyang istorya kung paano nga ba siya nakapagtrabaho sa industriya na ito at kung ano ang bagay na nakakapag patagal sa kanya sa pagtratrabaho dito.Lahat ito sa episode ngayon:00:28 Mga hindi mo kailangan ilagay sa iyong Resume 03:07 Panayam sa isang Call Center Agent 11:29 Quote for the Week (Marcia Wieder)
2018-10-11
12 min
Buhay at Hanapbuhay
Episode 50 | Paano nga ba natin madaling matapos ang Trabaho?
Matapos ang ating trabaho sa opisina. Hindi naman kasi talaga nauubos ang trabaho. Nagpapatong patong pa nga ito kung ating pababayaan. Paano nga ba natin magagamapanan ng mas maayos ang ating responsibilidad sa opisina? Tayo’s nabigyan din ng pagkakataon makapanayam ang isang Sourcing & Testing HR Admin sa isang Manpwer Recruitment Company. Alamin natin kung ano ano nga ba ang kaniyang ginagawa sa trabaho at higit sa lahat ay kung ano ang kanyang pinagdaanan upang makakuha siya ng kanyang unang trabaho. Lahat ito sa episode ngayon: 00:33 Paano ba natin madaling matapos ang Trabaho? 04:50 Panayam sa isang HR Sourcing & Testing Admin 13:46 Qu...
2018-10-11
14 min
Buhay at Hanapbuhay
Episode 49 | Ano ang iyong kahinaan bilang Empleyado?
Isa sa pinakamahirap sagutin na interview question ang “What is your Weakness as an Employee?” Mapa experienced na jobseeker at baguhan ay minsan ay nagkakamali pa rin sa pagsagot nito. Alamin natin ang tamang paraan sa pagsagot sa interview question na ito. Nabigyan din tayo ng pagkakataon makapanayam ang isang baguhan pa lamang sa larangan ng Sales at Marketing. Ibinihagi niya ang ilang mahahalagang paraan upang mapunta sa larangan na ito at kung ano ano din nga ba ang kanyang mga ginawa upang malaman kung nababagay ba talaga siya sa trabahong ito. Ito ang nilalaman ng ating episode ngayon: 00:38 What is y...
2018-10-11
09 min
Buhay at Hanapbuhay
Episode 48 | Bakit kailangan ng kumpyansa sa sarili sa paghahanap ng trabaho
Kung ikaw ay isang jobseeker, hindi maikakaila ang kaba sa tuwing ikaw ay pupunta sa isang opisina para sa isang interview. Ngunit kung ikaw ay may kumpyansa sa sarili, ang takot na maaring hindi talaga nawawala kahit kanino man, ay laging magiging kakampi mo upang maging tagumpay sa paghahanap ng trabaho. Nakausap din natin ang isang bago pa lamang sa larangan ng Sales sa isang manpower company. Dito niya inilahad ang kanyang buhay bilang isang working student at nagbahagi din ng kanyang pananaw kung paano magiging matatag upang malamapasan at makita ang tamang trabaho para sa’yo. Ito ang pag-uusapan na...
2018-10-11
18 min
Buhay at Hanapbuhay
Episode 47 | Tama ba ang sabihin na ok lang kung ‘Kahit Anong Trabaho na lang Po’
Marami tayong narinig na mga naghahanap ng trabaho na nagsabing- “Kahit anong trabaho na lang po”. Maganda ang pagiging “willing” sa pagsubok ng kahit anong trabaho, nguni’t higit na mas makabubuti sa’yo kung buo ang isip kung ano ang trabahong nais mo talagang pasukan. Sa huli nating panayam sa isang Project Coordinator ng DOLE Bureau of Local Employment, malalaman natin kung ano ano pa nga ba ang mga kailangan upang makapagsimula sa pagtratrabaho sa ganitong klaseng trabaho sa gobyerno at kung paano din tayo makakatagal sa trabahong gusto talaga natin. Ito ang ating mga tatalakayin ngayon: 00:29 “Kahit Anong Trabaho na lan...
2018-10-11
18 min
Buhay at Hanapbuhay
Episode 46 | Don’t take ‘No’ for an answer when looking for work
Nagiging matagumpay ang paghahanap ng trabaho sa karamihan dahil sa isang katangian- ang pupusurgi, o ang hindi kaagad pagsuko. Kung hindi ka nakuha sa isang aplikasyon, ay maaring sa susunod ay mag tugma na ang iyong kakayahan sa isang Employer. Siguraduhin mo lamang na alam mo din ang mga bagay na dapat paghandaan sa susunod na aplikasyon. Nagkaron din tayo ng pagkakataon makausap ang isang IT Consultant at Developer para sa Gobyerno. Ibinahagi niya ang ilang mahahalagang bagay kung gusto mong pasukin ang larangan ng IT Development at Consultancy. Ito ang ating mga pag-uusapan sa episode na ito: 00:24 Don’t ta...
2018-10-11
12 min
Buhay at Hanapbuhay
Episode 45 | Paano sagutin ang interview question ‘Tell me something about yourself’
Bakit nga ba mahirap sagutin para sa iba ang tanong sa interview na “Can you tell me something about yourself?” Nagiging mahirap lamang ito kung hindi malinaw ang ating pananaw kung para saan ang tanong na ito at kung paano natin magagamit ang pagkakataon na ito upang maipakita ang ating kakayahan. Sa ating ikalawang panayam sa isang Asst. Project Coordinator ng DOLE-BLE for Jobstart program, naibahagi niya ang kanyang experience bilang isang working student, para saan ang Jobstart program at kung paano ba siya nagtagal sa kanyang trabaho. Lahat ‘yan sa episode na ito, 00:38 Paano nga ba sagutin ang tanong sa int...
2018-10-11
16 min
Buhay at Hanapbuhay
Episode 44 | Iwasan ang mga ito sa iyong Resume
May mga pagkakataon na nakakalimutan natin suriin ng mabuti ang ating resume upang makita ang mga maling detalye. Balikan natin ang mga bagay na hindi dapat inilalagay sa resume. Nakausap din natin ang isang nagsusumikap na working student na nagtratrabaho bilang food delivery guy at perfume maker upang pangtustos sa kanyang pag-aaral. Pakinggan natin ang kanyang payo tungkol sa pagsisikap sa buhay. Ito ang nilalaman ng ating episode ngayon: 00:22 Mga dapat iwasan na ilagay sa Resume 03:58 Panayam sa isang food delivery guy na isang working student 09:56 Quote for the Week (Mahatma Gandhi)
2018-10-11
10 min
Buhay at Hanapbuhay
Episode 43 | Tatlong Kakayahan na kailangan upang mabilis makahanap ng Trabaho
Hindi ‘suwerte’ ang dahilan kaya madaling nakakakuha ng trabaho ang ibang mga tao. Mayroon silang tatlong mga kakayahan na angkop para sa mga pangangailangan ng mga employers. Ano ano nga ba ang mga ito? Nabigyan din tayo ng pagkakataon malaman kung ang DOLE AMP na programa ng DOLE para tulungan ang mga empleyadong naapektuhan ng K to 12 education system mula sa isa sa kanilang mga empleyadong tumutulong sa pagsulong nito. ‘Yan ang laman ng episode na ito: 00:33 Three (3) Skills that can help you get hired fast 02:51 Panayam sa isang Program Administrative Staff ng Bureau of Local Employment 16:44 Quote for the week...
2018-10-11
17 min
Buhay at Hanapbuhay
Episode 42 | Paano pumasa sa 30-second Resume Test
Malaki ang kahalagahan ng pagiging simple ng isang resume sa iyong pag-aaply sa trabaho. Dapat itong pumasa sa labing tatlong (30) segundo na pagsubok upang lalong tumaas ang iyong pagkakataon na magpatuloy sa susunod na hakbang sa aplikasyon. Patuloy ang ating pakikipagpanayam sa ating mga Bureau of Local Employment employees. Nakapanayam naman natin ang isang Project Coordinator na in-charge sa NSRP (National Skills Registration Program) na kung saan ay nakapagbahagi din siya ng mahahalagang payo sa mga estudyanteng malapit ng magtapos at magtrabaho. Alamin natin lahat ito sa episode na ito: 00:33 Paano pumasa sa 30-second Resume Test 03:43 Panayam sa isa pang...
2018-10-11
21 min
Buhay at Hanapbuhay
Episode 41 | Ano ang magandang gawin habang naghihintay ng interview
Pag-usapan natin kung paano magagamit ang oras ng paghihintay mo sa interview upang lalong maging mas handa kapag dumating na ang iyong pagkakataon. Nakapagbahagi din ang isang Project Coordinator, si Miss Nicole ng Bureau of Local Employment, ng impormasyon tungkol sa kanyang unang trabaho at kung ano ano din ang kaniyang ginagawa upang higit pa niyang mapabuti ang sarili sa trabahong ito. Lahat ng mga ito ang ating tatalakayin: 00:36 Ano ang magandang gawin habang naghihintay ng interview 02:31 Panayam sa isang Project Coordinator sa Bureau of Local Employment 18:15 Quote for the Week (Anthony Bourdain)
2018-10-11
19 min
Buhay at Hanapbuhay
Episode 40 | To do list para sa mga naghahanap ng trabaho
Mas dadali ang paghahanap ng trabaho kung mayroon ka listahan ng mga dapat gawin. Alam mo na din dapat ang tamang proseso upang lalong tumaas ang pagkakataon na matanggap. Nabigyan tayo ng pagkakataon makausap ang isang Utilities Personnel kung saan naibahagi niya ang kanyang kuwento kung paano siya nakahanap ng trabaho at kung paano ka din maaring manatili sa ganitong trabaho. Tatalakayin natin ito lahat sa episode na ito: 00:38 To do list para sa mga naghahanap ng trabaho 06:01 Panayam sa isang Utilities Personnel kung paano siya natanggap sa trabaho at kung ano din ang kailangan upang makakuha at manatili sa...
2018-10-09
15 min
Buhay at Hanapbuhay
Episode 39 |
Salamat po sa patuloy ninyong pakikinig sa Buhay at Hanapbuhay ngayong 2017! Patuloy pa rin kami na makiki bahagi sa inyong pamumuhay sa darating na taon. Happy 2018 sa lahat! Para sa lahat ng episodes - hanapin lang ang #BuhayAtHanapbuhay
2018-10-09
04 min
Buhay at Hanapbuhay
Episode 38 | Paano pataasin ang kompyansa sa sarili upang makahanap ng trabaho
Hindi talaga madali makamit ang lakas ng loob sa paggawa ng isang bagay. Kailangan makuha mo ang kompyansa sa sarili bilang unang hakbang sa paghahanap ng trabaho. Nakausap din namin ang isang matagal ng Company Driver at nakakuha tayo ng ilang mahahalagang bagay na dapat bigyan halaga kung nais mo din tumagal sa ganitong propesyon. Tatalakayin natin ang mga ito: 00:24 Paano pataasin ang kompyansa upang makahanap ng trabaho 02:54 Panayam sa isang Company Driver 10:59 Quote for the Week (George Lucas)
2018-10-09
11 min
Buhay at Hanapbuhay
Episode 37 | Ano ba ang dapat na gamitin na lenggwahe sa Interview, English o Filipino?
Pagdating ng araw ng interview, siguraduhin na buo ang loob mo at kampante ka na din gumamit ng tamang lenggwahe. Ano nga ba ang dapat gamitin, English o Filipino? Nabigyan din tayo ng pagkakataon makapag interview ng isang Marketing Communications Associate upang malaman natin kung ano nga ba ang trabahong ito at kung paano mapunta sa larangan ng trabahong ito. Ito ang nilalaman ng episode na ito: 00:32 Ano ba ang dapat na gamitin na lenggwahe sa Interview, English o Filipino? 02:15 Panayam sa isang Marketing Communications Associate 13:15 Quote for the Week (Carrie Fisher)
2018-10-09
14 min
Buhay at Hanapbuhay
Episode 36 | Payo para sa mga baguhan sa paghahanap ng trabaho
Ngayon ka lang susubok maghanap ng trabaho? Pagusapan natin kung ano ba ang bagay na dapat mong gawin upang handa ka na sumubok at maging tagumpay sa paghahanap ng trabaho. Nabigyan din tayo ng pagkakataon makapanayam ang isang multi-skilled technician sa kanyang trabaho. Paano ba niya nakuha ang mga kinakailangang 'skills' sa ganitong trabaho at kung ano ano ang kanyang pang araw araw na trabaho. Ating talakayin ang mga ito: 00:31 Payo para sa mga baguhan sa paghahanap ng trabaho 06:01 Panayam sa isang multi-skilled na Technician 16:38 Quote for the Week (Harrison Ford)
2018-10-09
17 min
Buhay at Hanapbuhay
Episode 35 | How to make a One-Page Resume
Nasubukan mo na ba gawing One Page lang ang iyong resume? Siyasatin natin kung bakit nga ba mas maigi, lalo na kung kaya naman, na gawing isang pahina lamang ang ating resume para makatulong ito sa paghahanap ng trabaho. Mayroon din tayong special interview sa isang Call Center Trainer tungkol sa kanyang propesyon, kung ano ano nga ba ang kaakibat nitong responsibilidad at kung bakit din siya nagtagal ng labing isang (11) taon dito. Lahat yan sa episode na ito: 00:31 How to make a One-Page Resume 04:30 Panayam sa isang Call Center Trainer 20:30 Quote for the Week (Og Mandino)
2018-10-09
21 min
Buhay at Hanapbuhay
Episode 34 | Ano ang pwedeng gawin sa libreng oras kapag maluwag sa trabaho
Mahirap man aminin, pero hindi maikakaila na marami tayong oras na napupunta lamang sa wala kapag may libreng oras tayo sa opisina. Nakapanayam din natin ang isang Admin Assistant na kung saan ay ibinihagi niya ang karaniwang gawain sa trabahong ito, paano nga ba tumagal sa trabahong ito at kung saan patungo ang kanyang career. Ito ang ating mga pag-uusapan sa episode na ito: 00:39 Ano ang pwedeng gawin sa libreng oras kapag maluwag sa trabaho 02:38 Panayam as isang Admin Assistant at kung paano siya nakapagsimula at nagtagal sa trabahong ito 09:12 Quote for the Week (Arnold Schwarzenegger)
2018-10-09
10 min
Buhay at Hanapbuhay
Episode 33 | Paano mas maging kapakipakinabang sa iyong Trabaho
Minsan napapaisip na lang tayo bigla kung may halaga nga ba ang ating trabaho. Kailangan maging makabuluhan ang ating ginagawa sa pang-araw araw upang lalo pa natin ito mahalin. Sa larangan ng disenyo ngayon, maraming oportunidad para sa mga Graphic Artist / Designer ngunit ano nga ba ang kailangan upang makapagsimula sa larangan na ito. Nakapanayam natin ang isang bihasang graphic designer sa kanyang larangan at ibinihagi niya ang kanyang nalalaman dito. Lahat ito, sa episode na ito: 00:25 Paano mas maging kapakipakinabang sa iyong Trabaho 03:31 Panayam sa isang Graphic Artist at kung paano nga ba makapagtrabaho sa industriya nila 12:32 Quote for...
2018-10-09
13 min
Buhay at Hanapbuhay
Episode 32 | Ano ang maitutulong ng maayos na pakikipag kamay sa iyong paghahanap ng trabaho
Naranasan mo na ba makipag kamay sa iyong interviewer? Marahil ay nahihiya ka tuwing ginagawa ito ngunit malaki ang naitutulong ng tamang pakikipag kamay lalo na kung ginagawa mo ito sa isang job interview. Nabigyan din tayo ng pagkakataon makapanayam ang isang TESDA Assessor for DomWorks(Domestic Work/Helper) at ibinihagi niya ang mga bagay na kailangan gawin kung gusto mo din maging Assessor at kung ano ano din ang mga bagay na hanap nila sa isang NCII certification for Domestic Helper. Lahat yan ay ating pag-uusapan sa episode na ito: 00:38 Ano ang maitutulong ng maayos na pakikipag kamay sa...
2018-10-09
16 min
Buhay at Hanapbuhay
Episode 31 | Paano matanggap sa trabaho ng walang job experience
Pinakamahirap sa lahat ang makapagsimula sa trabahong gusto natin na wala pa tayong sapat na 'Job Experience'. Paano nga ba natin tataasan ang ating pagkakataong matanggap sa isang trabaho kung wala pa tayong parehong 'experience' dito. Makakapanayam din natin ang isang dating 'Intern' sa isang kompanya na ngayon ay naging Sales & Marketing associate na matapos niyang tagumpay na Ang mga nilalaman ng episode na ito: 00:40 Paano matanggap sa trabaho ng walang job experience 05:18 Panayam sa isang bagong graduate na nakapagtrabaho bilang Sales & Marketing Associate pagkatapos ng kaniyang Internship / OJT sa isang kompanya 14:04 Quote for the Week (Martha Stewart)
2018-10-09
14 min
Buhay at Hanapbuhay
Episode 30 | Mga dapat gawin upang tumaas ang suweldo
Madalas natin sisihin ang kompanya o di kaya naman ang ating mga 'boss' kung bakit hindi tumataas ang ating sahod. Ngunit maraming mga bagay na dapat tayong gawin na nakakalimutan ng karamihan upang makamit ito. Nabalitaan niyo na ba ang Jobstart na programa ng DOLE? Kilalanin natin ang isa sa mga graduates ng Jobstart program at kamustahin natin kung ano na nga ba ang trabaho niya ngayon. Sa episode na ito: 00:40 Mga dapat gawin upang tumaas ang suweldo 05:49 Panayam sa isang Jobstarter, na ngayon ay isa ng Accounting Assistant 11:17 Quote for the week (Paulo Coelho)
2018-10-08
12 min
Buhay at Hanapbuhay
Episode 29 | Paano gamitin ang Social Media upang makapag practice ng English
Mahalaga na marunong tayo mag salita ng Ingles lalo na kung nais mong dumami pa ang iyong mga pagpipilian na trabaho. Makakapanayam din natin sa episode na ito ang isang HR Recruiter na makakapagbigay linaw kung ano ano nga ba ang kelangan gawin upang makuha mo ang gusto mong trabaho. Sa episode na ito: 00:22 Paano gamitin ang Social Media upang makapag practice ng English 04:03 Panayam sa isang HR Recruiter tungkol sa kanilang trabaho at kung paano din makapasok sa trabahong ito 14:40 Quote for the week (Tony Robbins)
2018-10-08
15 min
Buhay at Hanapbuhay
Episode 28 | Hindi kailangan na mag graduate sa Top Universities para makapag trabaho
Hindi dapat humina ang loob mo kung hindi kabilang sa Top Schools at Universities ang paaralan kung saan ka nakapagtapos. Sa katunayan, dapat ito pa nga ang magtulak sa'yo upang lalo pang pagbutihin ang sarili upang makakuha ng magandang Trabaho. At paano kung kakatapos mo lang mag-apply ng trabaho, ano nga ba ang dapat gawin? Umupo na lamang sa bahay at maghintay ng resulta? Ito ang lahat ng ating pag uusapan natin sa episode na ito: 00:40 Hindi kailangan na mag graduate sa Top Universities para makapag trabaho 07:35 Ano ang kailangan gawin habang naghihintay ng resulta ng trabaho? 10:26 Quote for the...
2018-10-08
11 min
Buhay at Hanapbuhay
Episode 27 | Tips para sa mga aplikanteng gustong mag-walk in
Ang pag Walk-in ang isa sa mga pinakamahirap gawin na pamamaraan sa paghahanap ng trabaho ngunit hindi maikakaila na epektibo din ito. Pakinggan kung ano ba ang mga bagay na dapat gawin bago mo ito subukan. Kung madalas ka nabibigo sa paghahanap ng trabaho ay maaring may mga dahilan na maaring hindi mo pa nakikita. Talakayin natin ang mga katangian na nagiging hadlang kaya hindi natatanggap sa trabaho ang aplikante at kung papaano din baguhin ito. Pag usapan natin lahat 'yan sa episode na ito: 00:29 Tips para sa mga aplikanteng gustong mag-walk in 05:14 Ano ang problema kung bakit hindi ako...
2018-10-08
12 min
Buhay at Hanapbuhay
Episode 26 | Apat na maaring dahilan kung bakit hindi ka nakakahanap ng trabaho
Hindi dapat sisihin ang sarili kung bakit hindi tayo minsan natatanggap sa trabaho. May apat na mga bagay lamang na maaring nakakalimutan kaya hindi kagad natatanggap sa mga inapplyan na trabaho. Tingnan natin kung ano ano nga ba ang mga ito. Kung ikaw naman ay may trabaho na, siguraduhing lagi na may naitatabi ka na ipon upang hindi magipit pagdating ng panahon. Ano ano nga ba ang mga pangunahing dahilan kung bakit kailangan natin makapag-ipon? Pag-uusapan natin lahat ito: 00:36 Apat na maaring dahilan kung bakit hindi ka nakakahanap ng trabaho 5:13 Kahalagahan ng pag-iimpok para sa mga Manggagawa 9:04 Quote for the...
2018-10-08
10 min
Buhay at Hanapbuhay
Episode 25 | Paano manatili sa iyong kasulukuyang Trabaho
Madalas ay kapag tumatagal na tayo sa ating trabaho ay maaring makalimot tayo minsan na may kinakailangan pa rin tayo gawin upang manatili dito. Balikan natin kung ano ano nga ba ang mga bagay na ito. Kung ikaw naman ay naghahanap ng trabaho - siguraduhin mo na ginawa mo ng Prioridad ang paghahanap ng trabaho para magbunga ito ng maganda. Tatalakayin natin kung ano ano nga ba ang nangyayari kapag ginawa mo ito. Ito ang nilalaman ng episode na ito: 00:25 Paano manatili sa iyong kasulukuyang Trabaho 04:38 Gawing Prioridad ang Paghahanap ng Trabaho 07:21 Quote for the Week (Michael Jordan)
2018-10-08
08 min
Buhay at Hanapbuhay
Episode 24 | Be better today than yesterday
Kailangan ba natin talaga makipag paligsahan sa ating mga ka-opisina upang mas maging mahusay sa ating trabaho? Bilang empleyado, ang pagkakaron ng mas mabuti sa resulta ng ating trabaho ngayon kumpara sa kahapon ang susi para mas maging mahusay. Para naman sa ating mga listeners na naghahanap pa ng mga trabaho, siguraduhin lagi na kilala niyo na ang sarili niyo bago kayo pumunta sa mga job interviews. Pag-uusapan natin 'yan sa episode na ito: 00:41 Be better today than yesterday 04:40 Be yourself during Job Interviews 08:30 Quote for the week (Dwayne Johnson)
2018-10-08
09 min
Buhay at Hanapbuhay
Episode 23 | The power of habit for employees
Kaya mo ba maging mahusay sa trabaho? Kahit sino naman kaya gawin ito basta mayroon ka ng epektibong 'habit' sa paghahanapbuhay. Kung ikaw naman ay naghahanap ng trabaho, tandaan na kailangan mo din mag "focus" sa mga importanteng bagay upang magkaron ng magandang resulta ang iyong mga pupuntahan na interviews. Lahat yan ay pag-uusapan natin sa episode na ito: 00:33 The power of habit for employees 03:38 Mag "Focus" upang makahanap kagad ng trabaho 05:41 Quote for the week (Linda Kaplan)
2018-10-08
07 min
Buhay at Hanapbuhay
Episode 22 | Tips para sa mga nagtratrabaho sa gabi
Kalusugan ang pinakamahalaga sa ating pamumuhay lalo na kung kaakibat nito ang pagpupuyat dahil sa trabaho. Gamitin na gabay ang ating episode na ito kung ikaw ay nagtratrabaho sa gabi. Ang pakikipagsapalaran ng ating mga OFW's sa ibang bansa ang nagiging simbolo ng tagumpay para sa karamihan. Dahil nga lang ba sa mas malaking sweldo ang nagiging basehan ng kanilang tagumpay? Tingnan natin kung ano ano pa nga ba ang mga katangian ng ating mga manggagawa sa ibang bansa at kung bakit kailangan din natin gawin ito kahit wala tayo sa ibang bansa kung nais natin maging matagumpay din. Pag-usapan...
2018-10-08
09 min
Buhay at Hanapbuhay
Episode 21 | Paano nga makapagtipid kung ikaw ay isang minimum wage earner pa lamang
Ang pagtitipid ang isa sa pinakamahirap gawin ng isang nagtratrabaho - lalo na kung ikaw ay nagsisimula pa lamang sa pagtratrabaho. Paano nga ba natin magagawang magtipid sa pang araw-araw kung nakasanayan na laging nauubos ang sweldo bago ang next Payday. Balikan din natin ang mahahalagang aspeto ng buhay maliban sa pagtratrabaho. Maliban sa pagtratrabaho, napakarami pa ng mga bagay na kinakailangan natin bigyan pansin upang tayo ay tunay maging masaya. Pag-usapan natin lahat 'yan sa episode na ito: 00:33 Paano nga makapagtipid kung ikaw ay isang minimum wage earner pa lamang 04:30 Tamang balanse sa buhay at hanapbuhay 07:35 Quote for the...
2018-10-08
08 min
Buhay at Hanapbuhay
Episode 20 | Mga Paraan upang ma-promote sa Trabaho
Kung ikaw ay isang empleyado at gusto mong ma-promote, kinakailangan na handa ka muna para dito bago mo subukan mag-apply. Pag-usapan natin ang mga paraan upang tumaas ang pagkakataon mo ma-promote. Marami sa ating mga kababayan ang nahihirapan makakuha ng trabaho sa Call Centers / BPO kahit gustong gusto nila. Ang paggamit ng 'basic' English ay kinakailangan upang matanggap ka sa trabaho dito. Tingnan natin kung paano nga ba matuto ng pagsasalita ng Ingles. Samahan niyo kami sa episode na ito: 00:33 Mga Paraan upang ma-promote sa Trabaho 05:02 Paano matuto ng 'basic' English upang makapagtrabaho sa Call Center 12:33 Quote for the Week...
2018-10-08
13 min
Buhay at Hanapbuhay
Episode 19 | Dapat ba mag-abroad o hindi?
00:54 Dapat ba mag-abroad o hindi? 06:39 Trabaho o Negosyo? 12:15 Quote for the week (Jackie Chan) Marahil ay naitanong mo na rin sa iyong sarili kung mas maigi ba na magtrabaho ka na lang sa ibang bansa upang makaraos. Pag-usapan natin kung ano ano pa nga ba ang mga dapat mong sagutin na mga tanong bago ka mag desisyon umalis ng bansa. Narinig na din natin sa ibang matagumpay na negosyante na ang pagnenegosyo ang naging susi nila. Ano nga ba dapat, mag Trabaho o mag Negosyo?
2018-10-08
13 min
Buhay at Hanapbuhay
Episode 18 | Anong gagawin ko, kung gusto ko lumipat ng trabaho
00:32 Anong gagawin ko, kung gusto ko lumipat ng trabaho 04:06 Mga dahilan kung bakit umaalis ng bansa ang ating Manggagawa 08:50 Quote for the week (Audrey Hepburn) Bago mag desisyon lumipat ng trabaho, siguraduhin mo munang handa ka na. Maraming importanteng bagay ang marahil nakakalimutan ng iba bago sumabak sa pagtratrabaho sa ibang bansa. Tatalakayin natin yan sa episode na ito. Balikan din natin ang mga pangunahing dahilan kung bakit nga ba umaalis ng bansa ang ibang Manggagawang Pilipino.
2018-10-08
09 min
Buhay at Hanapbuhay
Episode 17 | Limang Paraan para harapin ang 'stress' sa trabaho
00:38 Limang Paraan para harapin ang 'stress' sa trabaho 05:01 Paano i-program ang iyong isip para magkatrabaho 08:10 Quote for the Week (Andy Warhol) Para sa mga nagtratrabaho ang 'stress' ay hindi biro. Araw-araw natin hinaharap ito at minsan ay parang ayaw na natin pumasok dahil dito. Kaya naman naisipan namin ibahagi ang ilang mga tips para makatulong sa pagharap sa 'stress'. Kung ikaw ay naghahanap ng trabaho, siguraduhing buo na ang pag-iisip mo bago ka pa man magsimulang mag-apply. Gumawa kami ng gabay para makondisyon ninyo ang inyong sarili upang makuha ang gusto mo talagang trabaho. Lahat yan ay pag-uusapan natin sa...
2018-10-08
09 min
Buhay at Hanapbuhay
Episode 16 | Payo upang makapagpasya kung anong Trabaho ang dapat aplyan
00:31 Payo upang makapagpasya kung anong Trabaho ang dapat aplyan 07:03 Paano makatutulong ang 'branding' sa paghahanap ng trabaho 10:26 Quote for the Week (Sergey Brin) Hindi dapat hayaan na tadhana na lamang ang bahala sa ating magiging trabaho. Kailangan ikaw mismo ang mag desisyon at gumawa ng paraan para makuha ang gusto mong trabaho. Dagdagan mo din ang iyong pagkakataon makuha kaagad sa trabaho sa pamamagitan ng pagkaron ng sarili mong 'branding'.
2018-10-08
11 min
Buhay at Hanapbuhay
Episode 15 | Tulong sa paghahanap ng trabaho para sa mga hindi nakapagtapos ng kurso
Hindi dapat hadlang ang hindi pagkakaroon ng natapos na Kurso upang makakuha ng disenteng trabaho. Maraming paraan upang magkatrabaho ang isang tao pero kailangan ay may ginagawa ka din upang dagdagan ang iyong skills. Kailangan din ang ‘Positive Thinking‘ upang makakuha ng trabaho. Hindi dapat hinahayaan ang negatibong pag-iisip sa ating buhay, lalo na kung ikaw ay mag-aaply ng trabaho. Pag-uusapan natin yan lahat dito sa episode na ito. Sa episode na ito >> 00:31 Tulong sa paghahanap ng Trabaho, Para sa mga hindi nakapagtapos ng Kurso 04:22 Inaasahan mo ba makakuha ng trabaho? 08:04 Quote for the week (Jack Ma)
2018-10-08
09 min
Buhay at Hanapbuhay
Episode 14 | Paano ba gumamit ng kwento ng iyong buhay sa Job Interview
Bihira sa atin ang may kakayahan mag kwento ng sariling karanasan sa harap ng ibang tao. Lalo na kung ilalagay mo pa ang sitwasyon sa loob ng isang job interview. Pero ang totoo, mas maganda na magamit mo ang iyong karanasan para maiangat mo pa ang iyong sarili sa kompetisyon para magkatrabaho. Ang magandang pakikitungo din sa mga katrabaho ang isa sa pinakamahahalagang bagay na dapat matutunan ng kahit sino man. Tatalakayin natin lahat ito sa episode ngayon: In this episode >> 00:37 Paano nga ba gamitin kwento ng iyong Buhay upang makatulong sa Job Interview 03:12 Mga Paraan para mapadali ang pakikipagkaibigan...
2018-10-08
07 min
Buhay at Hanapbuhay
Episode 13 | Paano ba makuha ang atensyon ng Recruiters
Akala natin basta may resume ay sapat na ito upang pansinin ng recruiter. Kailangan nating siguraduhing maayos ang pagkakagawa ng ating resume upang tumaas ang ating ‘chance’ para mabigyan ng pagkakataon na magkatrabaho. Pakinggan kung paano nga ba ito gawin. Tatalakayin din natin kung paano nga ba maging handa ang isang empleyado sa pagbabago sa mundo ng trabaho. In this episode >> 00:40 Paano makuha ang atensyon ng HR Recruiters 02:44 Paano maging handa sa pagbabago sa trabaho 05:43 Quote for the week (Howard Schultz)
2018-10-08
06 min
Buhay at Hanapbuhay
Episode 12 | Mga hadlang na kakaharapin ng mga bagong ‘Graduate’
Marami sa ating mga bagong graduates ang makikipagsapalaran sa mundo ng trabaho simula ngayong buwan. Kaya minabuti namin na pagusapan ang mga hadlang sa paghahanap ng trabaho kung ikaw ay isang Fresh Graduate. Pagdating naman sa Job Interviews, may paraan upang mas mapaigi ang impresyon sa’yo ng job interviewer sa pamamagitan ng paggamit ng positive body language. Sa episode na ito: 00:49 Mga Hadlang na kinakaharap ng mga bagong Graduates 06:37 Positive Body Language for Job Interviews 08:30 Quote for the Week (Stephen Curry)
2018-10-08
09 min
Buhay at Hanapbuhay
Episode 11 | Resume Tips para sa First Time Job Applicants
Para sa ating mga first time jobseekers, ang unang hakbang sa paghahanap ng pagtratrabaho ay ang pagkakaroon ng maayos na Resume. Magbibigay tayo ng tips upang siguradong maayos ang inyong Resume. Huwag pangunahan ng takot kapag nagkaroon ka ng alok na trabaho sa Sales. Tingnan natin kung ano nga ba ang mga maliliit na dahilan kung bakit pinapalampas ng marami ang magagandang opportunidad sa Sales. Sa episode na ito >> 00:52 Resume tips para sa mga first time job applicants 04:18 Bakit nga ba ayaw applyan ng karamihan ang trabaho sa Sales? 11:10 Quote for the week (Sheryl Sandberg)
2018-10-08
12 min
Buhay at Hanapbuhay
Episode 10 | Karaniwang Dahilan kung bakit hindi Natanggap ang isang Aplikante
Mahirap man tanggapin, pero may mga dahilan kung bakit minsan ay hindi tayo natatanggap sa trabaho. Alamin natin kung ano nga ba ang mga ito. Maraming mga benepisyo naibibigay ang social media sa ating buhay. Pero mayroon din itong mga negatibong epekto sa natin. Ano nga ba ang mga dapat iwasan na gawain sa social media lalo na kung ikaw ay nag-aaply ng trabaho. Sa episode na ito: 00:33 Karaniwang dahilan kung bakit hindi ka natanggap sa trabaho 04:44 Mga dapat iwasan na ilagay sa iyong Social Media profile 10:30 Quote for the week (Mark Zuckerberg)
2018-10-08
11 min
Buhay at Hanapbuhay
Episode 9 | Katangian ng mga taong madaling matanggap sa Trabaho
May mga kakilala ka ba na mabilis makahanap ng mga trabaho? Kilalanin natin ang mga taong katulad nila na may mga katangiang gustong gusto ng mga employers kaya sila mabilis matanggap sa trabaho. Sa mundo naman ng pagtratrabaho, kailangang siguraduhin din natin na mahirap tayo palitan dahil sa ating mga katangian. Paguusapan natin lahat ‘yan, sa episode na ito: 00:51 Katangian ng mga taong madaling matanggap sa trabaho 03:30 Become an employee who is hard to replace 06:02 Quote for the week (Walt Disney)
2018-10-08
07 min
Buhay at Hanapbuhay
Episode 8 | Paano gawing ‘Stress Free’ ang Opisina
Madalas hindi natin namamalayan na nakakadagdag stress sa ating trabaho ang mga bagay na kaya naman natin maiwasan. Tingnan natin kung ano-ano ang mga ito. Pagdating naman sa paghahanap ng trabaho, siguraduhing alam din natin ang mga iba pang katangian na madalas hinahanap ng mga employers maliban sa ‘skills‘ at ‘experience’ natin. Pagusapan natin lahat ‘yan, sa episode na ito: 00:35 Paano maging stress free ang workplace 03:08 Katangian na hinahanap ng employers sa mga aplikante 06:18 Quote for the week (J.K. Rowling)
2018-10-08
07 min
Buhay at Hanapbuhay
Episode 7 | Payo kung paano mas maging produktibo sa Trabaho
Mas masaya ang pakiramdam natin sa trabaho kung tayo ay “productive“. Kaya subukan ninyo ang ilan sa mga paraan na subok na din namin kung paano nga ba maging produktibo sa trabaho. Pagdating naman sa mga job interviews, huwag hayaang matapos ang interview ng hindi ka makakapagtanong kung binigyan ka naman ng pagkakaton. Alamin ang dahilan sa ating podcast episode ngayon. Sa podcast episode na ito: 00:45 Tips kung paano maging produktibo sa trabaho 04:58 Maari mong itanong bago matapos ang interview 06:50 Quote for the week (Michael Phelps)
2018-10-08
07 min
Buhay at Hanapbuhay
Episode 6 | Kumuha ng mga kurso sa TESDA para dagdag ‘Skills’
Sa panahon ngayon, hindi na dahilan ang kakulangan ng pera upang matuto ng bagong skills sa pagtratrabaho. Ang TESDA skills training program ay ginawa ng gobyerno upang magkaron ng paraan para magkaron ng additional skills ang kahit sino. Sino din nga ba ulet ang “Millenials“? Kilalanin natin ang pinakabagong grupo ng mga manggagawa at kung bakit kailangan natin sila. Sa podcast episode na ito: 00:40 Kumuha ng TESDA courses to upgrade your skills 02:40 Benepisyo ng pagtanggap ng “Millenials” 03:55 Quote for the week (Oprah Winfrey)
2018-10-08
05 min
Buhay at Hanapbuhay
Episode 5 | Mga Paraan upang magtagal sa Trabaho
May mga paraan na dapat tayong subukan upang magtagal sa trabaho. Hindi din kasi maganda kung palipat lipat tayo ng employer kahit halos pareho lang naman ang responsibilidad at sweldo. Tingnan din natin kung bakit nga ba mas masaya din ang ibang tao sa kanilang mga trabaho. Sa episode na ito: 00:43 Ano ba ang dapat gawin para magtagal sa trabaho 03:04 Bakit ba mas masaya ang ibang tao sa kanilang trabaho? 04:39 Quote for the week (Richard Branson)
2018-10-08
05 min
Buhay at Hanapbuhay
Episode 4 | Alamin kung ano ano nga ba ang mga Senior High School programs
Siguradong may mga mahal tayo sa buhay na papasok pa lamang sa Senior High School. Pag-usapan natin kung ano nga ba ang mga track programs na maaring kunin para sa SHS. Magbibigay din tayo ng karagdagang kaalaman kung paano nga ba maghanap ng swak na trabaho. Sa episode na ito: 00:38 Ano-ano nga ba ang mga Senior High School track programs? 03:51 Paano nga ba makapaghanap ng swak na trabaho 06:58 Quote for the week “Will Smith”
2018-10-08
07 min
Buhay at Hanapbuhay
Episode 3 | Paano maging ‘healthy’ sa trabaho at maging matipid
Lagi ka bang nagkakasakit sa mga araw ng trabaho? Or nabibitin ka ba sa iyong budget pagkatapos lamang ng ilang araw ng sweldo? Pag-usapan natin ngayon kung ano bang pwedeng diskarte para lagi tayong nasa kondisyon at magbibigay din tayo ng iba’t ibang paraan upang makatipid at mapalago din ang ating kinikita. Sa episode na ito: 00:53 How to stay healthy at work 02:26 Paano nga ba makatipid pag araw ng sweldo? 06:26 Quote for the week (Elon Musk)
2018-10-08
07 min
Buhay at Hanapbuhay
Episode 2 | Bakit kailangan mag Research sa kumpanya bago mag apply
Na-experience mo na ba yung time na pumunta ka ng job interview at wala kang masagot nung tinanong ka kung bakit ka nag-apply sa kanila? Pag-usapan natin kung ano nga ba ang tamang sagot diyan at kung sino nga ba si JUAN bago at pagkatapos ng araw ng sweldo. In this episode: 0:21 Researching about the company before attending your job interview 2:47 PhilJobNet Employer Features 5:10 Sino ba si Juan bago at pagtapos ng sweldo?
2018-10-04
09 min
Buhay at Hanapbuhay
Episode 1 | Kilalanin ang PhilJobNet at JobStart
Sa unang podcast episode natin ng Buhay at Hanapbuhay, pag-uusapan natin kung ano nga ba ang PhilJobNet at ang JobStart Program ng gobyerno. In this episode: 1:00 Introduction to PhilJobNet 3:40 Overview on JobStart Program 4:38 Quote for the Week (Warren Buffet)
2018-05-15
05 min